Chapter 12: Share

15 5 2
                                    

Anya's POV

Uuwi rin pala sina Kuya Ken at Ate Kaye sa City dahil marami pa daw sioa'ng aasikasuhin.

"Kuya naman ehh! Sabihan mo na lang si Mom na bukas na lang." sabi ko kay Kuya.

"Sorry, Baby sis. Hindi talaga pwede eh... promise, babawi na lang kami sa inyo sa susunod. Behave kayo ah? Boys, bantayan niyo ang mga girlfriend niyo. Darren, okay?"

"Ah..hehhe! Oo Kuya Ken." Sabi ni Yabss.

"Sige. Bye!!!" Sabi nila.
---
Kumain kami sa Tonight's Resto..

Tapos na kaming kumain nang...

"Guys, laro tayo'ng truth or dare?" Tanong ni Marielle.

"Sure!" Sagot naming lahat.

"Sige, punta muna tayo sa room natin." Sabi ni Yabss.

Sakto namamg paglabas namin, walang nang naka bukas na bars o restos. Magsa-sara na rin ang Tonight's Resto.

Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan T_T

Hinawakan ni Yabss ang kamay ko at hinatak papunta sa ilalim ng isang Bar.

"Yabss, may payong ka ba?" Tanong ko.

"Wala ehh."

"Malayo pa 'tong Resto na 'to sa Resort diba?" Tanong ko ulet.

"Oo. Sandali, tawagan ko lang sina Kate." Sabi ni Yabss.

"Tsk! Hindi na 'ko makatawag.... Lowbatt na 'ko." Sabi niya.

"Ako rin. Pero, meron akong charger dito, wala nga lang power bank... Yabss, pa'no na 'to???" Tanong ko. Parang gusto ko nang umiyak T__T

"Shh... 'wag kang iiyak Yabss. Ako'ng bahala sa—"

"Ano'ng ginagawa niyo dito? Pasok muna kayo." Sabi nang isang babae.

"Salamat po." Binuksan niya ang ma ilaw.

Wow... parang konti na lang kamukha na netong hotel na 'to ang pinagste-stayan namin..

"Uhm, ate, magkano po ang isang room dito?" Tanong ni Yabss.

"Ah... isang room na lang ehh.. okay lang ba?" Tanong ni Ate.

"Ah.. Yabss, okay lang ba?" Tanong niya sa'kin.

Siyempre, hindi ito ang panahon para pairalin ko ang pagiging OA ko..

"O-Oo. Okay lang." sagot ko.

"Ah sige Miss. Kunin na lang namin. Magkano po ba?" Tanong ni Yabss.

"P 2,000.00 po." Sagot ni Ate.

P2,000???

"Yabss, hati tayo." Sabi ko.

"No, okay lang. Treat ko na 'to." Sabi niya.

"Sure ka ha?" Paninigurado ko sakanya.

"Oo naman." Sabi niya at binayadan na si Ate.

"Eto po ang key. Enjoy your stay." Sabi ni Ate.

College Years: Storms and Rainbows (Completed)Where stories live. Discover now