Chapter Eleven

Magsimula sa umpisa
                                    

"Isipinin mo na lang na you're just singing alone. I know you can do it!"

"S-Sana nga," I bit my lip, as I stared my reflection from the mirror. Halos mawalan ng kulay ang buong mukha ko.

She just smiled at me before she left. Mabilis ko namang kinuha ang lyric sheet na nasa upuan sa gilid ko at saka nag-simulang mag-practice.

It should be easy, right? Kasi ako naman ang gumawa ng kanta?

My fear started to rise up when I finally heard the ending scene of the section before us. Napalingon ako mula sa pinto nang makita ang pigura ni Vera. She looked at me worriedly.

"Pasensya na talaga, Snow..."

Bumuntong-hininga siya.

"Na-pressure na rin kasi ako," She looked at me with guilt.

Alam ko naman iyon. I still wanted to comfort her and say that it's okay but I knew that I wasn't. This stage fright is consuming me.

Kanina pa ako namamawis kahit malamig. My stomach churned and all that I could think about was to do great so that we could perform our play better.

"Alam ko namang kaya mo..." kinakabahang sambit niya, "Saka may tiwala naman kami sa'yo, Snow. You're the only person who could perform this piece, kasi ikaw naman mismo 'yong nag-compose!"

She fidgeted and played with her fingers nervously when she didn't get a response from me.

"D-Diba?" napakurap ito.

Huminga ako nang malalim bago siya malamyang nginitian.

"Just wish me luck..."

"Good luck!" awtomatikong sambit nito, saka hilaw na natawa.

Napailing lamang ako sa kaibigan, saka ako nito niyakap nang mahigpit.

"Malay mo, diba, baka ikaw na ang matagal na hinahanap na vocalist ng Rhythm..." she whispered before grinning.

"Ang dami mong alam, ano?" I pursed my lips.

Humalakhak lang ito bago kumalas mula sa pagkakayakap sa'kin. Tinawag ito kaagad ni Leighton para sabihin kami na raw ang magpe-perform. I even heard our teacher in Literature calling our section's name.

Mabilis kaming lumabas ni Vera sa backstage saka namin nakita ang iba naming mga kaklase na nagtitipon-tipon. All of them looked very nervous.

Nagsimulang magdasal ng mabilis si Ashley para sa performance namin. After a quick prayer, Vera tried to cheer us all up.

"Kahit anong mangyari, magkamali man kayo o hindi, basta ginawa natin ang best natin para sa play na 'to, okay?"

Tumango naman ang lahat sa'min.

"Sabi mo 'yan, ah? Walang sisihan?" Eyvinder chuckled. Sinamaan naman ito nang tingin ni Vera.

"Tumahimik ka nga d'yan! Ang mas mabuti pa, ituon mo 'yang atensyon mo sa pagiging sad boy mo!"

Natawa kaming lahat. Knowing Eyvinder's character in the play, siya kasi ang napiling kontrabida na nagkagusto sa leading lady, ngunit mamamatay din naman sa huli.

"Tiklop si Boss!" tawa ni Joshua kay Eyvinder.

"Dapat lang 'no!" singhal ni Vera.

"Wala ka pala Boss, e!"

"Lugi! Walang comeback si Eyvinder ngayon!"

"Tumahimik nga kayo mga hunghang," Eyvinder shook his head. "Crush kasi ako n'yan, kaya ako pinapagalitan lagi."

Tears Of Melody (To Love Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon