"Unnie pa autograph!"

Andami pang mga bulong na galing sa kanila. Kaya nagpumilit pa rin ako makisiksik! Shep naman! May sakit na nga ako, iniipit niyo pa ako! Grabe halos ilang minuto rin ang pakikidigma ko at finally nakalusot na din ako.

Habang naglalakad ako ay madami ang nakatingin sakin. Ewan ko ba, baka masyado silang nagandahan sakin. Tsk! Hindi ko nalang sila pinansin at tinahak ko na ang daan papunta sa classroom namin.

Nasa may hallway na ko ng room at medyo may naririnig na din ako na ingay kaya alam ko na andyan na silang lahat kaya kinabahan ako.

Waahhh pwede bang mag back out?

Ano nalang sasabihin ko sa kanila? Paniguradong tatanungin nila ako kung saan ako nang-galing! Kalma arianne. Kalma. Alalahanin mo yang puso mo jusq.

Pero bago ako pumasok chineck ko muna yung bag ko kung andito ba yung letter ni mommy para kay Sir Alcantara. At check! Andito siya sa loob ng bag ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok. Pero para akong tanga na aatras tapos aabante. Tsk! Tuluyan na akong pumasok. Nakita ko na sila Oppa at yung mga pwends ko palang ang nandito. Lahat sila gulat ng makita nila ako kaya ngumiti ako ng matamis sa kanila.

"LIL SIIIIISSSS!!"

"ARIANNNNEEEEEE!!"
Sigaw nila Oppa. Dali daling tumakbo si Oppa at yinakap ako ng mahigpit na mahigpit. So ayun na nga po hindi na ako makahinga. Mamaya maya lang ay kumalas si Oppa sa yakap niya sakin at inilagay niya sa mag kabilang pisngi ko ang dalawa niyang kamay at tinginan niya ako ng puno ng pag aalala. Kaya right now naguguilty ako dahil hanggang ngayon hindi parin niya alam yung tungkol sa sakit ko.

"WHERE THE F*CK*NG HAVE YOU BEEN HUH!?" Ayan na nag tatransform na siya. Huhu Lord help me. Nang mahalata niya na medyo na palayo ako sa kaniya ya bumuntong hininga muna siya bago nag salita.

"Alam mo bang alalang-alala ako sayo!? Hindi mo ba naisip yung fact na may kapatid kang nag aalala sayo huh!? Paano nalang kung may nangyaring masama sayo sa loob ng dalawang araw na yon huh!? Tapos ako ito walang ka alam alam! Lil sis naman! Hindi mo pa sinasagot yung mga text, tawag and chat ko sayo!" Galit pero nag aalalang sabi ni Oppa kaya napabuntong hininga lang ako pero maya maya lang ay ngumiti ako.

"Chillax Oppa! Hindi mo na kailangan pang alamin kung saan ako nanggaling basta ang importante ay ligtas at okay ako. Kaya wag ka nang mag alala." Nakangiting sabi ko pero deep inside sobrang nadudurog ang puso ko. I'm really sorry oppa but now is not the time for you to know my disease.

𝓗𝓸𝔀 𝓽𝓸  𝐋𝐎𝐕𝐄 𝔂𝓸𝓾 𝐁𝐀𝐂𝐊?Where stories live. Discover now