Chapter 58: The Decision

9 2 0
                                    

Anya's POV

Kamusta na kaya sina Francine at ang iba nami'ng kaibigan sa Isla Dellovez? Hindi man lang tumawag sina Jade o nag text kung nando'n na sila. Nakalipas na ang dalawang oras, eh.

Hayss... baka naglalakbay pa rin sila papunta do'n.

(Huwaaaaw. Paglalakbay talaga?? Hahaha!)

So 'yun nga.. ngayon, pwede na raw makauwi si Samuel. Binigyan lang siya ng mga gamot... ta's ready to go na rin kami.

"Yabss, sa bahay na lang nami'ng mga babae tayo magste-stay." Sabi ko. Wala naman kasi'ng tao do'n. Ta's yung sa boys.. 'di ko feel mag stay do'n. Mianhe.

"Ahh... sige.. Samuel, masakit pa ba yung tama mo?" Tanong ni Yabss.

"Ah.. okay lang naman... hindi naman gano'n ka sakit.." sagot naman ne'to.

Pumasok ang isang nurse kaya sinabihan namin ito na bibili kami ng wheelchair para kay Samuel. Sa una, ayaw ni Samuel dahil medyo nakaka-abala na raw 'to. Whaaaaat? Kaya sinabihan namin siya na kami naman ang cause kung bakit ka nagkaka-ganito. Tama naman, di ba? Huehuehue!

Ako ang nagtulak habang si Yabss ang nag bitbit mg lahat na mga gamit. Sweet? Medyo. Pa'no ba naman kasi, aala naman ako'ng bitbit ta's tulak tulak ko lang naman si Samuel. Ayaw pa niya ako'ng pabitbit-in! MyGawd!

Nang makarating kami sa parking lot, tinulungan namin ni Yabss si Samuel na pumasok sa sasakyan.

Nasa front seat ako ngayon at nasa driver's seat naman si Yabss. Siyempre naman... alangan si Samuel yung nasa Driver's Seat. Hehehe!

Nang dumaan kami sa harap ng bahay ng mga boys, andito pa rin yung Van ni Ben. Ano'ng sasakyan naman ang ginamit nila? Baka naman, iba'ng sasakyan? Ay JuiceCo! Bakit ba kasi hindi sila nagte-text?

Dahan- dahan ni Yabss na tinulungan na makababa si Samuel at ako naman ay ini-unfold ang wheelchair ne'to para maka upo.

Nasa labas kami ngayon ni Samuel.. at naunang pianpasok ni Yabss ang mga bags namin sa bahay.

Calling Jade...

Whaaaat? Ring lang ng ring... kaya in-end ko na muna. Baka busy pa sila do'n sa ospital. Sakto nama'ng lumabas si Yabss dala-dala ang isang...

Cellphone?

"Yabss, kanino 'yan?" Tanong ko.

"Kung sa wallpaper babasehan... kay Jade 'to." Sagot niya nang makita namin ang wallpaper ne'to na selfie nila'ng dalawa ni Jason sa poolside.

Yung wallpaper kasi ni Jason sa cellphone niya ay ang selfie lamang ni Jade.

Parang... parang kini-kilabutan ako.

"Yabss, tawagan mo nga si Araeanah.."

Calling Araeanah...

Cannot be reached..

"Yabss, cannot be reached daw." Sabi ko.

"Ayys... baka nakalimutan lang. Kaso..." tinulak niya si Samuel papunta sa loob ng bahay kaya sumumod na rin ako.

"HOMAYGAWD!" Wala sa sarili ko'ng sigaw nang makita ang pamamahay namin na magulo. Hindi naman siya mukhang ni-ransacked kaso, magulo as in parang naging resulta ng paglalaro namin ng Mickey-Mickey Mouse dati..

College Years: Storms and Rainbows (Completed)Where stories live. Discover now