Kabanata 1:00

88 4 0
                                    

                      KABANATA 1:00

Ikalawang Digmaang pandaigdigan:
   
Kitang-kita sa buong paligid kung gaano kalaki at kalala ang naging pinsala ng ikalawang digmaan sa pagitan ng bansang Amerika at Japan para lang makuha ang bansang Pilipinas,nariyan ang mga nasirang mga kabahayan at gusali,mga daang nawasak dulot ng mga bombang sumabog,at mga hindi mabilang na mga nasawi sa labanan.Hindi rin maitatago sa mga mukha ng mga Pilipino ang takot at pangamba sa maaaring mangyari.

Sa nangyaring digmaan,hindi nanaig ang panig ng mga Militar ng Amerikano sapagkat hindi nakarating ang Heneral ng kanilang hukbo na inaasahang may dalang mga armas at mga kagamitang makakatulong sa mangyayaring labanan.

•••••••••••••••••••••••••

-Taong 2006,Abril 29-

   Maririnig sa buong paligid ang ingay ng mga sundalong hapon na humahabol sa pamilyang sa mata nila ay nagkasala.Tila hindi nila iniinda ang pagod katulad nalang ng pamilya Guevarra,ang pamilyang tinutugis ng mga sundalong hapon.

"Ano ng gagawin natin Antonio?,natatakot na si Bella."

"Hindi ko kayo pababayaan,hindi ko hahayaang saktan nila kayo."

        Sambit ang mga katagang iyon ay niyakap ni Antonio ang kanyang mag-ina.

"Mabuti pa magtago kayo dito,ililigaw ko lang ang mga sundalong humahabol sa atin."

"Nababaliw ka na ba Antonio!hindi mo maaaring ilagay ang iyong sarili sa kapahamakan."

"Ito nalang ang alam kong paraan para mailigtas ko kayo.Huwag kang mag-alala sa akin Sabel,ang mahalaga ngayon ay mailigtas ko kayo ni Bella."

"Ina,Ama,ano pong nangyayari?,nag-tatalo po ba kayo?."

"Hindi Bella,anak,makinig ka sa akin."

         Umupo ito upang itulad ang taas sa kanyang anak na nasa anim na taong gulang pa lang.

"Bella,kahit anong mangyari wag na wag kang magpapakita sa mga sundalong humahabol sa atin,magtago ka lang."

"Sabel,ano ba ang iyong sinasabi?magtago na kayo ni Bella."

"Hindi!hindi kita hahayaang magsakripisyo mag-isa,sasamahan kita Antonio."

"Hindi maaari Sabel,walang kasama ang anak natin,paano si Bella."

         Sa labis na pagkalito sa gagawin ay napahagulgol nalang ang ginang.

"Anong gusto mong gawin ko Antonio?!mananatili at maghihintay lang sa iyo?."

"Inaalala ko lang ang kaligtasan mo,ninyo ni Bella.Pangako,kahit anong mangyari babalikan ko kayo dito."

         Sambit nito at muling niyakap ang kanyang mag-ina bago nya ito lisanin.Makalipas ang ilang oras ay bigla nalang may namayaning ingay mula sa putok ng baril.Isa-dalawa-tatlo-apat na putok ang ilang ulit na namutawi sa napakapayapang paligid na nagmimistulang isang lugar na iisipin mong puno ng mga taong may mabubuting loob.Abot-langit ang kaba ng ginang ng marinig ang putok ng baril na kahit anong gawin nyang iwasang isipin ay hindi nya makaya,ang isiping ang kanyang minamahal na lalaki ay nasa kapahamakan.

Time AmuletWhere stories live. Discover now