"Bea," tawag sa kin ni janna kaya napalingon ako sa katabe ko, ang di ko inaasahan ay ang pagdutdot ng hawak netong pizza sa labe ko. Napanguso naman si janna ng tingnan ko lang sya, ayokong gawin kase nasa harapan ko lang si jhoana pero ayoko namang mapahiya si janna.

Kahit napipilitan ay wala na akong nagawa pa kaya kumagat na lang ako tas nagsmile pagkatapos kay janna. Nagsmile back naman ito sa kin bago muling kumagat dun sa mismong pinagkagatan ko saka muling umayos ng upo. Pag baling ko sa harap ko ay nasaktong nahuli ko ang mata ni jhoana.....Kita ko kung pano namuo ang luha sa mga mata neto saka mapait na ngumiti sa kin. Nataranta ako bigla, alam kong nakita nya ng buo yung ginawa namen ni janna at alam ko, simula pa lang kanina ay nasasaktan ko na sya at ngayon ay dinagdagan ko pa.

Gusto ko syang lapitan ngayon din kaso andito si marci at ayokong makahalata ang lalakeng ito dahil baka maging mitsa ito ng pagkabunyag ng lihim namen ni jhoana. Napabaling naman ako sa katabe ni jho na panay lang ang asikaso neto sa kanya, halos subuan na nga rin nya ang baby ko kung tutuusin eh, tss....😒

( Bakit nakakaselos ba? )

Oo naman! Baby ko yan eh tas makikita kong may gumagawa ng mga ganon na dapat ay ako ang gumagawa! at saka AKO ang may karapatan---

( Hep hep hep....... Wala pang KAYO no, paalala lang po ulit. )

Pero binigyan nya ako ng karapatang magselos kaya sa madaling salita mag-MU kame!😏

( Oo nga pala!....Hehehehe.....MU kayo.......Magulong Usapan......ang meron kayo ng baby mo!😂😂😂.......Ang gulo mo kaseng kausap, hahahahaha..... )

"You look good together." si janna na nakangiting sabe nya kina marci at jho.

Napatingin ako sa katabe kong to. SERIOUSLY! parang gusto kong sabihin yun kaya lang pinigilan ko, lam nyo naman kung bakit di ba guys, hays!

"Talaga?" si marci na lumapad ang ngitian. "Sabe ko sayo eh!" biglang baling neto at nagpa cute kay jho na napahinto naman sa pagnguya at napatingin kay janna. "Medyo marame na nga ang nakapagsabe nyan eh." si marci pa rin.😅😅😅

"Medyo lang?...." tas napasmirk ako. "Para sa kin wala kayong dating no! tss...." bulong ko sabay kagat sa slice na pizza na kinuha ko.

"Parang di payag si jhoana ah, hahahah...." biglang kambyo ni janna.

Natawa ako ng sabihing yun ni janna. Marunong naman palang makaramdam ang isang ito kala ko build up kung build up ang gagawin neto sa #JhoMar.

"Wala namang masama." si jho. "Actually, si marci yung tipo ng taong magugustuhan ng kahit na sino....."

Napahinto ako sa pag kain at napatingin sa kaharapan kong si jhoana na umayos ng upo.

"Mabuting tao to." si jho at nilingon ang katabe at tinapik tapik ang balikat neto. "Ang loyal kaya nya......super ang LOYAL nya."

Tinamaan ako dun ah! Diniinan pa nya yung word na LOYAL, alam kong sinadya nya yun para tamaan ako.At totoo nga, tinamaan nga ako. Ayun, sapol!......Bullseye! Galing!.....Ang sakit ah!

"Ayokong magsalita ng tapos pero.......malay naten, di ba?" si jho tas tinitigan pa talaga ang lalakeng yun tas nag smile pa!

Napahampas ako sa mesa namen sa sobrang selos. Napatingin silang tatlo sa kin na may halong pagtatanong ang mga mata, nginitian ko ang dalawa sabay peace sign✌pero si jho ay inirapan lang ako ng bongga. Lalo akong nainis sa ginawang yun ni jhoana kaya ang nagawa ko na lang ay muling kumuha ng pizza at kumain.🍕

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now