Chapter 73: Angel

Start from the beginning
                                    

"H-Hala! S-Sorry talaga Twinnie at Felix..." nahahangos na lumapit si Denise papunta sa'min.

"Okay lang Denise. Practice na lang rin 'to." Saad ni Felix at pilyong ngumiti.

Ang sarap niya sana'ng sipain sa paa, kaso baka mahulog niya si Baby Denver kaya inirapan ko na lang 'to.

"Yiieee~! Kung sana andito lang si Rouver..." nagkatinginan kami ni Felix pagka sabi niya no'n.

"A-Ah Denise.... I'm sure binabantayan kayo ni Rouver palagi mula sa langit." Sabi ko.

"Hmm.." sambit niya at ngumiti..

"Buti na lang at dumating ang dalawang 'to at hindi niyo 'ko pinabayaan..." dagdagpa niya.

"Siyempre naman! Kaibigan ka namin eh. Future sister-in-law pa kita." Sabat naman ni Felix.

Kanina pa 'to ah?

"Felix, tumahimik ka d'yan kung ayaw mo'ng isubo ko sa bunganga mo ang feeding bottle ni Rouise."

"ME, shhh.. nag papahinga sina Rouise at Denver oh.." inirapan ko na lang 'to ulit.

~•~•~•~

Kyla's POV

"Happy one month Keira~! Happy one month Keira~! Happy one month, happy one month~ Happy one month Keira~!" Agad na hinipan ni Ate Nicole ang candle sa cake ni Keira.

Karga-karga ni Kuya Marco si Keira habang si Ate Nicole naman ang nag aasikaso sa mga bisita.

Hindi naman marami ang nga bisita. Mga kaibigan lang nina Ate Nicole at Kuya Marco at yung mga kaibigan ko na lang rin ang nandito kasama sina Mommy at Daddy at ang Mom at Dad rin ni Kuya Marco.

Ang iba'ng hindi nakadalo ay nagpadala ng mga gifts. Bongga lang talaga ang pamangkin ko. Hahaha! First month pa lang 'to ah. Ewan ko na lang 'pag maging one year old na siya.. hihihi!

Andito rin sina Denver at Rouise. Ang cu-cute nila~!

Mabuti na lang rin at medyo naka get over na si Denise sa pagkamatay ni Rouver... nakaka sad nga ehh... nang malapit na siya'ng mamatay ay do'n pa lang niya nalaman na may mga anak siya.

Same lang rin kina Alicia at Vonn. Masaya na rin siguro ngayon sila. I'm sure nakikita nila kami ngayon.

~•~•~•~

Mga 4:30 na ng hapon at nandito nagtipun-tipon ang mga baliw na mga kaibigan ko dahil gusto pa raw nila'ng malaro si Keira, Denver at Rouise dito sa bahay nila Ate Nicole at Kuya Marco.

Kakaalis lang nila'ng tatlo. Pupuntahan lang raw nila ang kaibigan ni Ate Nicole.

Pintulog na lang muna namin sina Denver at Rouise sa kwarto ni Keira.

~•~•~•~

Nicole's POV

Pauwi na rin kami at mga 5:00 na ng hapon ngayon. Hinihintay daw kasi kami ng mga kaibigan ni Kyla sa bahay. At eto ha, hindi pa natutulog si Keira at kanina pa tawa ng tawa. An'yare dito sa anak ko? Pero ang cute ah!

College Years: Storms and Rainbows (Completed)Where stories live. Discover now