"Alright. Thank you, p're."

"Ha? Anong thank you. Diba sinabi ni Scor na may bayad ako?" Humalakhak si Harris sa kabilang linya.

"Oo na. May pambayad naman ako sayo." Tumawa lang siya at binaba ko na ang tawag.

I quickly packed my clothes and things and booked the earliest flight to Iloilo. Kung kailangan baliktarin ko ang Iloilo makita lang siya ay gagawin ko.

Pagkadating na pagka dating ko ay dumiretso na ako kaagad sa ospital. The didn't disclose any information about V. They told me it was against their rules and regulation. Halos magwala ako doon pero wala pa din akong mapiga sa kanila.

I didn't lose my hope that day. I stayed in Iloilo for a few days but I have to go back to manila because of my work.

I didn't know how long was I suppose to wait, or how long was I suppose to keep finding her, but I did. Buwan buwan akong bumabalik ng Iloilo pero hindi ko siya nakita. Ilang ulit akong bumalik sa Ospital kung saan siya huling nagpa check up pero kahit minsan ay hindi ko siya naabutan doon.

Months have passed and she could have given birth by now. I still can't find any trace of her whereabouts. Hindi ko alam kung nasa Iloilo pa ba siya o bumalik na siya ng Maynila. O baka naman umalis na siya ng bansa? I don't know.

Sa araw araw na ginawa ng Diyos, palagi ko din siyang naiisip. Does she miss me like I miss her? Does she feel lonely too? God, I'd trade everything I have just to feel her skin against mine one more time.

VERONICA

Nagdidilim na ang paningin ko at halos mawalan na ako ng ulirat. Sumigaw nanaman ako nang makaramdam ng matalim na sakit sa puson ko.

"Veronica, do you hear me?" Nakita ko ang doctor kong may hawak na kung anong maliwanag at tinapat iyon sa mata ko.

Pinagpapawisan ako ng malamig at disoriented na din sa paligid ko. Kanina ay biglang pumutok ang panubigan ko ganon nalang ang takot ko nang may kasamang dugo ang lumabas sa akin. Itinakbo kaagad ako ng kasambahay sa Ospital. Hirap na hirap na ako. Ibang klaseng sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Tumango lamang ako dahil hindi ko na kayang magsalita.

"I need you to push okay? Kapag nakaramdam ka ng contraction. Maliwanag?" Natanaw ko ang nag aalalang hitsura ng doctor.

Lahat sa paligid ko ay magulo, nagkakagulo sila pero hindi ko maintindihan kung anong pinag uusapan nila.

"Doc hindi pa din lumalabas ang ulo." Rinig kong utas ng isang nurse.

"Kaya pa yan." Sagot ng doctor.

"Veronica. Push hard okay?" Baling sakin ng doktor.

Nang makaramdam ako ng contractions ay buong lakas akong umiri. Lalo lang gumuguhit sa puson ko ang sakit. Hindi ko na kaya.

"Sige pa V. Sige pa." Pinilit kong umiri ulit pero hindi ko na talag kaya. Hinang hina ang katawan ko.

"Veronica, listen to me. We have to do C-Section. Hindi mo mailabas ang baby mo, oras ang kalaban natin dito. Do you hear me?" Napapa pikit pikit na ako ngunit nagawa ko pa ding umiling.

Kaya ko, kaya kong ilabas ang baby ko.

"I-I can..." Nanghihinang sabi ko.

"There's too much blood, Veronica. Kapag hindi mo nailabas ang baby kaagad, malalason kayo pareho. We have to do C section." Paliwanag niya.

Hindi. Kaya ko siyang ilabas ng mag-isa. Sa loob loob ko ay mino motivate ko ang sarili ko.

"N-no."

"Sige. Let's try one more time. Push okay?" Sagot ng doctor.

Tumango ako at huminga ng malalim. Nang maramdaman ko nanaman ang nag babadyang contraction ay buong lakas muli akong umiri. Napasigaw na ako dahil napaka sakit ng lahat sa akin. Nagdidilim na ang paningin ko at ang usok na sa paligid ko.

"A-ang lamig..." Mahinang utas ko.

"Sige pa, Veronica. Nakikita ko na yung ulo. Good job! You can do it! One more push!" Rinig ko ang sigaw ng doctor.

Gusto ko nang pumikit at gusto nang bumigay ng katawan ko ngunit pinilit ko pa ding umiri kada contraction.

"The head's out! One hard push, V." Untag ng doctor.

Lumunok ako, hingal na hingal na ngunit pinilit ko pa ding umiri. Buong lakas na ang binuhos ko sa huling iring iyon. Parang palayo ng palayo ang boses ng mga tao sa paligid ko. Sobrang lamig na ng pakiramdam ko at kahit gusto ko nang dumilat ay hindi ko magawa.

"It's a baby girl!" Sabi ng doctor ngunit wala na akong makita.

Narinig ko ang iyak ng baby ngunit hindi ko magawang gumalaw. Hinang hina ang katawan ko at parang hindi na ako makahinga.

"Doc, bumababa ang blood pressure niya. Sobrang bilis." Sigaw ng isang nurse na pakiramdam ko ay napaka layo mula sakin.

"What? Inject Noripinephrine!" Naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa braso ko.

"Veronica! Can you hear me? Veronica!" Naramdaman ko ang pag alog sa akin ng doctor pero hindi ko na talaga kaya.

Madilim na ang paligid at mga nagkakagulong tao ang naririnig ko pero parang napaka layo talaga nila mula sa akin.

Narinig ko rin ang iyak ng baby ko sa malayo. I did it. She's already safe. I'm okay now.

My whole life flashed before my eyes. I remember my childhood, my mom. I remember the day I met Guideon, all the nights that we'd share. His kisses, the warmth of his body against mine, those nights when I wake up just to hug him closer. My dad's birthday. The day I confronted Camille, and the they I left his key to his apartment. My pregnancy that passed by like a bliss.

I wish things were different. I wish I'd met Guideon on different circumstances.

Suddenly, I was standing on a hill. It was bright and sunny and there are tulips everywhere. My favorite flower. And it was my favorite color too! Yellow tulips. The wind keeps on blowing. Inayos ko ang buhok ko at inipit ang ikang hibla sa tenga ko.

Where am I? It's so beautiful in here. It's peaceful and It felt like no one can hurt me here. I felt extremely happy. Pumitas ako ng isang bulaklak at inamoy.

"Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap ni Shelly." I felt someone's arm encircled around my waist.

I was a bit confused when I saw Guideon smiling widely at me. His eyes are sparkling and his smile is beaming. Oh! How I missed this handsome man.

"Let's go. Walang kasama ang anak natin." Hinawakan niya ang kamay ko. Bago pa man kami makapag lakad at nakarinig ako ng munting hagikgik sa di kalayuan.

Anak namin? Shelly ba ang pangalan ng anak namin?

Nilingon ko ang pinanggagalingan noon at sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang batang naka pink na bestida na tuwang tuwa at patakbong lumalapit sa amin. Sandali akong binitiwan ni Guideon at hinabol ang bata. Lalo namang lumakas ang hagikgik ng batang babae, na ngayon ay sinasabayan ng halakhak ni Guideon.

The child was the exact little photocopy of Guideon. She has his Nose, lips, the shape of the face and ears. She got everything from Guideon except her eyes, because she got it from me. We both have this big expressive eyes. She looks so cute in those pigtails. Masaya silang naghahabulan ni Guideon habang nakatanaw lang ako sa kanila.

This is my dream! This is my happy ending.

Nagulat ako sa biglang pagdilim ng paligid. Unti unting kinakain ng dilim ang liwanag. Kahit hindi ako gumagalaw ay pakiramdam ko unti unting lumalayo sa akin si Guideon at ang naka namin. Paliit ng paliit ang liwanag. Natakot ako kaya nagsimula akong habulin sila. Pero hindi ko sila naabutan. Kinain sila ng dilim. Wala akong nagawa kundi umiyak.

My happy ending was suddenly gone. It became a sad, lonely and dark reality.

"We're losing her!" Iyon ang huli kong narinig bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman.

The Second WomanWhere stories live. Discover now