Buhay sa loob ng Selda

13 0 0
                                    

PBA sa TV. Umaandar na electric fan. Earphone sa magkabilang tainga habang nililiyo ng kantang A Thousand Years. Nakabukas na laptop sa ibabaw ng lamesita. Nakakasilaw na liwanag mula sa kisame. Napapaisip bakit hindi magawa 'yong rubric para sa research paper. Napapatanong kung itinuro ba o hinayaang kumilos para sa huli ay malait ang gawa.

Ewan ba. Hindi gets bakit kailangang makulong sa kakaisip ng mga bagay-bagay na panandalian lang ang dulot. Nakakatawa. Pero heto't kahit panay reklamo ay nagagawa pa ring mamrolema. Sino ba naman kasi ang hindi? Katakot-takot na singko lang naman ang kapalit kapag hinayaang huwag problemahin.

Ganun siguro ang layunin ng edukasyon. Ang bigyang-problema ang mga umaasang estudyante. 'Yun bang mga estudyante na panay tango sa utos. E paano'y di naman nabigyan ng choice.

Kunwari pang may pagsusulit, sa huli iroroleta lang naman o 'di kaya'y ibabase sa mukha ng mga mahilig bumati. Paano ang mga hindi mahihilig sa plastikan?

Bahala na. 'Yan naman tayo e. Kay daling manghusga mula sa malayo. Hindi na binigyang pagkakataon ang mga estudyanteng ipakilala kung sino ba sila. Kung sino ba talaga sila. O kung ano pang kaya nila.

Nakakawalang-gana. Hinayaang malugmok sa kakarampot na grado na walang kokretong eksplanasyon kung paano nangyari ang majika sa loob ng eskwelahan. Gulo? Haha. Oo. Gano'n talaga si layf. Hindi na nga patas, ginagago pa ang mga tao. Biruin mo? Kung sino pang nagpursigi, kung sino pa ang maalam, kung sino pa ang mga totoo at walang bahid kaplastikan, sila pa 'yong itinatapon sa ilog walang-pag-asa.

Hayaan na. Ano nga naman bang magagawa? E di ka close kay sir. Kay ma'am. O sa kahit kanino. Hayaan na. Tangina.

June 02, 2018
MSMVM

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Author is DeadWhere stories live. Discover now