Chapter 5

369 32 1
                                    

REVISED: Chapter 5

" clay." sabi naman lucas. Masama ang tingin nito dun sa clay. Nagbubulungan na yung mga tao dito sa loob ng resto

" Mr. Thomson ganyan mo ba babatiin ang kaibigan mo."

" kaibigan my ass." sabi naman ni lucas. Nag kakaroon ng tension sa loob ng resto at hindi ko alam ang gagawin ko nakakatakot yung aura ni lucas ngayon.

" chill man." sabi nung clay at napatingin sa akin

" so may kasama ka pala." lumalapit siya sa akin pero hinarangan siya ni lucas at ngayon magkaharap na sila. Nakatiklop ang kamao ni lucas. Mukang mapapaaway siya

" anong kaylangan mo." sabi ni lucas na may parang pagbabanta.

" ahahah may nakakalimutan ka ata lucas" sabi nito at tumingin sa akin.

Nagulat ako ng may kumuka sa akin sa likod at tinakpan yung bibig ko. Nagtakbuhan naman palabas yung mga tao. Tinangka ni lucas na kunin ako pero may nilabas na kutsilyo yung lalaki na may hawak sa akin kaya nalanagawa si lucas at dahil madami din sila.

Nanginginig ako. Dahil may nakatutok yung kutsilyo sa lalamunan ko kaya puro hinga ako ng malalim

" f*ck you clay." sabi naman ni lucas

" come on fight me lucas" paghahamon nito

Umamba na yung clay at dun nagsimula ang pag aaway nila. May hawak na pamalo yung clay pero si lucas wala kahit isang ginagamit kung di kamo niya lang.

Naagaw naman ni lucas yung pamalo at tinapon sa mga upuan. At ngayon parehas na silang kamao nalang ang gamit. Ang masasabi ko wala pang natatamaan yung clay kahit isang suntok kay lucas. Ang galing umilag ni lucas pero natamaan din siya dahil tumingin siya sa akin.

" alam mo lucas sana hindi ka na lumaban at sinuko mo nalang siya sa akin." sabi ni clay sinong isusuko

" hinding hindi mangyayari yun." sabi ni lucas at sumuntok ulit pero nakaiwas si clay at nasikmuraan siya. Pero tuloy padin akala mo sanay na sanay na sa sakit si lucas.

Umalis yung isang lalaki sa likod ko at kinuha yung pamalo. Ipupukpok niya yun sa likod ni lucas kaya sumigaw ako. Kaya na alerto si lucas at agad naman natumba yung lalaki

Sunod sunod ng sumugod yung mga lalaki kay lucas. Nag aalala na ako dahil mahigit sampo yung mga lalaki at isa lang si lucas pero isa isa napatumba yun ni lucas may mga dugo nadin siya sa mukha. 

Tumingin ako sa lalaki na nakabantay sa akin. Di niya alam kung susugod siya dahil na ubos na yung mga kasama niya. Kaya naman habang hindi siya nakatingin kinuha ko yung kutsilyo sa kanya at tinutok sa kanya yun.

Umatras ako at tinignan ko si lucas na nakaluhod at yung lalaki ipupukpok niya yung upuan kay lucas kaya sinigawan ko siya at naiwasan niya yun. Pero hindi ko naiwasan yung lalaki kanina

Natumba ako sa suntok nung lalaki at nadaplisan ako nung hawak kong kutsilyo sa braso. Palapit nanaman yung lalaki pero nawala agad siya sa paningin ko ng dumating si lucas at hinagis siya

Binuhat naman ako ni lucas at dumaan kami sa likod. Tinitigan ko yung mukha ni lucas pero nahihilo ako pero alam ko andami niyang dugo sa muka. pumara siya ng taxi pagkasakay namin linabas niya agad yung phone niya hindi ko maintindihan dahil ibang language ang ginagamit niya. Tinititigan ko lang siya pero nag double vision ang paningin ko kaya pinikit ko muna yung mga mata ko. Pinakiramdaman ko yung paligid ko. May nilagay si lucas sa braso ko at s tingin ko panyo para hindi magdugo.

akala ko sa ospital kami pupunta pero sa isang malaking mansion kami napunta. Hindi ako makapagsalita dahil natatakot ako kay lucas.

May sumalubong sa amin na tauhan ata niya

His WeaknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon