Update Forty Two Part I

4.4K 70 6
                                    

WARNING: Drama ahead :D

NYX POV

"Boom sampal! Hahahaha! Isa pa ulit, bilis bilis, natutuwa ako sa moment na yun" pangungulit ko kay Nemo na hawak hawak yung Ipad ni Kei at may nakitang video ng pagsampal kay Eisha. Nandito kaming lahat sa bahay nila Nathan at Mimi, hinihintay makauwi si Nathan dahil ihahampas ko pa siya sa puno ng mahogany mamaya.

"Oh ayan na, ikaw na humawak niyang Ipad, nahiya naman ako. Pang anim na beses mo ng pinapaulit ulit yan" abot sakin ni Nemo ng Ipad at talagang tinanggap ko.

"Guys, so anong balak? Ihahampas ko na ba siya sa pader pagkauwi?" tanong ko sa kanila. Pinalo naman ako ni Nejii ng kutsara sa ulo. at sinuntok ko naman siya sa dibdib.

"No, we need his explanation. Gawin natin tong fair" Nemo said.

"Pano magiging fair yun kung yung pictures pa lang alam na nating may nangyayaring kakaiba?" inis na sagot ni Chione.

"Kaya nga we need to stop assuming. Pictures lang yun, there is a story behind that" sagot naman ni Nemo. Inirapan na lang siya ni Chione at ibinagsak ang sarili sa sofa. "Wag kang magalit sakin Chione, I just want to tell you guys to be reasonable, think outside the box, hindi ito yung unang beses na naset up si Nathan, right?"

Napatango naman yung mga lalaki, kahit ako.

"Yes, set up by Raine. Pero ngayon? Sino naman ang magseset up kay Nathan? Unless talagang ginawa niya yun" tanong ni Chione.

"No Chione. Unless someone wants those two separated. At alam kong nararamdaman niyo rin yun. Issues of Eisha and Nathan. Right? It started even before we realized it" Nemo answered.

"Guys alam nating mahal na mahal nila yung isa't isa. At hindi lang ito yung pinagdaan nila. Ano bang gusto natin? Saktan si Nathan? Pilayin? Lumpuhin? Pero in the end mawawala ba ung sakit na nararamdaman ni Mimi? NI Nathan? Hindi." Natahimik naman kaming lahat sa mga sinabi ni Jack.

"I know how much my brother loves Mimi. Tama si Jack and Nemo, kailangan, bilang mga kaibigan nila, mission nating alamin ang totoo at ayusin ang gulong to."

"Oo kailangan, dahil kapag hindi naayos to, I swear to River Styx, mapapatay ko yang Eisha na yan" sagot ko naman sa kanila kaya kinalma ako ni Nejii.

"Nyx and Chione, chill lang kayo. So guys ano ang dapat nating gawin?" tanong naman ni Kei.

"Kailangan nating kausapin si Nathan. Learn what happened. Pain will even become more painful if we inflicted another pain" Nemo said.

"Ah Nemo, please paki tagalog?" 

"Sabi ko bobong Kei, yung sakit na nararamdaman nila ngayon, mas lalalim kung dadagdagan pa natin ng isa pang sakit. As what Jack stated, walang mangyayari kung sasaktan natin si Nathan, all we can do is try to patch things up. So ang mission natin, pagbatiin ang mag asawa."

"Tama, hindi natin maitatama ang isang mali sa paggawa ng isa pang mali." Sagot ni Nejii. Tumango na lang kaming lahat. So ang Operasyon Bugbog Nathan, napalitan na ng Operation Patch Things Up.

Almost 2 hours na kaming naghihintay dito sa bahay nila at wala paring lumilitaw na Nathan sa pinto kaya naman nagkanya kanya muna kami.

Chione started baking something in the kitchen, tinutulungan naman siya ni Jack, and just now, Nemo joined them. Si Kei naman at Nejii tinawagan lahat ng posibleng puntahan ni Mimi, though I stopped them from doing so para na rin mabigyan ng space and time si Mimi. Mabigyan siya ng oras mag isip ng mga bagay bagay.

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon