Chapter 25

1.8K 46 3
                                    


|| Celestine Sandoval ||

Christmas Day

Merry Christmas! Today is the day. Ang hinihintay ng mga tao lalo na ang mga bata. Nag luluto na sila mommy at daddy ng mga handa para mamayang gabi. Panigurado akong madami nanaman ang nandito sa bahay.

Naka ligo na ako lahat-lahat napaaga ako ng ligo dahil meron ako ngayon. Wrong timing.

Umupo ako sa Sofa ng biglang may namamasko. Kakaupo ko lang tatayo nanaman ako? -,- bastusan bes?

Kumuha ako ng candies at limang piso. Aba! Pasalamat sila may limang piso pa sila. Lumapit sakin si mommy at tinignan yung nasa kamay ko.

"Nak, grabe ka naman paskong pasko napaka buraot mo bigyan mo ng One Hundred"

Napatawa nalang ako sa sinabi ni mommy.

"Mommy kasi naman okay na'tong limang piso" Pero kinuha ni mommy yung limang piso at pinalitan ito ng Isang Daan.

"Yaan ang ibigay mo. Share your blessing" Pumunta na ako ng Gate at binigay sa Dalawang bata yung Isang daan.

Napansin ko yung dalawang mag jowa sa labas ng bahay mag ka holding hands. Naalala ko tuloy si Sevinx. Wala kasi siya ngayong Christmas nag out of town sila ng Family niya sa Korea.

Sana sinama ako at least makita ko manlang miski isang oppa kahit si Lee Jong Suk lang Cx4 Fh4t Nh4.

Bumalik na agad ako sa bahay ng mawala na sa paningin ko yung mag jowa. Mag bebreak din yun. Joke.

Ang boring dito sa bahay Christmas na Christmas dang boring dahil kaming tatlo lang nandito sa bahay. Tatlo na nga lang kami wala pa akong ginagawa kakaloka.

Kinuha ko yung phone ko ng bumungad yung mukha ni Sevinx. Yung totoo? Iniinis ba ako ng tadhana ha? Kainis na ah. Talagang lalong pinapamiss sakin si Sevinx pag nakita ko talaga yang tadhana na yan mapapatay ko yun.

Bat ba kasi Wallpaper ko pa si Sevinx? Babalik rin naman yun.

Biglang Bumukas yung pinto ng inuluwa nun ang isang babae. Mahaba ang buhok, Maputi at Singkit. Inshort tinignan ko siya From Head to Toe.

"Who you?" Pataray kung tanong sakaniya.

Tumingin siya sakin at ngumiti "I'm Chastine Sandoval" Teka nga... Isa ba siya sa mga pinsan ko? Pero bat ngayon ko lang siya nakita?

"Why are you here?" Nang bigla kung mapansin ang Maleta sa tabi niya.

"Don't tell me na dito ka titira?" Dag dag ko.

"Nandito ako kasi dito na ako titira" mag sasalita na sana ako ng biglang dumating sila mommy at daddy galing mula sa kusina.

Nagulat ako ng bigla nila itong niyakap na para bang matagal na nilang hindi nahawakan.

Hello! Wala ba silang nakikita na andito yung anak nila? Naiinggit din ako ano! Ni hindi nga ako niyayakap ng ganyan nila Mommy at Daddy.

"Ehem!" Matching pasigaw na yun mga bes. Baka sakaling mapansin nila ako. At tama nga ako.

Napatigil sila sa pag yayakapan at humarap sakin. Ngumiti naman ako sakanila para naman hindi mukhang naiinggit.

Mission 1: Pretend

Oo, Tama kayo dahil sa Chastine na yan Mag kakamission na ako kada araw. -,-

"Princess siya si Chastine ang ate mo"

Tama ba yung narinig ko?

Parang huminto yung mundo.

Ako may ate?

"P-po?"

"Hindi ka Only child Celestine siya ang Ate mo. Hindi mo lang siya nakita simula nung bata ka pa dahil nasa Amerika siya kasama niya ang Tita mo"

Hindi ako makapaniwala. Ako may ate? Di nga?

"Pero bat di niyo sinabi sakin?"

"Kasi sabi ng ate mo wag daw namin sabihin dahil uuwi siya this Christmas"

Ahh kaya naman pala todo ayos ng Bahay kasi dadating pala siya. Well, magiging masaya ba ako? Good luck to me.

Dinala nila mommy si Chastine sa kusina at kung ano ang pinag tatanong.

Samantalang ako naiwan dito mag isa sa Sala. Great *sarcasm*.

Mission 2: Wag papa apekto.

Just smile Celestine okay? You don't deserve maging malungkot Celestine dapat masaya ka ngayong pasko at Araw ng forgiving.

So, ngayon pag bibigyan ko sila pero bukas hindi na.

Aba! Ngayong araw lang naman ang pasko hindi na bukas. I'm so genius talaga.

Pumunta na ako ng kwarto at hindi na sila pinansin hanggang sa nasa hapag kainan na kami.

"Ahmm, Celestine do you have a boyfriend?" Tumingin naman ako sakaniya ng masama.

"Wag kang mag english wala ka sa Amerika" agad na akong tumayo at umakyat papuntang kwarto.

Sira na araw ko.

Mr. Playboy Is In Love With Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon