Kabanata 32

8K 274 92
                                    

"Mia... Anong nginingiti mo diyan? Mamaya mahuli ka na naman ni Ma'am Irish, malalagot ka na sa kanya talaga." Sabi sa akin ni Ria na gumagawa ng report sa tabi ko.

"Bawal na bang ngumiti?" Tanong ko sa kanya habang ipinagpapatuloy ang ginagawa kong trabaho.

"Sus! Ikaw ha?! Feeling ko talaga may tinatago ka eh, 'Yung totoo lang ha? May boyfriend ka na ba? May nanliligaw ba sa'yo o ano?" Tanong pa niya na ikinagulat ko naman.

"Sira ka! Paano naman ako magkakaboyfriend, busy nga ako sa trabaho. Wala lang 'to." Sagot ko pa sa kanya.

Kumibit balikat na lamang si Ria habang pinagpapatuloy ang kanyang trabaho.

Napapangiti lang naman ako dahil naaalala ko lang yung nangyari noong isang araw, kasama ko si Hunter para makipagkita sa mga kaibigan niyang si Allan at Peter.

Hindi naman kasi namin akalain na gusto lang kaming i-invite nila Allan sa networking nilang dalawa ni Peter.

BANDANG hapon, malapit na ring matapos ang oras ng trabaho ay nakatanggap ako ng tawag. Wala na rin naman akong ginagawa at naghihintay na rin ako ng oras para sa out ko.

Unknown number. Hindi naman pamilyar sa akin ang numerong tumatawag pero nagtatalo sa isip ko kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi. Hanggang sa mamatay na ang tawag at kasunod naman ay nakatanggap ako ng mensahe.

Hi Mia. This is secretary May from Bureau of corrections. May nangyari kasing masama sa Daddy mo.

Halos matigil ang mundo ko nang mabasa ko ang mensaheng iyon. Kaya naman saktong pagtayo ko ay oras na rin pala ng uwian. Tapos na ang trabaho ko para sa araw na ito.

"Sasabay ka ba? Mukhang nagmamadali ka?" Tanong sa akin ni Ria nang magpaalam ako sa kanya.

Tumango ako, "Oo.. Pupuntahan ko lang si Daddy. Nagtext kasi sa akin ang corrections. May nangyari daw kay Daddy." Sagot ko sa kanya.

"Sige. Ihahatid na lang kita. Malapit lang naman iyon sa pupuntahan ko."

Hindi na ako pumigil pa sa nais ng kaibigan ko. Pagsakay namin ng kanyang sasakyan ay agad niya iyong pinaandar.

Habang nasa biyahe ay hindi ako mapakali kung ano na ba ang nangyari sa Daddy ko.

May sakit naman siya pero regular ko naman siyang pinapa-check up sa doktor.

Nang makarating kami sa bilibid ay umalis na rin si Ria. Sinabi ko na kasi sa kanya na okay na ako at kaya ko na rin namang mamasahe pauwi.

Nang makapasok ako sa loob ay agad kong hinanap ang Jail Officer at tinanong ang kalagayan ni Daddy.

"Kamusta po ang Daddy ko?" Tanong ko sa Jail Officer na kaharap ko ngayon.

"Nasa clinic ang daddy mo at nagpapagaling. Pinagtulungan siyang bugbugin ng mga kapwa bilanggo niya." Sagot niya sa akin, "Ayun, pinarurusahan na ang mga salarin sa pangyayari. Maaari mo na rin namang mabisita ang Daddy mo." Aniya pa.

Nang makapunta ako sa clinic ay agad kong nakita si Daddy na natutulog. Bakas sa mukha niya ang nga natamo dulot sa pambugbog sa kanya.

Umupo ako sa tabi niya at at saka hinagkan ang noo niya. Naramdaman naman niya iyon kaya napadilat ang mata niya.

"A—Anak.."

Ngumiti ako habang hinahaplos ko ang pisngi niya, "Magpagaling po kayo, Daddy. Nandito lang po ako palagi. Wala namang ibang magtutulungan kung hindi tayo lang din."

"S—Salamat, anak.. Kahit na sa dami ng kasalanang nagawa ko ay hindi pa rin ako itinakwil ng anak ko." Hirap na sabi niya.

Huminga ako ng malalim at saka nuling nagsalita, "Kahit na ano pong mangyari Daddy, nandito lang po ako. Tulad nga po ng sinabi ko kanina, tayo lang ang magtutulungan wala ng iba."

Marami pa kaming napag-usapan ni Daddy. Mabuti nga at hindi na kami inorasan ng Jail Officer. Gusto ko pa kasing makasama si Daddy at makausap.

Sabay din kaming kumain at habang kumakain ng dala kong pagkain ay saka siya muling nagtanong.

"Anak... May kilala ka bang Hunter?" Tanong niya sa akin pagkatapos uminom ng tubig.

Tumango ako, "Opo.. Noong nakaraan kasi, may nagtangka sa unit ko na pagnakawan ko.. 'Yung mga kaibigan niya 'yung rumesponde sa akin, Si Hunter, nakilala ko lang po nitong nakaraan." Sabi ko pa sa kanya, "Bakit mo po pala naitanong?"

Napatigil siya sa pagkain na tila ba mayroong malalim na iniisip.

"Wala ba siyang ibang sinasabi sa'yo? Wala ba siyang ginawa sa'yo?" Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya habang nagsasalita siya.

Napakunot na ang noo ko, "Wala naman po... Nakipagkilala lang siya sa akin, wala rin naman po siyang ginagawa sa akin." Kalmadong sabi ko sa kanya.

"Oh anak..." Huminga siya ng malalim at saka muling nagsalita, "Sana ay tigilan mo na ang pakikipag-usap sa lalaking iyon."

"B—Bakit po?"

Pumikit siya ng mariin at umiling, "Kumain na ulit tayo? Ang sarap nitong dala mo."

Nang matapos kaming kumain ay saglit na lang kaming nag-usap, bandang alas otse ng gabi ay nagpaalam na rin naman ako sa kanya.

Nang makalabas ako sa loob ng bilibid ay naghanap na rin ako ng masasakyan pero sa oras na ito ay hirap akong makahanap.

Halos kalahating oras na akong nag-aabang ng masasakyan pero wala pa rin akong mahanap.

Tumunog ang cellphone ko at nang tingnan ko kung sino ang nag-text ay ang number pala ni Hunter.

Kinuha niya kasi ang number ko nitong nakaraan at sinave niya rin ang number niya sa cellphone ko.

Mia.. Where are you?

Nag-type ako.

Labas ng bilibid.

Wala pa rin akong masakyan kaya pumunta na ako sa tapat ng 7/11 para doon maghintay. Ilang sandali pa ay nakatanggap ulit ako ng text niya.

Why?

Nag-type ulit ako.

Binisita ko lang si Daddy. Pauwi na rin.

Reply ko pa.

After a minute ay muling tumunog ang phone ko.

Okay, wait for me. :)

Hindi na ako nag-reply pa. Napapaisip kasi ako tungkol sa sinabi sa akin ni Daddy.

Bakit kaya ayaw niyang makipag-usap o makipag-kaibigan ako kay Hunter?

Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayang halos isang oras na akong naghihintay sa 7/11 ng masasakyan kaya medyo tumabi na ako sa kalsada para tawagan si Ria.

"Hi Mia.."

Napatigil ako sa pagkuha ng cellphone ko nang marinig ko ang boses ni Hunter na papalapit sa akin. Suot niya ang unipormeng pang pulis.

"Uhmm.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, "Hi.."

Ngumiti naman siya at saka ako pinagbuksan ng sasakyan, "Sakay na po... Hehehe!" Hala! Ang cute ni hunter!

"Yahooo!" Ang kulit naman niya kaya napapatawa na ako habang nakasakay sa sasakyan niya, siya naman ay nagmamaneho.

"Oo nga pala, may hindi ako nasabi sa'yo kanina habang magkasama tayo." Magiliw pa na sabi niya.

"Ano naman iyon?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Birthday ng anak ko ngayon. Pwede ba kitang isama?"

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon