2.Killing me softly

48 3 0
                                    

2. Killing me softly

Handa na ako bumangon para sa araw na 'to, unlike kahapon, ayaw gumana ng maayos ng utak ko. Actually, napag isipan pa namin na mag salo salo mamayang gabi dito sa bahay. Si Paris ang naka isip ng idea at siguro ay naisip nilang gawin 'to para ma divert ang attention ko. When I got to The Hotel, kumabog ang dibdib ko. Derederetso akong pumasok at nginitian ang guwardya.

"Ano, ayos ka na ba?" Tanong sa akin ni Corinthine. HInatid sya ngayon ni Eros kaya pala blooming ang gaga.

"Ayos na ako, medyo kabado lang.." Tumango tango na lang si Corinthine. I'm nervous kasi there's 80% chance na makasalubong ko si Thrace. Ayokong makita ang pag mumukha nya dahil baka mag breakdown nanaman ako.

"Basta, Maria, kung kailangan mo ng kausap pwede mo naman akong tawagan lang e." Napangiti ako sa sinabi ni Coring. Corinthine is the Craziest in our group, pero kaya nya rin maging mabuting kaibigan at the same time. Niyakap ko sya at nag pasalamat. Dumiretso na sya sa kusina at ako naman sa lugar ko. Nag ring ang phone ko and si Triton, of course, ang tumatawag.

"Hello, honey. Goodmornnig!." Good mood ako ngayon kaya, bawal epal. I heard him chuckled on the other line.

"Goodmorning, sweetheart. Bakit parang masyado kang goodmood?" Natatawa pa rin nyang tanong. BAkit nga ba kasi ako good mood? Samantalang kahapon, down na down ako e. Hindi ko rin alam, basta GV ako.

"I don't know. Baka kasi, I heard your voice?"

"Ah, you're very much inlove with me nga pala." he joked.

"Ikaw 'yon!" 

"Hindi na ako mag rereklamo. Ang daming beses ko na nag try mag babae pero I just can't. One Maria Calypso is enough." Nag bibiro lang sya, alam ko. Pero I felt guilty again. Pinilit ko pa rin ngumiti, kikiligin na lang ako kaysa ma guilty sa mga sinasabi nya.

"Awww. You're such a good boy. Dapat kahit minsan, mambabae ka naman para may Thrill." We both laughed. Abnormal ako, alam ko na sinsabi ko 'yon sa kanya para mabawasan ang pagiging guilty ko. 

"No need. Makasama lang kita, thrill na."

"Awww. Nasspeechless ako lagi sa'yo! Later na ulit, honey!" Pag papaalam ko dahil may rounds pa ulit ako dito sa Hotel. 

"Okay. Mag sstart na rin ang klase e. Goodbye, Sweet heart. I love you too much." Napa buntong hininga ako ng mahina sa sinabi nya.

"I love you too. Always take care." Then naputol na ang linya. 

I started my rounds para mag inspect. everything is just fine. Walang kahit anong sabit kaya naging madali para sa akin ang araw na'to. That's what I thought.

Nasa 15th floor na ako noong nag iinspect ako pero biglang naka salubong ko ang General Manager ng Hotel, si Thrace. He's wearing his Three piece suit, babalik na sana ako kaso baka mapansin lang nya na iniiwasan ko sya. Nag tama ang mga mata namin pero ako ang nag iwas agad  ng tingin dahil masyadong mabigat ang titig nya. Mag dederetso na sana ako pero may humawak sa pulso ko. Okay, hindi ako tanga at alam ko kung sino ang humawak sa akin. Napapikit ako ng mariin bago hinarap sya.

That Unexpected NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon