chapter 15:Muling pagkikita

Start from the beginning
                                    

Nandito kaming lahat sa mansyon namin dati,syempre Dati kase ngayon sila kuya kurt na ang nakatira dto

"At saka malay natin mamaya bigla nalang sunulpot dito si tita mommy diba!?"-sabi ni zeke bago tumawa kaya ayun ang nangyari binatukan sya ni insan

"Ganto baka---"-naputol ang sasabihin ni fiona ng biglang magbukas ang pinto at pumasok ang isang babae

"Mommy!"-faith/devon

"Akira!"-tumakbo ako palapit sa kanya saka sya niyakap

"Akala ko may nangyari na sayo ikaw ate huh pinag alala mo kami!"-sabi ko parin habang nakayakap sa kanya

Ng magbitiw ako ay ska ko lang napansin na may iba sa knya

"Teka tita mommy kailan ka pa nag kabangs?!"-tristan

"At saka, teka tita bakit may pilat ka sa braso napanu yan!"-alyanna

"Hindi naman kase ako si akira ehh!"-nakangiti nyang sagot na ikinabilis ng tibok ng puso ko ,what??

"Anu po!??"-sila

"A-ate s-she-sheyna?!"-nanghihinang tanung ko

Ramdam ko ang tingin nila saking lahat

Tingin na nagtataka

Pero binalewala ko yun at itinuon ang tingin sa babaeng nasa harapan ko ngayon

Ngumiti sya sakin

"Ako nga!"-simpleng sagot nya pero daan daang luha ang lumabas mula sa aking mga mata

"Ate!!buhay ka!"-hindi na ako nag isip pa at mabilis akong yumakap sa kanya at humagulhol

Buhay ang ate ko

Buhay sya

Buhay sya

"A-ate, sorry sorry sorry!"-hagulhol ko habang nakayakap pa rin sa kanya

"Sorry for what shinna?!"-sagot nya naman sakin na ikinataka ko

"F-for sacrificing your self just to protect me!"-sagot ko

"Ahh shinna----!"-naputol yung sasabihin ni ate sheyna ng may magsalita bigla

"Know what?nagawa na naming magdramahan kahapon ehh kaya wag ka ng gumaya!"

"Akira!!"-sigaw ko at lumapit kay kira

"Matanda pa rin ako sayo ,use ate!"-kira

Pagkaharap naming tatlo sa mga kasamahan namin ay halos malaglag ang panga nila sa nakikita nila ngayon,yung para bang hindi makapaniwala sa nakikita nila ganun

"Uwahhhhh sinu sa inyo ang mommy ko!??"-pag arte ni faith sabay punas pa ng luha kunwari

Hindi nalang namin sya pinansin dahil binatukan na sya ni kuya devon nya

"Ahm shinna!"-kinig kung bigkas ni ate sheyna sa pangalan ko

Para bang namiss ko yun

Parang nangungulila pa rin ako kahit nandito na sya

"Po?!"-nabasag ang boses ko sa simpleng salitang yun

"Payakap kami!"-sabay na sagot nila ni kira at nginitian ako

May namuo namang luha sa aking mga mata at tumango sa kanila

Lumapit sila sakin at niyakap ako

Tuluyan na akong napaiyak at gumanti ng yakap sa kanila

Ito yung pangalawang pagkakataon na magkakasama ulit kaming tatlo

Ako nalang ba??

Ako nalang ba ang walang nagagawa para sa kanila??

Cryptic Devil √ [UNEDITED]Where stories live. Discover now