Chapter Four

2 0 0
                                    

Chapter Four

Natapos na ang buong session namin ngayong araw. Nakakapagod dahil lalong mas dumami ang customers nitong Pearl Restaurant ni Manager Nim. Lumalago na talaga ito. Ito lang ang branch niya pero nasisiguro kong pag nagtaggal ay dadami pa 'yon.

Hinubad ko ang apron at gloves saka padarag na umupo sa silya. Wala namang problemang nangyari pero nakakapagod parin talaga. Galing din kasi ako ng school kaya nakakapanghina.

"Mauna na ako Yeoj." Biglang lumabas si Rexy sa locker room. Nakabihis na siya at ready ng umalis.

"Sige. Ingat ka!" Ani ko. Umalis din naman siya bago tumango. Siguro napagod din si Rexy kaya hindi masyadong masigla ang pangangatawan ngayon.

Dumukdok ako sa table. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Isa ito sa mga araw na talagang nakakapanglata. Hays!

Sa 6 hours namin dito sa loob ng kusina ay itunuon ko lang talaga ang atensyon ko sa pagluluto. Seryoso din naman ang dalawa kong kasama kaya ang maririnig lang sa loob ay ang kalampagan ng mga kagamitan na ginagamit namin. Nagkakaroon lang ng boses t'wing pumapasok ang mga server pero pagnawala na ay tahimik na ulit. Ganito ang pang araw-araw namin pero tingin ko iba na dahil iba narin ang main chef namin. And it's Kylan!

Hinihintay ko nalang na matapos si Kylan sa CR dahil magbibihis din ako. Pawisan ako kaya nakakahiya kung mangangamoy pa ako dito sa loob.

Hindi rin nagtagal ay lumabas na siya. Naka kulay maroon t-shirt siya ng lumabas. Ginugulo pa niya ang buhok niya bago dumiretso ng tingin sa akin.

"Pasok kana," Sabi niya.

Bago ako makapasok ng CR ay syempre madadaanan ko siya. Humalimuyak ang amoy ng gamit niyang perfume. Ngumiti ako ng tipid sakanya bago ako pumasok.

Mabilis lang din ang naging kilos ko. Bago lumabas ng banyo ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Suot ko ngayon ay isang simpleng dress na hanggang tuhod. Mainit kasi ang nararamdaman ko kaya ayaw kong mag pants.

Lumabas na ako. Pag-angat ko ng tingin nagulat ako dahil nandoon parin pala si Kylan. Kung saan ako nakaupo kanina.

Seryoso ang mukha niya kahit na nung makita ako. Siguro ay napagod din siya sa araw na ito. Ito kaya ang unang araw niya rito!

"Akala ko umuwi kana," Sabi ko.

"Hinintay talaga kita. May sundo kaba o ano?.." Tumayo na siya at lumapit sa akin. Naamoy ko parin talaga ang bango niya.

"Ahm, mag tataxi lang siguro ako pauwi..."

Napatayo ako ng diretso nang hawakan niya ang braso ko.

"Lika na, sabay na tayo. Ihahatid kita sainyo." Iyon lang at hinila na niya ako palabas ng kusina. Hindi ko na nagawa pang pigilan siya sa gusto niya.

Sinalubong kami ng ngiti ni Manager Nim. Nasa counter parin siya. Bumaba ang tingin niya sa braso ko na may kamay ni Kylan. Lalong lumawak ang ngiti niya kaya napayuko ako.

"Good job guys! Rest well, okay?" Sambit ni Manager sa amin.

Nag-angat ako ng tingin. Tumango ako kay manager. Ganoon din ang ginawa ni Kylan bago bitiwan ang braso ko. Lumaylay ang balikat ko sa 'di malamang dahilan.

"Mauna na kami Manager! Take care here."

"Ingat kayong dalawa!" Habilin niya pa.

Iginiya na ako ni Kylan palabas ng restaurant. Malinis na ang lahat doon, nilinis na ng mga crew.

Madilim na ang labas. Sa ilaw nalang nanggagaling ang liwanag.

"You tired?" English na tanong niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Bagay talaga sakanya ang ganong mga salita. Aakalain mong sobrang taas niya.

Sweet Lies Where stories live. Discover now