Prologue

6 2 0
                                    


Nakakainis. Hindi ko naman pinangarap na maging maganda pero bakit wala akong love life? Naiiyak ako kapag naiisip ko na tumatanda na ko pero wala pa rin akong boyfriend. 


"hoy ikaw!" turo ko sa mga bituin. "Kainis kayo rin no! Oo na't ayokong humiling kase naman kada hiling ko sa inyo, hindi niyo naman tinutupad brossss!  Kung ako ang magkakaroon nang powers, gusto ko yung tinutupad ang hiling nang iba!  Tsk hindi naman matutupad eh! Saan ako kukuha nang powers? Hindi totoo ang powers no. Hoy bituing hindi nagniningning.  Hinahamon kita na ipakita mo sakin ang mundo nang mga mahika"


Natawa na lang ako sa sarili ko sabay sipa sa mga maliliit na bato.  Napaupo ako sa bench dito sa park.  Dito ako nangtambay nang makita ko yung crush na crush kong may kasama nang iba. 


Lumukot na naman ang mukha ko kapag inaalala ko.  Ipinatong ko ang baba ko sa mga tuhod ko.  Lalagpas na ko sa kalendaryo at eto na ko naghahabol sa mga lalaki.  


Bakit hindi asawa ang hiniling ko?  Ilang ulit ko nang hiniling yun pero paulit ulit rin akong nasaktan dahil dun.  Kung hindi ko ba hahanapin eh dadating siya?  Uh patawa! 


Tumayo na ko at pinagpag ang butt ko. Hindi naman ako flat sa harap at likod.  Hindi rin ako mataba. Kulay silver naman ang buhok ko, sobrang puti ko, na akala nang iba naggluta ako.  Kulay black ang mata ko,  matangos ang ilong,  hindi na kailangan nang eye brow kit ang kilay ko dahil sobrang makapal na ito.  At ang huli sa lahat hindi halata na 31 na ko.  


Nagsimula na kong maglakad pauwi.  Siguradong hinahanap na ko nang mga pamangkin ko.  


"Pamangks!" , sigaw ko pagkapasok ko sa bahay.  


"Ang ingay mo ate!  Gabi na ah.  Bakit ngayon ka lang?  Hinahanap ka pa naman ni mama. Punta ka raw sa kanya pagnandito ka na raw" , sakto kase na baba siya sa hakdan nang nakita ako.  Tinanong ko muna sa kanya kung asan ang mga pamangkin ko.  Natutulog na daw sila.  Sabagay, 10 na nang gabi. 


Pagkatapos non ay dumretso ako sa kwarto ni mama.  Kumatok muna ko bago ako pumasok. 


"Hija.  Sa wakas at nakauwi ka na.  Saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang?" , napaupo si mama sa kanyang pagkakahiga nang makita ako. 


"Dyan lang ma.  Nagbabakasakali na makakahanap na ko nang mapapangasawa" nakita ko sa mga mata ni mama ang lungkot.  Alam ko naman ma eh! Nakakaawa ako!


"Dito ka matulog sa tabi ko ah" , nakangiti si mama.  Tumango ako at nagpaalam saglit para maligo.  Bumalik rin ako agad sa kanya pagkatapos. 


Dahil na rin sa pagod ay nakatulog ako agad.  


"Théste tin eléftheri kai vreíte an ítan pragmatiká aníkoun. Egó, i Giánna Fróre, érixe to magikó xórki." , ang huli kong narinig bago ako nakatulog. 


Ang ganda naman nang tulog ko.  Ngumiti ako kahit hindi ko pa binubuksan ang mata ko tsaka nag inat.  Pagkatapos kong gawin iyon ay tumingin na ko kay mama.  Napawi ang ngiti ko. 


"Ma." yinugyug ko siya. 


"Ma!" tangna.  


"Ma.  Huwag kang majoke hindi to nakakatawa", ilang ulit kong ginising si mama pero hindi na siya nagising.  Iyak ako nang iyak. Tinawag ko si Warren. Dumating na rin ang ambulance. Iyak lang ako nang iyak.  Kung hindi ba ko natulog kasama ko pa rin kaya si mama? Kung nakipagkwentuhan na lang ako sa kanya kasama ko parin kaya siya? 


Hindi ko man lang nasabi kung gaano ko siya kamahal.  Hindi man lang ako nakapagpasalamat dahil binigyan niya ko nang buhay.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Kingdom of Magical LandWhere stories live. Discover now