That Unexpected Night

291 6 0
                                    

THAT UNEXPECTED NIGHT Note:HIndi po ito SPG <3 

START

Naka upo na kaming LIma dito sa spot namin. Araw araw tuwing kakain kami ay dito kami pumupwesto. Lalo na't ngayon pagod na pagod ako kaya hinihihilot ko ang mga binti ko. Nakakapagod kaya mag lakad ng maglakad lalo na kung naka heels!!

"Maria, tatawagan ko na ba si Triton? Ayieeeee~!" Tukso pa sa akin ni Coring. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Why call Triton? 

"Ha? At bakit nanaman, Corinthine?"  She smiled playfully again. 

"Sabi mo kasi magaling mag massage si Papa Triton di ba? So baka naman, gusto mo!!" Tinaas baba pa nya ang kilay nya. NApa pokerface na lang ako at binato sya ng Lukot ng Tissue. Nagtawanan lang silang apat. Oo, mayroon akong apat na baliw na kaibigan. Dahil barkada ko sila, baliw rin ako! 

"Nako Coring, tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mong 'yan noh! Magluto ka na nga lang ulit doon sa kusina!!" Si Corinthine kasi ang Executive Chef dito sa Hotel, pero break naming apat ngayon. Maingay kami sa table at walang gusto mag reklamo. 

"Hey girls, let's party later! Ano? Nakaka Stress kasi eh!" Venus suggested habang naglalagay ng Concealer. Nagkatinginan si Coring at Hebe na para bang gusto nila ang plano. Well, sa akin ay okay lang! I love partying, kami ng mga barkada ko. Sanay kami sa buhay na Young,Wild and Free. Although,ako, hindi ko masasabing talagang Free ako. Si Venus nga pala ang Front Office Manager dito sa Hotel.

"Ay, Go Kami dyan ni Coring!! I'm not really busy naman, so Okay lang sa akin. How about you, Thea, sasama ka?" Tanong ni Hebe kay Thea, short for Galatea, habang kumakain ng Carbonara. LAhat kami ay pinapanood lang sya kumain. Sa Barakada namin, si Thea ang pinaka malakas kumain. Pero kahit gaano sya kalakas kumain, hindi sya nananaba. Nakakainggit nga 'yang si Thea eh! Samantalang ako maka dalawang Rice lang ako tataas na agad ng isang kilo yung timbang ko. Si Hebe pala ay ang Personnel Manager at si Thea ay Food and Beverage Manager. 

"Of course! Bakit hindi?" Natatawang tanong ni Thea habang tinitignan kaming apat.

"BAka kasi, mas gusto mo kumain." I shrugged. Nag tawanan ulit kami. Tumingin naman silang lahat sa akin, waiting for my answer.

"Ikaw Maria, imposibleng hindi ka sasama! Party 'yon, e. So, sasama ka di ba?" Venus said. Magkatabi kasi kami ng seat.

"Alam nyo na pala ang sagot, why ask?" Natatawa kong sinabi pero sinimangutan lang nila ako.

"O ayan ah, later mag babar tayo! Next week we'll be very busy, kasi you know, holiday, maraming mag checheck in. Kaya, party muna!!" Lahat kami tumango sa sinabi ni Hebe. She has a point. Next week ay holidays na at mas magiging busy ang hotel. Wala ng oras para sa Bar. Hiwalay pa yung Christmas party para sa mga employees.

Habang kumakain ay pinag kkwentuhan namin ang mga maari namang gawin sa bar tsaka kung ano ang iinumin namin. Kung wala lang kami sa Hotel ngayon, siguro mas maingay pa kami. Nag pipigil nga lang kami e.

That Unexpected NightWhere stories live. Discover now