Chapter 43

17.6K 636 277
                                    

Another Fave^_^ Every words and sentence dito love na love ko😁 May announcement kuno ako soon LOL. Enjoy and please tell me what you think😂 Tell me ano pinaka bet niyobg lines LOLLLL labas na kayo ng sama nang loob. Bye bye 🙋 magtatago pa ko eh
P.S Please Ignore(Pampadami lang ng words to)
Last one next chap?
____________________________

"Baby We're here. Open your eyes"

"Hmm 5 minutes"

"Pangatlong five minutes mo nayan. Bilis na ayaw mo ba ako kausap? Sayang itong hinanda nila oh"

Natatakot ako Tuwing Ipipikit niya ang mga mata niya, feeling ko hindi na siya magigising. Hinayaan ko muna siyang matulog saglit pero nang ginigising ko na siya laging 5 minutes pa.

"I'm awake, naka pikit lang. Start mo na yung kwento mo" Sabi nito sa akin.

Hays, Humiga na lang din ako sa tabi niya. Sa haba ng nilakad ko ay mga kumot na may mga pag kain lang ang inabutan namin, ito yung utang kong picnic sa kanya.

Pero masasabi kong worth it ang nilakad ko. Ang ganda ng mga bituin dito.

Humarap ako sa babaeng naka pikit sa tabi ko.

Hindi ko akalaing mag kaka gusto ako sa kanya ng ganito. Dati Inis na Inis ako makita lang siya dahil ginagawa niya akong alipin. Pero ngayon hindi ko ata kayang mabuhay ng normal sa Mundong wala siya. Okay lang kahit hindi ako ang kasama niya pag Tanda basta buhay siya masaya na ako.

Pwede po bang ganon na lang? Tatanggapin kong hindi kami ang naka laan para sa isat isa basta ba buhayin niyo lang sya. Bigyan niyo pa ho siya ng pag kakataong I enjoy ang Mundong ginawa niyo.

Pwede ding ako na lang. Ako na lang po wag na siya.

Tama sila. Hindi porket mahal niyo ang isat isa kayo na hanggang huli. Mapag laro ang tadhana, hahayaan niyang maka sama  mo ang taong naka laan sayo para kukunin niya lang din sa huli.

"Maybe one day, mas simple nalang ang love story natin. Hindi ko kailangang mag panggap na lalaki at higit sa lahat wala kang sakit. Yung masaya lang, nag aaway pero nag kaka ayos din. There's No more secrets"

"I love that" Sabi niya ng naka pikit pa din.

^_^"Ako din, siguro ang loner nang nag sulat ng story natin noh? Ang bitter eh" Napa tawa naman siya sa sinabi ko.

"Pahiga ulit ako sa taas mo"

:) hindi na ako nag salita at hinayaan siyang mahiga sa top ko. Gaya ng dati, hilig niyang pakinggan ang tibok ng puso ko. Dati bigat na bigat ako sa kanya pero ngayon nagustuhan ko na din. Nararamdaman ko din kasi ang tibok ng puso niya.

Sabi nila mag kakaiba daw ang tibok ng puso ng mga tao. Pero magka parehas kayo ng taong naka laan para sayo.

Alam kong same kami ng tibok ng puso pero bakit ganito kami ngayon? Bakit parehas parin kaming nasasaktan.

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa ganoong position. Walang nag sasalita sa amin. Hindi sapat ang mga salita para iparamdam kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

"By the way Baby ko. Mas gusto mo ba mahaba or maikli itong buhok ko?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin ito sa akin at pinaglaruan ang buhok ko. Medyo mahaba na din eh

"Hmm Kahit ano okay. But mas gusto ko yung buhok mo dati. Yung hahabulin ka na ng suklay hahahaha"

^_^ Ako din

"Okay po baby ko"

O.O

"Baby tignan mo oh. Sumisilip na yung araw "

I'm not a HETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon