Update Thirty Three

5.1K 79 1
                                    

MIMI POV

"Ah, Mimi sure kang yan ang costume mo? Saka bakit totoong kalawit yung gamit mo? Mukha ka talagang papatay best!" sigaw ni Nyx  sakin habang nakaharap sa salamin. Kaya nga halloween party diba? Kailangan convincing at totoong totoo, kaya eto, Kamatayan ang peg ko ngayon at talagang naghanap ako ng totoong kalawit dahil may kukunin na akong malanding kaluluwa ngayon.

"You're like going to kill someone sis" ani ni Nemo.

" Oo nga ate Mimi. Tignan mo ako, snow white oh. Dapat ganito lang para cute. Nakakatakot ka kaya."

Nilingon ko sila na bigla namang nagsi-atrasan. Itinaas ni Nyx ang kamay niya na parang manunulak. Namilog yung mga mata nila, lalo na nung inangat ko kaunti yung palawit. Actually medyo convincing tong itsura ko ngayon. Naka fitted black leather dress ako sa loob na hanggang mid thigh ko, parang paparty lang, then I bought a black hoodie coat or whatever na tawag dito na mahaba and put some really ALL black make up hanggang lipstick. I practiced my icy dagger look and presto, pwedeng pwede na akong ipalit kay Kamatayan.

"teka Mimi, nagsasabi lang kami ng opinion namin. Wag ka naman ganyan tumingin."

"Yeah ate Mimi, you look really scary. I wanna cry na"

"Sis, ibaba mo yang kalawit."

I sighed irritatedly and gave them my dagger look. Try ko lang kung effective. Nanigas naman sila sa pwesto nila at na freeze pati yung expression nila.

"Hey girls, hindi ko kayo papatayin. At isa pa Chione, halloween party to, hindi kid's party na ang costume ay PRINCESS AT PRINCE. You got it?"

Nakatingin parin sila sakin parang nakakita sila ng totoong kamatayan and in few minutes, si Nyx ang unang nagsalita.

"Naku Mimi, hindi pwede yang costume mo, baka magtakbuhan kami lahat. Come here," hila sakin ni Nyx papunta sa bintana. Binuksan niya naman ng kaunti yung kurtina at pinakita ang setup sa labas. Nandun na yung boys, at as usual si Raine na naka Alice in Wonderland ang costume. Silly, halloween nga diba? Actually, dapat magsisimula na yung party kasi pababa na kami, pero mukhang di ako pabababain ni Nyx ng ganito.

"Look at Raine! Kailangan mo siyang talbugan. Even we don't admit it, Raine looks gorgeous in that get up. Mimi, kung pagiging bitter ang aatupagin mo, aba walang mangyayari kay Raine at kagandahan niya. Baka magulat ka na lang, nabakuran na niya yang asawa mo"

Nagsitanguan naman yung dalawa na nakarecover na. So anong gusto nilang palabasin? Bitter ako kaya Kamatayan ang get up ko? Well, I admit na ganito ang trip ko sa party na to para at once matakot na yang babaeng yan dahil pupugutan ko siya kapag di pa siya lumayo kay Nathan. Pero bitter? Nah. 

"Tignan mo, in denial ka pa. Bakit ka naka costume ng ganyan? Kasi bwisit ka kay Raine. Bakit gusto mong nakakatakot ang aura mo? Kasi badtrip ka kay Raine. Bakit ba kayo nag-aaway? Dahil kay Raine. At sino ang kinatatakutan mong kukuha ng asawa mo. Si Raine. Gising Mrs. Nemesis Venge Cruz? Nasan ang Certified Ice Princess ng school? The Well-Known Never-To-Beat Princess? Ngayon mo ilabas yan. Susme kaya nga ako nag-organize ng ganitong event." Bastos tong si Nyx eh. Oo na ako na indenial. Pero hindi ako bitter [denial parin?].

"Right, tama si Nyx. Remember Mimi, ang mga lalaki, madaling magsawa yan sa mga mukha na magaganda, pero sa cute na tulad mo? Nah!"

"Ate Mimi, would you like to try my Little Red Riding Hood costume? Cute yun, bagay na bagay sayo! May pagkamaikli lang kaunti."

"Ayun Mimi. Sakto diba Nemo? Kasi halos magkasingtangkad lang kayo ni Chione saka magkasing payat. Para ka tuloy Highschooler. Bakit di ka na tumangkad?" At tumawa si Nyx habang tumatango tango yung dalawa.

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon