Chapter 9 : Phineas and Ferb

23 1 0
                                    

Shane Loraine's POV


"Bato-bato pik!" O_o

papel-gunting?

Whaaaaa! Yehey! Panalo ako.

"Whaaaa! Yen ang galing galing mo" nagkayakapan kami ng CrazyDuo at tsaka nagtatalon na parang mga bata.

"Hoy! freak hindi pa tayo natatapos, huwag ka na munang magsaya dyan. Hindi mo ba alam ang salitang chamba?" – talunang si Cedric.

"Heh! Chamba ka dyan! Chambahin mo mukha mo! Sadyang magaling lang talaga ako kaya ako nanalo"

He smirk, "Sabi mo eh! tignan lang natin ngayon"

"Oh! Sya, dali na. Tapusin na natin to ngayon!"

Andito kami ngayon sa canteen naglalaro ng Jack en Poy. Ang dami na ngang nanonood sa amin dun. Opkors, kay Cedric sila boto.

We ended this way ng dahil lang sa pagtatalo namin kung sino ang magbabayad ng pagkain namin.

Pustahan namin ang matatalo sya ang magbabayad at magse-serve. Gusto ko sana kasing makita si serve na pagsilbihan ang mga kasamahan nya at syempre kami. Hahaha!

Pwesto na rin kaming dalawa, "bato-batopik" – ako/Cedric.

gunting-bato.

"Whahaha! Bro, ang galing mo. Sabi na ee. That's how you do it, dude. Hahaha!" – Luke.

"So, that would be a tie, right?" tinignan nya ako ng may halong pang-aasar.

"Heh! hindi mo rin ba alam ang salitang chamba ha?"

Feeling neto, nakachamba lang ee. Pinagbigyan lang kita -__-.

"At hindi mo rin ba alam ang salitang copy-paste huh?" – Cedric.

"copy-paste?"

"Psh! Gaya gaya =____=. Ambobo" – Cedric.

Copy paste? Ano daw? At saan naman nya nakuha yun. Tss! Lame. Joke ba yun? Kasi tatawa ako. -____-

"Tch! RHINO IN THE MUD WITH HIS CHOCO PUDDING! Achu!" I fake a sneeze, mahina lang naman ang pagkakasabi ko nun na sapat lang na marinig ni Cedric. Sinamaan nya ako ng tingin.

"Ano yung Rhino what – Shane?" takang tanong ni Joyce sakin.

"Aa, si Ce------ I mean wala lang yun. Naalala ko lang kasi yung karatula na nabasa ko kanina sa kalye" Palusot ko. Ang sama na talaga kasi ng tingin ni Cedric sakin, kung nakakamatay lang talaga siguro ang tingin malamang kanina pa ako sa hukay.

"Tss! Dalian mo na nga dyan freak!" sabi nya tsaka sya pumuwesto then ako naman pumwesto na

"batu bato pik!" O_O

papel-papel?

Umulit naman kami, "batubato pik!"

gunting-gunting? tie uli?

"batubato pik!" O_______O

"Eto po bayad Manang" this is the sound of a loser.

Whaaaa! Marahil naman alam nyo na kung anong nangyari?

Tangna! naman kasi ee, ang tanga tanga ko naman kasi. Imbes na bato yung gagamitin ko ee biglang naibagsak ko ee gunting. Bato sa kanya kaya naman natalo ako.

"Anong uri ng mukha yan Shana?" he paused, "Hmm...Let me guess, mukha ng isang taong talonan?" bwesit! inaasar pa talaga ako.

"Heh! sadyang madaya ka lang talaga!"

Im InLove with this GuyWhere stories live. Discover now