Update Forty

4.3K 71 10
                                    

Kulang kulang daw ako magkwento sabi ng bestfriend ko, kaya bakit ako nagsusulat ng kwento? DI ko din alam eh. HAHAHAHA. Dedicated to Jickay, feel na feel ko galit mo sa comment mo ah hahaha <3

MIMI POV

Lalong nanahimik yung mga tao, feeling nila nasa teleserye sila at halatang naghihintay ng susunod na kabanata. Ano nga bang gagawin ko?

A. Mag aala Monica at sugurin si Eisha with matching sipa, sampal, at sabunot?

B. Iiyak sa harap ng madla?

C. Sasampalin si Eisha at sasabihing "WALANG SAYO EISHA, AKIN LANG ANG ASAWA KO!"

D. Magmakaawa at bigkasin ang mga salitang "Hindi mo siya kailangan, kailangan ko siyaaa :("

E. Lumayas ala bitch mode at mag react na parang walang nakita?

Oh ano pili na?

At dahil hindi naman mala Mimi lahat ng choices, wala akong pipiliin. Naglakad ako hanggang sa nasa harap na nila ako, narinig ko pa yung mga humugot ng hangin at naghihintay ng gagawin ko.

"Mimi..." mahinang tawag sakin ni Nyx, tinaas ko naman yung kamay ko na nagsesenyas ng stop.

Dahan dahan kong inabot kay Nathan yung picture na hawak ko at ngumiti sa kanya. Hindi ko maexplain kung nagtataka, naiinis, nagagalit, o nagmamakaawa yung expression niya, pero pakialam ko pa ba? Hindi niya parin inaabot yung picture kaya binalingan ko naman si Eisha na nakatingin ng direkta sa mata ko, no expression at all. IS SHE DECLARING A WAR AGAINST ME? 

Nakipagtitigan naman ako hanggang siya yung sumuko at tumingin kay Nathan. Seriously? Bakit ako yung nagmumukhang masama at nakiki apid dito? 

Huminga ako ng malalim at ibinalik ang tingin kay Nathan na hindi parin inaabot yung napakalaking picture nila, kaya binitawan ko na lang.

"Tabi, tabi! Excuse me! Chione? Nemo? Napigilan niyo ba si Mi----- andito si Mimi." Naputol naman yung sasabihin ni Kei nung nakita na niya kami. Kasama niya si Jack na may hawak na phone at napailing din. Nagtinginan silang apat nila Chione at napaface palm na lang. So ibig sabihin magkakasabwat sila at plano talaga nilang wag ipakita tong mga picture sa bulletin board?

"A-a-a-ah Jack nagtext na ba sayo yung chicks mo, tara na"  hila ni Kei kay Jack na sinundan naman ng masamang tingin ni Chione at Nemo. "Ah, sabi ko nga dito na lang kami" sabay bawi ni Kei.

Dinapuan ko naman sila ng masamang tingin kaya nanahimik na din sila. Alam na nila kung anong mangyayari kapag di sila nanahimik. Mabalik tayo kay Nathan na natuod na ata at hindi alam ang gagawin ngayon.

Kinuha ko rin ang phone ko at ibinagsak sa harap niya. Wala akong pakialam kung mahal yun, at kung nagtataka kayo kung bakit pati phone ko sinira ko, malalaman niyo mamaya.

Nagulat naman sila at si Nathan halatang nagtataka sa mga nangyayari. Pumikit ako pansamantala, hinga Mimi, kaya mo yan.

Kakayanin mo yan.

Kinaya mo naman dati diba?

Kahit feeling ko babagsak na ako anytime sa sobrang manhid at sama ng loob ko, I stood firmly, para ipakitang hindi ako nasasaktan. Na yung Ice Princess na kilala nila, hindi parin nagbabago. 

MATAPANG.

WALANG KINATATAKUTAN

Except for one thing, ang maiwan sa ere ng nag iisang minahal mo. 

Why? Of all the people, bakit si Nathan pa? At bakit ngayon pa? Na mahal na mahal ko na siya?

Gustong gusto kong  humingi ng explaination from them, from HIM, pero bakit pa? Kung nasa harap ko na yung katotohanan. Ang sarap pala mabuhay sa kasinungalingan, na paniwalain mo yung sarili mong loyal siya sayo, na ikaw lang at wala nang iba. Hindi ba talaga totoo ang forever?

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon