Chapter 37

3.7K 68 10
                                    


|| Celestine Sandoval ||

Ring

Ilang araw na ang naka lipas simula nung Moving-up namin. Nandito kami ngayon nila Sevinx sa Beach dahil summer na.

"Babe, ano gusto mong kainin?" Tanong ni Clay kay Kyline. Napapansin na rin namin na ang sweet na ni Clay kay Kyline siguro dahil may time na sila sa isa't-isa at hindi na busy si Clay.

"Ikaw" Bigla naman kaming naubo ni Sevinx. Nakakaloka. Akala ba nila silang dalawa lang ang nandito?. Natahimik kami ni Sevinx ng biglang halikan ni Clay si Kyline.

"Ala eh! Hoy! Hindi lang kayo ang nandito ano!" Napansin ko namang natatawa si Sevinx sakin.

"Inggit ka ano?" Sabi nito sakin kaya agad ko naman siyang inirapan.

"Yieee gusto din ng halik ng mahal ko" Langya. Ang clingy talaga ni Sevinx. Mas clingy pa sakin eh jusmiyo daig pa tuko minsan kung maka kapit eh.

"Sinong inggit?" Sabay na sabi ni Kypine at Clay "Si Celestine! Hahaha!" Masaya siguro kung mag walkout ako? Pinag titripan na'ko dito eh.

"Boyfriend ba talaga kita?" Tanong ko kay sevinx at tumango naman siya.

"Eh bat hindi mo 'ko pinagtanggol sa dalawang 'to?" Sabay turo kanila Clay.

"Kasi ang cute mo mainis" Akmang yayakapin niya na sana ako ng biglang mag nalaglag sa bulsa ng polo niya kaya na tigilan kami.

Isang maliit na box na kulay red ang nalaglag.

"Ano yan?" Bago niya sagutin yung tanong ko tumingin siya kanila Kyline para bang may sisinasabi gamit ang isip.

Bigla naman lumuhod si Sevinx at binuksan yung box na maliit. Pag bukas niya bumungad agad sakin ang sing-sing at kumikinang pa talaga.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sakaniya.

"Will you marry me?" Hindi ko alam kung maiiyak ako or matatawa eh kasi natatawa ako sa mukha niya napaka seryoso. Mukhang sincere siya sa pag popropose sakin.

"Yes" Mahal ko siya kaya it's a yes.

"Pero bata pa tayo diba?" Tanong ko habang isinosuot niya na ang sing-sing sa daliri ko.

"Sino bang nag sabing mag papakasal tayo agad? Syempre pag tapos natin mag aral dun na tayo mag papakasal" Bigla naman siyang ngumiti sabay yumakap sakin.

"Paano ba yan? Fiance na kita" Agad ko naman siya binatukan pero hindi masakit. Dahil kung ano-ano nanan pinag iisip ng lalaking 'to.

"Congrats sainyong dalawa" Sabi naman ni Clay at Kyline.

Nag 'thank you' naman kami. Pag tapos ng pag popropose ni Sevinx back to normal ulit. Dahil ang pangit naman kung maging awkward kami dito.

Dahil naka ramdam na ako ng antok niyaya ko na si Sevinx na bumalik na sa kwarto namin kaya pumayag naman siya dahil paniguradong mag lalaro nanaman yan sa Ps4 niya. Maingay nanaman.

Naiwan sila Clay dun dahil ayaw pa raw nila bumalik sa kwarto nila. Nang maka rating na kami sa kwarto agad na akong nahiga at pumikit dahil antok na antok na talaga ako. Nagulat ako ng biglang yumakap sakin si Sevinx at hinalikan ako sa Noo.

"Love, i love you" Mas lalo niya pang hinigpitan yung pag yakap niya sakin na para bang mawawala ako bukas.

"I love you too" sabay yakap ko sakaniya.

"Love, alam mo bang unang kita ko pa lang sa'yo nasabi ko kaagad sa sarili ko na ikaw na ang huling babae na mamahalin ko?" Natawa naman ako.

"Huling babae talaga?"

"Oo love, unang kita ko pa lang sa'yo mahal na agad kita" Mas lalo naman akong natawa.

"Mahal agad?"

"Love, ang cute mo kasi" Sabay hinalikan ako sa lips ng mabilis. Natahimik naman ako sa ginawa niya. Homohokage na yung lalaking 'to delikado talaga kapag kaming dalawa lang eh tsk.

"Love, promise ko na hindi na 'ko mambababae makukuntento na 'ko sayo hanggang sa magka anak tayo" Seryosong seryoso talaga siya sa mga sinasabi niya. Kung titignan mo matatawa ka talaga na ewan.

Dahil seryoso siyang naka tulala sa kisame.

"Love, mamahalin kita hanggang mamatay ako nakakatawa pero totoo yun lalo na ang lahat ng mga sinabi ko simula kanina alam mo sobrang saya ko dahil ang sagot mo ay 'Oo' buti nga hindi ako naiyak eh kasi ang totoo paluha na talaga ako nun haha" Agad ko naman siyang niyakap. Eto ang dahilan kung bakit mahal na mahal ko siya. Nag sasabi siya kung ano ang nasa isip niya hindi rin naman siya mahilig mag tago ng sekreto except nalang sa ginawa ni Queen.

Natahimik kami ng ilang minuto ng agad siya g nag salita.

"Tara! Gawa na tayo baby."

The End

Mr. Playboy Is In Love With Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon