Una.

25 0 0
                                        


Una.

Unang araw noon nakita kita.
Ang lakas ng dating mo.
Pumasok ka sa Corridor.
Puro tilian ng babae ang narinig ko.

Sumulyap ka pa sa akin noon.
Kinilig ako ng makita kong ngumiti ka pa.
Halos lumundag ako nun sa tuwa.
Ikaw na nga kaya?

Unang araw pa lang alam ko na iba ka.
Para bang may kakaiba sayo.
Na hindi ko mahahanap sakanila.
Bakit ganyan ka!

Tristan Sta. Maria.
Pangalan pa lang matinik na.
Pano ka kaya mag mahal?
Siguro may pag asa naman na mahalin moko diba?

O siya sige na.
Matutulog nako dahil bukas ako'y maaga pa.
Sana hanggang panaginip kasama kita.
At sana bukas presensya ko'y mapansin na.

-----------

Mga Mensahe para sayo.Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora