Kabanata 12

7K 257 31
                                    

Feeling cool.

'Yan ang status ko sa facebook ko ngayon matapos kong i-charge ang cellphone ko. Nandito kasi kami ngayon ni Pech sa condo unit na ipinahiram sa akin ni Allan. Ang lamig naman kasi ng condo kaya sobrang cool!

Kanina ay sinundo kami ni Allan at Peter na magkasama pa talaga para lang asarin ako. Gulat na gulat pa nga sila nang malamang ang babaeng kasama ko na si Pech ay si Mia pala na anak ni Senator Del Valle.

"Eh, anong gagawin mo ngayon 'tol?" Tanong ni Peter sa akin, "Nabuntis mo pa iyang si Pech.. Naku! Kapag bumalik sa katinuan ang isip niyan at kapag nalaman niyang nabuntis mo siya ay baka patayin ka na niyan sa sobrang galit."

Napakamot naman ako sa ulo ko at saka kumibit-balikat, "Wala na akong magagawa kung magalit siya, basta ako; ginawa ko ang lahat para lang maprotektahan siya."

"Woah! Ang sweet mo naman! Isa ka na talagang hamak na loverboy!" Ani Allan habang kumakain ng cake.

Napatingin naman ako kay Pech na ngayon ay natutulog na sa malambot na kama.

Napahinga ako ng malalim habang tahimik ko lang siyang pinagmamasdan.

"Inlove ka na talaga, ano?" Ani Peter na nakamasid pala sa akin.

Tumango ako, "Mahal ko si Pech."

"Eh mahal ka ba?"

Napatikom ako sa aking bibig at pinagdikit ang kamay ko na tila ba iyon ay pinaglalaruan ko.

"Eh ang problema nga, binuntis mo si Mia.. Hindi mo ba alam na may boyfriend 'yung babae? Mayaman 'yon, at kung ikukumpara sa'yo, walang-wala ka 'don, pre." Ani Allan na mariin ko namang ikinapikit.

"At tiyak ako na sa oras na ito ay alam na ni Senator Del Valle na hawak mo 'yang Pech, 'Yun ay kung namukhaan ka nga ng mga guards at nakita sa CCTV, eh ang kaso.. Masyadong natatakpan ng sumbrero iyang mukha mo kaya malabo sa camera." Dugtong pa ni Allan sa sinabi niya.

Kanina kasi ay napanuod namin sa balita ang nangyari kanina sa kainan. Mabuti na nga lang at hindi ako namukhaan sa television, at sana nga ay wala talagang nakakilala sa akin.

"Paano iyan? Kapag nalaman ni Senator Del Valle na nabuntis mo si Pech. Baka ipapatay ka na non." Ani Peter na mukhang nang-aasar pa.

Muli akong napabuntong hininga sa sinasabi ng mga kaibigan ko.

"Hindi ako ipapapatay ni Senator Del Valle, dahil kapag ginawa iya iyon, mawawalan ng Ama ang ipinagbubuntis ni Pech. Siguro naman maiisip ni Senator ang kapakanan ng bata." Sagot ko sa dalawang mababait kong kaibigan.

Feeling serious

Minsan lang ako magseryoso kaya naman pagkakataon ko na ito para makapag-status ulit sa facebook ko. Seriously?! Wala pang one minute ang status ko ay pinusuan na kaagad ng magagaling at masisigasig kong kaibigan.

Bandang hapon ay nagpaalam na sa akin ang dalawa.

"Basta, tawagan mo lang kami ni Allan kapag may problema para matulungan ka namin." Sabi ni Peter.

Tumango ako, "'Yung project natin sa isang subject kayo nang bahala, ah?! Papasok pa rin naman ako." Sabi ko pa sa kanila.

"Oo, Pre. Basta tuloy 'yung outing natin kahit anong mangyari. Private resort naman iyon kaya huwag kang mag-alala kay Pech." Sabi pa ni Allan sa akin.

Tumango ako sa dalawa, "Mag-ingat kayo mga 'Tol! Maraming salamat sa tulong niyo sa akin!"

Nang makalabas na ang dalawang kaibigan ko ay saka ako napahilamos sa mukha gamit ang dalawang palad ko.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon