Letter

43 5 0
                                        

Belle's P.O.V.

"Ate! May letter para sa'yo!" Rinig kong sigaw ng kapatid kong si Trisha na nasa baba.

Bumaba ako at kinuha ang letter na hawak niya, na akmang bubuksan at babasahin niya ito.

"Hindi ka si Belle Cortez, ikaw si Trisha Cortez. Para sa'kin ito." Sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko umupo ako sa kama at binuksan ang letter at binasa ito.

Dear Love,
Alam kong hindi mo pa ako nakita at kilala. And just let me call you Love dahil mahal kita.

Loving you with all my heart,
Secret A

Matapos kong basahin ang letter, tiniklop ko na ang papel at nilagay sa drawer ng table ko.

Naligo na ako at nag-ayos para pumunta sa opisina. Bumaba na ako at uminom ng kape tsaka umalis ng bahay.

Pagkarating ko sa opisina may ilan din ang bumati sa'kin.

"Uy, gurl! Good morning." Bati sa'kin ni Aurora officemate ko at bestfriend ko na rin.

"Good morning, gurl." Bati ko at nagbeso kami.

Umupo na ako at inayos ang gamit ko sa mini office ko. Umupo na rin si Aurora na katabi ko lang.

"Balita ko may secret admirer ka na." Chika niya sa'kin.

"Grabe talaga yang tenga mo 'no?" Sagot ko. Tumawa na man siya.

"So ano na gurl?"

"Anong ano na?" Tanong ko.

"Sagutin mo na. Yiiee!" Tumili pa ito.

Sinaway ko siya. "Manahimik ka nga. Hindi ko pa nga kilala at nakikita ang taong yun eh."

"Ay, gurl bet kong magustuhan mo siya."

"Eh pano mo naman nasabi gurl?"

"Basta. I just have this feeling." Aniya pa.

"Ewan ko sa'yo. Magtrabaho na nga tayo baka masisante pa tayo rito sa kakachika natin." At nagsimula na ako sa trabaho ko.

Lunch break na namin, inaya ako ni Aurora.

"Tara na gurl. Kain na tayo. Nagugutom na ako."

"Sige sige mag-si-Cr lang ako. Hintayin mo ako sa lobby."

"Sige gurl ha. Dalian mo." Aniya at naglakad na siya paalis.

Pumasok na ako sa CR, call of nature. Nag-ayos ako ng konti at lumabas na rin.

Pumunta muna ako sa mini office ko para kunin ang gamit ko.

Pagkarating ko doon. May nakita akong sticky note na nakadikit sa laptop ko.

Kinuha ko ito at binasa.

Dear Love,
Wag kang magpalipas ng gutom. Eat well. Mwuah <3

LetterWhere stories live. Discover now