Update Thirty One Part I

5.2K 81 3
                                    

Pinag-iisipan ko kung ilalabas ko ba yung POV ni Nathan o hindi eh. Pero para mas maintindihan natin si Mimi, itago muna si Nathan. Hahaha.

MIMI POV

"Mimi..."

"Mimi..."

"Mimi.."

"Nyx stop it. Para kang bata." matamlay kong puna kay Nyx. I called Percy already and asked sorry after what Nathan did in their house. Nalaman ko ring papunta na dito si Nathan kaya sinabihan ko si Nyx na ilock lahat ng pinto at bintana. Lumalakas na din yung ulan sa labas, I bet hindi na tutuloy yung lalaking yun. And I need space and time. Nawawala na ako sa sarili dahil sa kanya. Nawawala ang self-judgement ko kapag nandyan siya.

"I HATE NATHAN! PAREHO LANG SILA NI NEJII!" sigaw naman nitong si Nyx. Jusmiyo magkatapat lang kaming nakaupo sa higaan niya. At sa bawat usapan namin, nasisingit niya ang asar sa fiancee niya. Brat.

"Whatever Nyx. I'm going to sleep." humiga na ako sa kabilang gilid. My head hurts like hell. Parang binibiyak sa sakit. Arrrgh.

"Sige Mi. Bababa lang ako sa kusina. Iinom lang ako ng gatas." narinig kong sumara yung pinto.

Eto na naman. Kaya ayaw kong naiiwan mag-isa, naaalala ko lang yung mga nangyari. Tama na. Tama na ang drama.

Sa TV at movies lang ang drama. Crying is a sign of weakness. Yan ang akala ko dati, i never thought it would happen to me. Nakakaasar kasi kung dati nababalewala ko si Nathan and his deeds, ngayon hindi, kasi mahal ko na.

I've had enough of this feelings. Inaatake na ako ng migraine. I drifted away into sleep while thinking of unicorns and lollipops.

Naalimpungatan ako ng mga hatinggabi na dahil sa sobrang sakit ng ulo. Hindi naman ako uminom. Ampupung ulo to.  Sobrang lakas ng ulan sa labas at medyo lumalakas na rin ang hangin. 

"Nyx. Nyx" yugyog ko kay Nyx na sarap na sarap sa tulog. Aba hindi pwedeng ako lang ang nabubulabog ng sakit, bubulabugin ko rin siya.

"Hmmmm? Mimi naman." busangot niya sakin habang nagkukusot pa ng mata.

"I need medicines. May gamot ka ba dyan para sa migraine?"

"Migraine ba talaga yan"

*PAK*

Hihirit pa eh.

"Mimi naman eh, joke lang yun. Oo kukuhanan kita, kumuha ka ng tubig mo sa baba"

Inabutan niya ako ng gamot at bumaba na ako. Sinilip ko yung labas, curious lang kung gaano kalakas yung ulan. Well, bumabagyo na nga. may kotse rin sa labas pero mukhang sa kabilang bahay ata yun.

'Ano Mimi? Akala mo pupuntahan ka ni Nathan? Ang hirap umasa no?'

Umakyat na ako at umupo sa gilid ng kama. Sobrang sakit talaga ng ulo ko.

"Mimi, baba lang ako. Inom lang ako tubig" paalam ni Nyx. Tumango naman ako at naglakad papuntang bintana. I was shocked to see some----

____________________________________________________________________________

NYX POV

Jusmiyomarimarintiendes!

Kung makagising itong si Mimi akala mo siya ang may-ari ng bahay ko. Buset. ang ganda na ng panaginip ko kay T.O.P eh. -______________-

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon