Chapter Five

0 0 0
                                    

Chapter Five

"Sabi ng kaibigan ko dito daw talaga siya nagtatrabaho,"

"How come naman? Wala siya dito bilang waiter at hindi naman niya course ang pagluluto. So how come?"

Ibinaba ko ang mayonnaise sa harapan nila. Hindi nila ako binigyan ng pansin dahil busy sila sa pag-uusap.

"Bakit hindi nalang tayo magtanong..."

May sinasabi pa silang course-course. Narinig ko lang dahil malakas ang boses nila.

"Miss!" Tawag sa akin ng isa. Maganda, maputi at may mahabang buhok.

"May kailangan pa kayo?" Tanong ko.

Tiningnan ko na silang tatlo. Lahat sila nakatingin sa akin.

"Wala na naman. Pero may itatanong lang kami," sabi pa nung isa.

"Ano iyon?"

"May nagtatrabaho ba ditong lalaki?,"

"Ano kaba! Malamang! Ayusin mo nga iyang tanong mo!!" Singit naman nung babaeng sumawsaw na ng cucumber sa mayonnaise. Hindi naman siya pinansin nung nagtanong.

Sinong lalaki ba dito? Marami nga talagang nagtatrabahong lalaki dito. May janitor, waiter at chef.

"Okay, may nagtatrabaho---"

May kumalabit sa balikat ko kaya napalingon ako.

"Yeoj, tawag ka ni manager!" Sabi ni Ange sa akin. Isa rin siya sa waiter ng night shift.

Tumango lang ako sakanya. "I'm sorry pero kailangan na ako doon sa loob." Iyon lang at lumayo na ako sakanila. Dapat kasi ay nilinaw na nung babaeng maputi ang tanong niya para nasagot ko kaagad. Sa ngayon kasi ay busy talaga ang mga tao kaya hindi pwedeng magtagal.

"Yeoj, tapos kana ba sa kitchen? Kulang dito sa loob.." Tapos narin naman ako sa kitchen. Nailuto ko na ang mga kailangan.

"Yes Manager."

Donelle's Point of View

"Hon, What do you think 'bout Kylan and Yeoj?" Nakangiti kong tanong kay Jacko na naka-akbay sa akin habang naglalakad kami dito sa loob ng university. May pasok kasi ako sa dalawang subject ngayong araw. Si jacko ay ganoon din. Si Yeoj naman ay wala pero busy din ang isang iyon kahit wala siyang pasok dahil may pasok siya sa trabaho niya.

"Bakit?" Sabi niya. Anong bakit? Letse 'to! Tinatanong ko eh.

"Bagay sila hindi ba?" Yumapos ako sa beywang niya dahil kinikilig ako. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang nagdadaan pero deadma lang sa amin.

"Akala ko bang wala kang tiwala doon kay Kylan?"

"Noong una lang talaga. Nung hindi pa niya pinapakilala sa akin. Siyempre nag aalala din ako kay Yeoj. Kilala naman natin 'yon na hindi agad lumalapit sa lalaki pero iba siya kay Kylan,"

That's true. Yun ang pagkakakilala ko sakanya. Hindi siya malapit sa mga tao pero dahil gusto niyang iligtas ang isang lugar nakikihalubilo na siya sa iba. At masaya naman ako para doon dahil alam kong kailangan pa niya ng ibang masasandalan, hindi lang ang pamilya niya at hindi lang din ako.

Matagal ko na siyang kaibigan. Wala akong ibang alam na may itinuring pa siyang ibang kaibigan na katulad ko. Takot siya sa tao, takot siya dahil alam niyang anytime ay pagsisinungalingan siya, na anytime lolokohin siya. Ayaw niya sa mga ganun. Nagpapasalamat naman ako dahil isa ako sa mga nakakuha ng tiwala niya, kami ni Jacko.

"Marami akong naririnig na pangalang 'Kylan'. May kilala ka bang artistang ganun ang pangalan?" Tanong ni Jacko sa akin. Hinigpitan ang hawak sa balikat ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweet Lies Where stories live. Discover now