Part 14

3 3 11
                                    


"Ulitin mo ang sinabi mo." nang-gigil na utos ni Andrew kay Frank na inutusan niyang bumuntot sa dalaga na nakita niya sa mall at kapatid nito.

"Nahuli ako boss, nakuhanan ako ng litrato ng babae." pag uulit ni Frank. Malakas na suntok ang natanggap niya mula kay Andrew na galit na galit.

"Damn you! ang tanga mo! babae? nahuli ka?!" gigil na gigil na usal niya. "Get out!"

Nang makaalis si Frank ay lumabas rin siya ng kwarto, naabutan niya sa kusina si Lemuel na nagluluto ng pasta sauce.

"Lalaki na pala trip mo ngayon bro?" sabi ni Lemuel na bahagya siyang sinulyapan. Natigilan si Andrew sa sadya niyang pag inom ng tubig.

Ibinaba niyang muli ang basong hawak niya at binalingan ang kapatid niya.

"What? pakiulit ang sinabi mo?"

"Nakita ko ang pagpasok at paglabas ng lalaki sa kwarto mo..so, tama ba ako? wag ka ng mahiya bro."

Malutong na tawa ang pinakawalan ni Andrew bago uminom ng tubig. "Hindi ko akalain na alam mo ang mga nangyayari sakin, minamatyagan mo pala ako bro?" hindi makapaniwalang sabi ni Andrew.

"Of course, kapatid kita right? And believe it or not I care for you, and I want to help you—"

"Shhhh, stop it ok? bahala ka kung anong tingin mo sakin, pero binabalaan kita, tigilan mo ako. Hindi ko kailangan ng concern mo, baka mapahamak ka lang." babala ni Andrew sabay alis ng kusina.

Barromer's Building

"Ang bilis ng panahon. Nagsisimula na tayong tumanggap ng mga bagong recruits. Kamusta nga pala ang kapatid mo?" usisa ni Malik kay Yumi. Nakaupo sila sa isang bench malapit sa nag eensayong mga baguhan.

"Nasa kapitbahay namin siya Sir, nagbabalak rin ako na lumipat na ng mauupahang bahay."

"I didn't know..I'm sorry."

"Huh?"

"Hindi ko alam na dadating ang puntong ikaw ang pupuntiryahin. I think may maitutulong ako."

"Ano—"

"Hindi ako matatahimik hanggat hindi kita nakikitang nasa ligtas na lugar—"

"Oo nga, kaya—"

"Dun ka na sa bahay tumira—"

"Ha!?" gulantang na saad ni Yumi. Hindi siya makapaniwalang tinitigan si Malik na matiim na nakatingin sakanya.

"Ako ang naglagay sa sitwasyon mo ngayon, I am always choosing you kasi alam kong ikaw ang isa sa mga best agent dito. Now naguguilty ako dahil hindi ko naisip ang consequences na—"

"Wait lang sir, kaya ko naman ang sarili ko at kaya kong protektahan ang kapatid ko, at si boss Tim—"

"Aalis si Dad, mag a-out of the country siya at mananatili roon for the whole month. Sa bahay na kayo tumira, mas safe kayo doon—"

"Pero—"

"And by the way hindi na tayo pwedeng umurong sa trabaho natin kay Sun Tzi. Remember?"

Oo nga pala. Naisip ni Yumi. Marahan siyang tumango.

"Ibig sabihin pumapayag ka na?" nagliwanag ang mukha ng binata.

"Oo sir, pero kami na bahala maglinis, magluto at kung ano ano pa ha? ay wait siguro naman may katulong kayo..pero hindi parin tutulong parin kami." buhol buhol na sabi ng dalaga.

"Pagbabakasyonin ko muna ang mga katulong namin, ayokong may ibang tao sa bahay habang naroon kayo, and anyway, kailangan na nating pagplanuhan ang hakbang na gagawin natin. Magagawa natin yun ng maayos ng walang istorbo sa bahay. Hindi niyo rin kailangan na gawin ang gawaing bahay ng kayo lang, I can help."

"Pero—"

"No buts, hindi ko kayo pinatitira roon ng may kapalit, as I've already told you ako ang naglagay sainyo sa ganiyang sitwasyon—"

"Mali kayo Sir, sa lahat ng trabaho may mga kalakip na panganib, pinili ko itong trabahong ito sir, kung sakaling nagpulis ako at hindi pumasok sa business niyo manganganib rin ang buhay ko, uso ngayon ang patayan ng mga pulis dahil sa illegal drugs. Wag niyong sisihin ang sarili niyo, kusa kong ginagawa ito dahil sa pera."

Buntong hininga lang ang pinakawalan ni Malik kung kaya'y namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.

Anonymous Wattpad WriterWhere stories live. Discover now