Chapter Three

1 0 0
                                    

Chapter Three.

KYLAN'S POINT OF VIEW

What the hell? Si Daddy!? Hindi parin talaga siya nakukuntento sa pag-aari niya! I'll make sure that he won't mess with this girl.!

Alam kong gano'n ang ugali ni Daddy! Sumosobra na siya na pati ang ibang tao ay naperwisyo  na niya. Hindi pa sapat ang lahat sakanya! Damn.

Ano ang gagawin ko ngayon? Patung-patong na ang kasinungalingan ko sakanya. I don't really deserve her treatment to me.

I lied. Una palang! Hindi ko naman talaga sadya ang magsinungaling pero ng makita kong naghihisterya siya kanina ng makita ko siya sa parking lot ng company ni daddy ay nagawa ko 'yon. Gusto kong tumigil siya sa pagkatakot sakin kaya ako nagsinungaling.

I'll get straight to the point.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero unang kita ko palang sakanya ay gusto ko na siyang sundan. Wala akong ibang naramdaman kanina kundi ang sundan siya.

Gusto kong maging isang normal na tao sa harap niya, nang makita ko kanina na nakatingin siya sa branded kong shirt ay nag-isip agad ako ng paraan paano malulusutan 'yon. Nang sinundan ko siya at sinabi kong umalis ako sa trabaho para kaawaan niya ako. Hindi ko alam kung bakit pumasok ang mga bagay na ganun dahil handa akong makilala siya. Ayaw niya sa mayayaman. Hindi ko naman akalain na ganito kabilis ang mangyayari.

At hindi ko akalain na si Daddy pala ang bibili nung park na gusto niya. Si daddy!

Ngayon hindi ko na alam kung paano ko pa mababawi ang mga kasinungalingan ko lalo na't galit siya sa bibili ng lupa, na siya namang ama ko!

Maliit ang mundo. Mabilis niyang malalaman kung sino at ano ako kaya sa mga oras na 'to mabilis ang tibok ng puso ko. Paano ko malulusutan ang isang to? Lalo na kung ngayong araw palang ay hindi ko na alam kung paano siya iiwasan at hindi ko pa kaya na magalit siya sa akin.

Hindi rin magtatagal ang kasiyahang narito sa puso ko...

"Bakit kana naman nag sosorry?" Tinitigan ko ang mukha niya. Nakataas ang kilay niyang nagtatanong.

Hawak ko parin ang papel, iyon nalang ang pinagtuonan ko dahil baka sa oras na titigan ko pa ang mukha niya ay mapaamin ako. Hindi ko kaya!

Maybe this is what they called, 'Love at first sight'. Wala akong kawala kung ito nga iyon.  Iiwasan ko ang nararamdaman ko pero hindi ako iiwas sakanya. Ayokong sa oras na mahalin ko siya ay lalo ko siyang masaktan.

I'll make it clear. 'This is not love but i like her.'




Yeoj's Point of View

Umiling siya sa tanong ko. "Nag lunch kana?" Tanong niya sa akin. Nasa papel parin ang tingin niya. Ano namang iniisip nito?

"Hindi pa. Hahanapin ko si Donelle sabay-sabay na kaming kakain." Naglakad lakad na ako baka sakaling makasalubong ko sila.

Hindi ko na magawang magpapirma pa dahil kasama ko na si Kylan.

Tiningnan niya ang relo. "Past 1 na. Kumain na kayo. Nasaan ba siya?" Tanong niya. Mukhang nagulat pa sa oras. 

Inikot ko ang paningin ko. Nakita ko naman agad si Donelle kasama si Jacko. Hindi talaga mapaghiwalay ang dalawang to!

"Ayun sila!" Tinuro ko pa. Sinabayan niya ako sa paglalakad. "Wala kabang gagawin? Baka hinihintay kana ni Elle."

"Kasama na niya ang iba sa loob. Aalis din ako, ihahatid lang kita sa kaibigan mo." Nakangiting sambit niya sa'kin. Ito yung ngiting hindi nakakatakot unlike doon kay elle na maloko ang ngiti.

Sweet Lies Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora