Literatura

15 0 0
                                    

Ano nga ba ang literatura? Ang boring sagutin, 'di ba? Kadalasan naman kasi, hahanapin lang ng mga estudyante ang kahulugan n'on sa Merriam Dictionary. O 'di kaya naman ay gagawan nila ng sarili nilang depinisyon na kunwa'y isa itong instrumentong nakakatulong upang mai-express ang kanilang hugot sa pesteng buhay.

Pero 'eto, sasabihin ko...

Walang literatura.

(Isang malakas at humahagalpak na pagtawa)

Bakit?

Wala, trip ko lang. Trip ko lang kontrahin ang pinaniniwalaan ng mas nakararami. Trip ko lang bwesitin ang mga seryosong dude out there. Trip ko lang. Gago ako, e.

Pero biro lang.

Mayroong literatura. At kung ikukumpara sa noong pinaninindigan kong may tamang aspeto para maituring na literatura ang isang isinulat na basura, ngayon ay babawiin ko na.

Sino nga ba naman ako para humusga?

Ang pagiging literatura ng isang kumpol na mga letra ay maibabase sa kung paano ito bibigyang-kahulugan at kahalagahan ng isang mambabasa.

Ang isinulat na liham sa 'kin ng jowa ko ay maaaring walang saysay sa 'yo. Pero sa 'kin, mayroon itong isang napakamakahulugang nilalaman na hindi mo mage-gets kasi bitter ka. LOL.

Ang isinulat ni Denny na Diary ng Panget ay maaaring hindi mo gustong ituring na literatura, but hey, the baby bra fan out there are in love with it, no fucking matter what. May mali ba do'n? Wala. Kanya-kanyang trip lang, bes.

Maaaring hindi mo o natin nakitaan ng saysay ang isang nobela dahil wala itong naging dating at pagpilantik sa puso nating uhaw sa magandang istorya, pero tandaan din na hindi lang tayo ang tao sa mundo at mayroon pa ring ilan na itinadhanang kontrahin ang ating paniniwala.

Hindi sila ang mga kontrabida.

Hindi tayo ang mga bida.

Biktima lang tayo ng fucking reality. At kailangan natin 'yong tanggapin.

Literature is subjective.

Hindi man maganda sa 'yo, maganda naman sa iba.

Hindi ka man napakilig, napakilig naman 'yong iba.

Basura man sa 'yo, sa iba naman ay isang life-changing piece.

Maaaring tumaliwas.

Malayang mag-iwan ng komentong marahas.

February 27, 2018
MSMVM

The Author is DeadWhere stories live. Discover now