CHAPTER TWENTY-SEVEN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nandito ka sa kwarto mo. Hinatid ka ni Kurt kagabi. Lasing na lasing ka daw. May problema ba?"

"Nasaan si Kathy ..."

Bumuntong hininga ako. I never imagined us like this. Kahit kalian hindi kami nagkaroon ng problema pagdating sa babae o sa kahit anong bagay. Damon always make sure that I will not get hurt. Kahit sino o ano ka man. Kaya hindi ko alam kung anong meron ang Kathy na yon para saktan ako ni Damon ng ganito.

"A-ako yung nandito. So please, stop asking me kung nasaan siya."

Kagabi pa niya hinahanap si Kathy. Kahit wala siyang malay, pangalan pa rin ng babaeng yon ang lumalabas sa bibig niya. Nakakabingi na.

"Then I need to see her. She needs me."

Walang anu-ano'y bigla siyang tumayo mula sa kama. He was about to go and take a shower nang yakapin ko siya mula sa likuran. I can't lose him. I don't want to lose him. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala si Damon.

"Are you mad at me? Am I too much? I won't talk, I promise. I won't ask you questions anymore. I will just listen. Just ... just stay. Please, don't go." Kulang na lang lumuhod ako at magmakaawa sa kanya.

"I'm sorry ... I can't stay here. Kailangan ako ni Kathy."

"Kailangan din kita!" Nagsimula nang tumulo ang mga luha kong kagabi ko pa pinipigilan. "Hindi ko maintindihan kung bakit tinatrato mo akong parang basura. Na parang hindi ako naging parte ng buhay mo!"

Dahan-dahan siyang humarap sakin. Saka niya ako hinawakan sa magkabila kong balikat. "I'm sorry. Mahirap para sakin ang magsabi ng totoo, pero hindi ko rin pwedeng hayaan na patuloy kang masaktan at umasa na okay pa tayo ... na magiging okay pa tayo."

"Dahil na naman sa Kathy na yon? Ganon ba?"

"Magiging unfair ako sa'yo kung sasagutin ko yang tanong mo. You're a great person, Julia. And you deserve the best, not a devil like me."

"H-hindi na ba ako mahalaga sa'yo? Hindi mo na ba ako mahal?" Yun yung tanong na sobrang hirap bitawan. Kasi sagutin man niya yon o hindi, alam kong talo ako.

"I loved you, Julia. Yon ang mahalaga."

Pagkasabi niya noo'y tumalikod na siya at tumungo sa banyo. Napaupo na lamang ako sa sobrang sakit.

Yung mga tanong na paulit-ulit sa isip ko.

Ano bang ginawa ko?
May ginawa ba akong mali?
Ano bang hindi ko nagawa para sa kanya?
Nagkulang ba ako?
O sobra na ba ako?
Bakit kailangan niyang mawala sakin?

I can't let this happen. Ang tagal kong pinanghawakan yung kung ano mang mayroon sa amin ni Damon dati. Mga plano, pangarap, pangako ... lahat yon hindi ko hahayaang mawala. Hindi si Kathy ang sisira ng lahat ng iyon.

"Hindi ako papayag Kathy ... nagkamali ka ng binangga mo."




[DAMON'S POV]

"Hinihiling ko ... na maging demonyo ... kapalit ng pagiging normal na tao ng lalaking yakap-yakap ko."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Kathy para sabihin iyon. And I don't have the slightest idea what will happen next. Will the devil grant what she desires?

Will we have a happy ending? Kung sakaling maging tao ulit ako?
Pwede ko na ba siyang mahalin?
Pwede na ba kaming maging normal?

Tinignan ko ang devil star sa kamay ko. Hanggang nandito ito, hanggang nararamdaman ko ang bawat sakit at kirot, alam kong demonyo ako. Alam kong hindi nagkatotoo ang hiniling ni Kathy. At hanggang nandito 'to, alam kong kaya ko siyang protektahan.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon