Ikawalong Gatas

1.1K 56 8
                                    

Ikawalong Gatas

Napatulala ako, still processing the information. Oh diba, feeling genius lang?

Napatingin ako kay X. Dire-diretso siya sa pagkanta na para bang walang kahirap-hirap. Alam kong walang daya ang microphone kasi narinig ko na siyang kumanta noong nasa kwarto niya kami.

Bakit ba kasi siya niregaluhan ng ganyan kagandang boses? His speaking voice and singing voice, panalo na agad sa The Voice.

Now I wonder, ano kaya ang kanyang bedroom voice?

Bigla akong kinalabutan sa naisip ko. Saktong dumaan ang isang waiter.

Inom gatas? Inom gatas.

I took a glass of milk from his tray and drank it in one gulp.

Masyado na akong nahuhumaling sa boses ni X. This can't be! Karen, isang lalaki lang. Okay?!

I don't want to fall for his voice, moreover, for him. Mabilis pa naman akong naca-capture ng may magandang boses. Nasanay kasi ako kay Sic na hindi maganda ang boses.

I stood up and decided to go home. I just hope that Clarence isn't there.

**

Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong ako ng nakapamewang na Nathalia at Ate Queen. Si Nathalia, pinipilit pang itaas yung kilay niya. Mukhang tanga.

"Mind telling me where you spent the night and half of the day?"

I shrugged and walked past them. I'm not really up for interrogation right now.

"Nako, Nathalia. Kausapin mo nga yang babaeng yan. Ilang araw nang mukhang zombie. Naka-drugs ba yan? Hindi ko matatanggap na may kapatid akong drug pusher!" rinig kong drama ni ate Queen.

"Hindi ko alam ate? Hala. Baka naman na-rape?! Alam mo naman, dyosa siya. Maraming nagkakandarapa," sagot naman ni Nathalia.

Hindi ako naka-drugs, okay?! Well, I was drugged last night but that doesn't make me a drug pusher!

Hindi ko na lang sila pinansin. I was about to open the door of my room when somebody grabbed me by the arm.

"Karen!!! Saan ka ba kasi galing?" tanong ni Nathalia na sa wakas ay hindi na pilit na itinataas ang kilay.

Tinitigan ko lang siya. "Ilabas mo yung kaibigan ko! Ang pangit mo. Hindi ikaw si Karen! Harhalol."

Harhalol? Eh mukhang siya yata ang naka-drugs eh. Kainis!

I raised my eyebrows and pointed on her phone. She looked at me, confusion evident in her eyes.

"Uhm, gusto mo ng cellphone ko? Hala! Snatcher ka na rin?!"

Isa pa. Masasapak ko na talaga 'tong si Nathalia eh.

"Ano ba kasi yun? Kainis naman 'to eh. Sige ka, sasabihin ko kay ate Queen yung tungkol kay Sic!"

There she goes again with her blackmailing. Hindi kasi alam ni ate Queen ang tunay na dahilan kung bakit na-call off ang wedding namin ni Sic. Ang alam niya ay ako ang umayaw.

"Fine. I'll tell you. But no, I won't talk. I'll text you. Ayaw kong malaman ni Ate," I said in a hushed voice.

Nag-nod lang siya at dumiretso na sa sofa. Good thing she understands.

I saw her start typing a message.

From: Nathalia

Aso saqn ka nangglinh?

Mamili ng Isang Lalaki, KarenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon