Chapter 65: Rooftop Party

7 1 0
                                    

Anya's POV

Three days had passed mula no'ng ginawa nami'ng promise at no'ng malaman ko ang dahilan ng pagiging tahimik nila no'ng araw na 'yon.

Flashback: 3 days ago...

Kakauwi lang namin sa dati'ng neighborhood namin. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng mga ngiti nila Mommy at Daddy.

"Hi, Mom! Hi, Dad!" Pagsalubong ko din sakanila.

Maaga ngayon na nakauwi si Dad ah?

"Hello din Princess. Sa'n ka galin?" Tanong ni Dad. Awsst. Si Mommy lang pala ang nasabihan ko. Wala naman kasi kanina si Dad eh.

"Ah, nagkita-kita lang po kami ng mga kaibigan ko sa Starbucks. Nagkuwento-kuwentuhan..." at gumawa ng nakakaloka'ng promise. Hahaha! Pero siyemrpe 'di ko na 'yun sinabi. Sa'min na lang 'yun. Hahaha!

"Ahh... sige, sige.. nga pala, may nagpadala ng sulat na para sa'yo." Saad ni Dad. Awromatiko'ng napataas ang kilay ko.

Sulat? Kanino naman galing? Well then, this is gonna be my first time receiving a letter.

"Ito, Anya.. kaso, wala nama'ng nakalagay kung kanino galing." Sabi ni Mommy at binigay sa'kin.

"Huh? Ah— este... salamat, Mom. Magpapahinga na po muna ako sa itaas." Saad ko.

"Sige, sige.." saad ni Daddy at ngumiti naman si Mommy.

Agad-agad ako'ng pumasok sa kwarto at umupo sa kama.

Kaagad ko na binuksan ang sulat.

Ang papel na ginamit niya ay parang sunog ang sa mga gilid ne'to. O sadyang design lang talaga ng papel? Aish!

Kamusta na Anya Deloviar? Kamusta na kayo ng mga kaibigan niyo? Grabe noh. Hindi pa rin talaga kayo mabuwag-buwag ng mga kaibigan niyo... hmm... ano kaya ang mangyayari 'pag may mawawala sa mga kaibigan niyo? Hahaha! Magsaya muna kayo habang hindi pa siya nakakarating. See you when I see you!

A

See you when I see you? Parang napaka pamilyar ng linyang—

"ANYA! BUMABA KA MUNA DITO. NANDITO ANG MGA KAIBIGAN MO." Sigaw ni Mommy mula sa baba.

Itinago ko ang sulat sa ilalim mg pillow ko. Dinampoy ko ang cellphone ko at bumaba.

~•~•~•~

Kung kanina ay masasaya at tumatawang mga mukha ang nakita ko sa mga kaibigan ko, ngayon naman ay ang kabaliktadan ang nakikita ko.

Hindi naman kami pwede'ng mag usap sa ibaba dahil nando'n si Mommy at Daddy. They'll surely freak out if they'll know about this.

"Nakatanggap rin kayo?" Tanong ko.

Pinakita nila ang nga sulat. Halos pare-parehos lang kami'ng lahat at ang nag iba lang ay ang sulat ni Marielle.

Tsk! Tsk! Tsk! Ano'ng ginawa niyo sa mga kaibigan ko?! Mga walang'ya kayo! Humanda kayo dahil babalik ako. Humanda ka sa'kin Hafflinton. Mawawalan ka rin ng mahal sa buhay. Subukan niyo lang na magsumbong sa mga magulang niyo o sa mga pulis and you'll just found your stupid sweethearts dead! Mag enjoy muna kayo sa ngayon dahil sigurado'ng mapapalitan kaagad 'yon ng kaba. Toodles!

College Years: Storms and Rainbows (Completed)Where stories live. Discover now