Chapter 26

1.7K 47 5
                                    


|| Celestine Sandoval ||

Hold-up

I know na hindi ako mabait na anak pero hindi naman ata tama ana pag selosin ako ng gantong sitwasyon. Tulad nalang ng nangyayari ngayon.

Ewan ko ba pero tuwing nakikita ko yung 'Ate ko' *sarcasm* nag simula ng gumulo ang buhay ko.

Nakain kami ngayon ng agahan plano ko sanang hindi lumabas ng kwarto pero pinilit ako nila mommy kasi First day daw mag breakfast ng Kompleto kami.

Nakain lang ako ng tahimik ng nag salita si mommy.

"Aalis kami ngayon ng Daddy niyo dahil may aasikasuhin pa kami. Kayong dalawa na muna ang maiiwan dito okay?" Napansin ko namang tumango si Chastine pero ako tahimik parin.

"Okay ba yun sayo Nak?" Tumingin naman ako kay mommy.

"Mas okay kung kasama siya" Yun na lamang ang lumabas sa bibig ko.

Narinig ko ang malalim na pag hinga ni Daddy. Pero patuloy parin ako sa pag kain hanggang sa natapos na ako.

Iinom na sana ako ng biglang hilahin ni Chastine yung baso kaya natapon sakin.

"Ano bang problema mo?!"

"Baso ko yan eh" Mahinang sabi niya sakin.

"Baso ko to! Nakikita mo ba yan?" Tinuro ko sakaniya yung pangalan ko sa ilalim ng baso. "Akin to"

Nakita ko yung baso na may tubig at ibinuhos ko sakaniya. "Quits" Sabay irap sakaniya.

"Celestine! No Gadgets at No Allowance for 2 weeks" napa nga nga nalang ako sa sinabi ni daddy.

Hindi naman ata tama yun!

"What the? At ako pa talaga?" Padabog akong umakyat papunta sa Kwarto. Ako nalang yung mali.

Simula nung dumating siya naging miserable na yung buhay ko. Hindi naman ganyan sakin sila Mommy at Daddy dati.

Nilock ko yung pinto at kinuha yung phone ko. Hindi ko susundin ang rules na yun. Kinuha ko yung savings ko at nilagay sa bag ko.

Mag lalayas ako mamayang gabi.

Kinuha ko na yung mga damit ko at Nilagay sa Bag. Ayoko ng maleta mahahalata sakin na nag layas ako.

Nilagay ko yung laptop ko sa isa ko pang bag. Dumating na ang hating gabi kaya dun na ako naka diskasrte para maka takas sa bahay. Dahan-dahan kung binuksan yung gate sabay alis. Malalim na ang gabi kaya hindi magigising sila Mommy.

Habang nag lalakad ako hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kanila Elie kaya? Pero diko alam bahay nila eh.

Tumunog yung phone ko ng makita ko sang Text ni Chastine.

"Good luck. Ginusto mo yan eh" -Chastine

Tama ba tong nababasa ko? Oo ginusto ko 'to kaya wala silang magagawa. Itatago ko na sana yung phone ko ng bigla itong hablutin ng isang bata. Shit.

"Hoy! Akin yan!" Gusto ko sanang habulin pero paano naman yung mga gamit ko. Wala na akong phone kung minamalas ka nga naman.

Walang sigla akong nag lalakad sa kalsada. Wala ng mga taong nasa paligid at bibihira nalang din ang mga sasakyang nag dadaanan.

Naiimagine ko na nasa Korean Nobela daw ako tapos biglang may huminto daw sa harapan ko na Sasakyan, Tapos lalabas yung partner ko tapos papatirahin niya muna ako sa bahay niya tapos nag kasakit daw ako tapos inaalagaan niya daw ako.

Hays. Kung andito lang sana si Sevinx eh. Kaso wala siya dito. Malapit na mag New Year siguro dito nalang ako sa Kalsada mag Nenew Year.

May huminto sa karapan kung sasakyan pero binalewala ko nalang. Pero nang bumukas na ang pinto agad akong lumingon at tumigil.  Umaasa na siya yung naiimagine ko na nasa Korean Nobela.

Nang makita ko yung mukha agad akong umiwas ng tingin. Ang panget. Kasuka. Daming tattoo. May balbas pa.

Mag lalakad na sana ako ng biglang tutukan ako nito ng baril.

"Hold-up to! Akin na yang mga gamit mo!" Agad-agad kung binigay yung gamit ko.

"Kuya, paki ingatan po ng gamit ko" Sabi ko sakaniya. Bigla siyang tumawa ng napaka lakas na para bang nakaka rinig sakaniya.

"Pre! Chicks pala yan eh! Sama na natin! Para may pulutan" Anong pulutan? Hindi kaya mga Cannibal yan sila? Nooooo!

Hinagis ako ng lalaki papasok sa loob. Hindi ko alam ang gagawin ko. Puno ako ng takot. Dahil sa takot ko hindi na ako nakakapag isip. Bago pa isara yung pinto agad akong lumabas para maka sigaw. Pag labas ko may nakita akong apat na lalaki kaya sumigaw ako para manghingi ng tulong.

"Kuya! Tulong!" Hindi ko na naabutan yung apat na lalaki pero napa hinto sila. Binit-bit ako ng lalaki papasok ulit sa saakyan.

"Wag mo subukang tumakas kung ayaw mong masaktan!" Hinawakan niya yung kamay ko habang nasa labas siya. Sinubukan ko paring sumigaw ng malakas pero parang wala na ngang pag-asang mailigtas pa ako sa mga lalaking 'to.

Hindi ko mapigilan na hindi maiyak. Hindi ko ineexpect na ganito yung mangyayari sakin. Edi sana pala hindi na ako lumayas sa bahay.

Hanggang sa tanging iyak ko nalang ang naririnig ko sa paligid. Minulat ko ang aking mata ng makita ko yung mga Tatlong lalaki na nasa sahig na. Sino gumawa nito? Pag tingin ko sa harapan ng kotse pinag tatadyak ng apat na lalaki yung may hawak ng kamay ko kanina.

Dahan-dahan akong lumapit sakanila para makita ang mukha nila. Napa hinto ako ng makita ko ang mukha ng isa sakanila "S-S-Sevinx" Lumingon siya sakin sabay ngiti.

"I'm back"

Mr. Playboy Is In Love With Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon