Chapter Nine

67 3 3
                                    


Summer seemed so problematic these days. hindi ko maiwasang punain iyon nang makita si Summer na halos hindi kami pansinin rito sa music club.

Tutok lamang ito sa mga music sheets na nasa harapan niya. She never dared to meet anyone's eyes.

Fall sat beside me, she noticed the looks that I'm giving Summer.

"Nagkaproblema sa sorority nila kaya ganiyan 'yan."

"Bakit?" I asked softly, not wanting Summer to hear our conversation.

Fall looked at Summer sympathetically.

"Tuluyan na kasing umalis si Euris. She didn't even explained to us why," she answered nonchalantly.

"Euris..." I exclaimed, "Lead vocalist niyo iyon dati sa Rhythm, hindi ba?"

Tumango ito sa'kin.

"Iyon talaga ang bestfriend ni Summer. Pero noong tumuntong kaming senior high ay lumayo na agad ang loob nito sa'min," she explained while looking at Summer, still busy with her notes.

"Hindi na ba siya pumapasok dito?"

Umiling si Fall, "Nag-drop out na siya kahapon. Inaasahan ko na nga 'to, kasi hindi na talaga siya pumapasok sa mga classes niya. Nagulat na nga lang si Summer sa sinabi ng student affairs kanina. Apparently, Euris terminated the Alpha Kapa Psi's membership earlier."

Hindi ko maiwasang mapatingin kay Summer na hindi pa rin umiimik simula kanina. Hindi man halata sa kaniyang mukha pero alam kong nalulungkot ito. She does know how to conceal it. Summer is always reserved of her emotions.

"Hi!" napatingin kami sa kakabukas lang ng pintuan ng music club.

Bumungad doon si Vera dala-dala ang ilang boxes ng churros at milktea.

"Meryenda?" she beamed.

"Favorite ko!" Fall cheered, at agad na kinuha ang inabot ni Vera ng paborito nitong flavor ng churros.

"Paparating na 'yong iba, pinadala ko lang kina Cloud," she smiled sheepishly, ngunit nang malipat ang mga mata kay Summer ay kaagad kami nitong kinuotan ng noo.

"Nako, wala akong masasagot d'yan," si Fall, habang kumakain.

Ngumuso naman si Vera saka agad na tumabi sa'min ni Fall. We were suddenly become unseparable these days. Thanks to Vera and Fall who immediately clicked, 'etong dalawang 'to talaga ang hindi mapaghiwalay.

"Natatakot na nga ako sa normal at tahimik na si Summer..." bulong ni Vera, "Heto pa kaya na tahimik at hindi talaga namamansin? Huwag na lang."

"Matatakot ka talaga! Kawawa nga si Jupiter kakasalo ng mood swings niyan minsan," halakhak ni Fall, ngunit kaagad itong tumahimik nang biglang napatayo si Summer.

"I'll just go to the restroom," she sighed, without looking back. Natahimik kami saglit, ngunit hinayaan na muna namin siya na mapag-isa.

Nagpatuloy sa pag-uusap sina Vera at Fall. Ang palagi nilang tino-topic ay ang mga kahihiyan ni Clauddeus noon. Tawa tuloy kami ng tawa sa mga kwento ni Fall.

Tears Of Melody (To Love Series # 1)Where stories live. Discover now