5.Her Dirty Little Secrets

51 1 0
                                    

5.Her Dirty Little Secrets

Ceres Harper's POV

"Saan ba 'yon dito?" Triton asked impatiently. Kanina pa sya drive ng drive papuntang Tagaytay pero hindi ko sinasabi sa kanya kung saan ang eksaktong lokasyon kung saan pupunta.

"Basta. Doon sa may Picnic Grove.." Tinignan nya ako ng parang naiinis. Nag iwas namana ako ng tingin. Gusto ko lang naman mapag isa kasama sya. Gusto kong ma Solo si Triton!! I'm Ceres Harper and I get what I want! Kaya kong bilhin lahat ng luho sa mundo! A Sports car, mansion, Branded Clothes, Branded Shoes and Luxury Bags! Famous Friends, meron ako nyaan!

Pero mayroong isa na hindi ko makuha kuha and it's Triton. Hindi ba pwedeng, bilihin ko na lang sya kay Maria? I can be like Maria! There's nothing Special about that woman! Ano bang nagustuhan ni Triton sa kanya? 

"Ceres, I thought it's emergency. Wag mong sinasayang ang oras ko." Itinigil nya ang sasakyan sa isang Gasoline station.

"Emergency nga! Triton, 'yong feelings ko sa'yo, hindi ko na kaya itago!" Sigaw kong frustrated. I shouldn't be begging. Because I'm Ceres Harper. I don't have to beg, the others beg for me. BUt I need to beg for my own happiness. My Triton.

Mariin syang pumikit at sumandal sa sandalan bago hinampas ang manibela kaya nagulat ako. "Ceres, we're not going to talk about your feelings. Please.."

"Triton, bakit hindi mo ba maiwan si Maria? Mahirap ba akong mahalin?! Fourth Year pa lang ako noon, In love na ako sa'yo Triton! Bakit ba hindi mo ako mapansin? Ha?!" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Alam kong mali ang ginagawa ko dahil may kaRelasyon na si Triton. Pero kapag nag mamahal ka, walang bawal bawal.

"Hindi mo ba naiintindihan? Hindi kita mahal! Okay?! Si Maria lang ang mahal ko! Ceres, makakahanap ka rin ng lalaking nararapat para sa'yo. But that man, is not me." After he said that tinignan nya ako deretso sa mata. Okay, I'm going to cry in front of him. Gusto ko kahit awa lang makaramdam sya sa akin. "Please, don't cry. I'm sorry." 

"Kayang kaya rin kita pasayahin, Triton. .." I whispered  habang tumutulo pa din ang mga luha ko. Kahit awa lang makaramdam ka naman!

"Si Maria lang ang kailangan ko para sumaya. Ceres, kapag nag mahal ka sa tamang tao maiintindihan mo rin ako." Umiling iling ako.

"Hindi!! Hindi kita maintindihan! Ikaw nga lang ang gusto ko eh!! Bakit ba pinipilit mong sa maling tao ako nag mahal?! HIndi kaya ikaw ang nag mamahal sa maling tao?! Ha?! Naisip mo na ba 'yon?!" PInag hahampas ko lang sya sa dibdib nya pero hindi sya pumapalag.

"I don't love you and that's final." Pagkasabi nya noon ay tuluyan na akong humagulgol at tumigil sa kakahampas sa kanya.

PAgkatapos ng nangyaring 'yon ay nag pahatid na lang ako sa bahay ng kaibigan ko. I'm so broken hearted. But, it doesn't mean na doon na ako titigil dahil hindi pa talaga ako nag sisimula. HIndi ko pa nga inilalabas ang alas ko.

"Ano nangyare? Break na ba?" My friend, Aseana, asked while smiling devilishly. I grinned too habang pumapasok sa rest house nya dito sa tagaytay.

 "Not yet, Aseana. Pero malapit na malapit na."

"That's the spirit, girl! Pero natuloy mo ba 'yong plano mong gawin doon sa Maria?" She's talking about doon sa panlalasing ko kay Maria. O yes, ako ang nag insist kay Maria na uminom ng hard liquor at ako rin ang nag hatid sa kanya sa pad ni Thrace. Lahat 'yon ay plano ko. I don't like Thrace although he looks like Triton, ayoko pa din sa kanya. Mas naaattract kasi ako sa mga lalaking Mature mag isip, and Thrace? Nah. Wag na lang natin pag usapan 'yon.

"Of course! Sooner mababalitaan ko na na buntis na pala 'yong si Maria at ang tatay ay si Thrace." I smiled proudly at Aseana." I'm so genius!"

"Pero Harper, sure ka bang walang sabit 'yan? You told me that Triton really loves Maria. Paano kung sagutin nya pa rin 'yong bata?" 

"Aseana, stop asking. Okay? Kahit pa sagutin ni Triton yong dinadala ni Maria, si Maria mismo hindi nya kakayanin ang konsensya nya. Besides, ayaw ni Triton sa mga unfaithful na tao 'noh. So, I'm pretty sure of this plan. And it will work."

The next day, I just pretended na parang walang ganoong eksena na nangyari sa amin ni Triton. I have to act as a good person nanaman. Ang totoo nyan, hindi ko naman talaga hilig ang pagtuturo. It's so boring kaya! Kung hindi lang Teacher si Triton, hindi na rin ako e. Sinundan ko lang naman sya dito so, that's it. 

Biglang nag ring ang phone ko and it's Thrace. Ayoko na nga sanang sagutin but I have to entertain myself. I'm so bored.

"Yes, hello?" Sagot ko. Kinamusta nya lang ako kung ang breakfast na ba ako at kung pwede nya daw ba ako sunduin. Pumayag na lang ako kahit may susundong Driver sa akin mamaya. Like what I said, kailangan kong libangin ang sarili ko, at si Thrace ang libangan ko. Fun right? Pagpasok ko sa Faculty ko ay sinalubong ako ni Triton, I smiled sweetly at him.

"Ceres, let's talk." Nag tayuan ang balahibo ko sa batok pero hindi ko pinahalata at nginitian ko na lang sya.

"Bakit?" Inilang hakbang ko sya para makalapit ako ng maigi sa mukha nya."Naiinlove ka na ba sa akin, Sir Triton?" Nakita kong nag tiim ang bagang nya sa sinabi ko. 

"I'll never fall  in love with you.." Aalisin ko sana ang ngiti ko pero hindi ko inalis, instead hinawakan ko ang collar ng uniform nya at inayos ayos. Alam kong naiinis na sya sa akin dahil sa ginagawa ko, pero gusto ko lang sya inisin dahil sinasaktan nya ang feelings ko.

"Ah. So, hindi mo ako pwede kausapin." I caressed his jaws bago sya nilagpasan. Dumeretso ako sa table ko pero nakatayo pa rin si Triton malapit sa pinto and I saw him balling his fist. Hindi nya ako sasaktan, napipikon lang sya sa akin. I smiled to myself.

"Don't play with Thrace's feelings, Ceres. Wag na wag mo kaming paglalaruan. Don't try me.." Pagkasabi nya noon ay lumabas na sya sa faculty at saktong nag ring na ang bell. I just stayed there for a while, trying to digest every Triton's word. Sinasabi ba nyang tigilan ko na ang paglaruan ang feelings ng kapatid nya?

Oo, mahal ko si Triton. But he's not at the right place to tell me what should I do. Gagawin ko ang gusto ko, at walang pwede makialam.

That Unexpected NightWhere stories live. Discover now