"Syempre libre mo, e," mahina itong natawa.

Napailing lamang ako sa sinagot nito.

"I'm glad kumalma ka na. Baka kasi ano pa ang magawa mo kanina. You should relax a bit."

Ilang araw na rin kasi siyang masyadong tutok sa practice, saka kakatapos lang ng issue ni Eyvinder sa Arts and Design track. Buti na lang at hindi iyon masyadong pinarusahan. Kaya iritang-irita si Vera ngayong mga araw.

She paused for a moment. Tila malalim ang iniisip nito habang iniinom ang sariling milktea.

"Wait, speaking of relax... wala ka bang naaalala?"

My forehead creased, "Exams na natin next week?"

She immediately rolled her eyes at me.

"Relax nga diba? Come on! Hindi ba ay magp-perform ang Galaxy ngayon sa open field?"

Now that I've realized it, kaya pala hindi nakita o nakasalubong man lang sina Jupiter dahil nga ay magf-final practice sila sa open field mamaya.

That's why Fall didn't ask me a lot about my whereabouts earlier... kaya pala.

"Sumuplit na tayo mamaya!" Vera grinned, "Ayoko rin makita mga tamad nating kaklase. Matagal na rin at noong nakita ko silang nagperform sila noong junior high!"

Kilala na noon pa ang Galaxy mula junior high school dito sa Blakefield University. Saka naikwento rin sa akin ni Vera kung gaano ka hinahangaan ang Galaxy dahil sa lahat sila ay magaling talaga. Sun, Jupiter, Cloud and Orion are not only good at playing instruments, but they actually have good voices.

Sina Orion, Cloud at Jupiter pa lang talaga ang narinig ko na kumanta. They're the only ones that I'm familiar with when they are still practicing at the music room. Si Sun lang ang hindi ko pa naririnig ang boses.

"Bias ko talaga si Orion," Vera tried to surpress her smile, "I like guys who are quiet and the mysterious type!"

Kaagad na pumasok sa isip ko si Sun, ngunit agad ko rin namang iwinaksi iyon.

"Kaya ang swerte mo dahil naging malapit ka sa crush mong si Jupiter!" she nudged me.

A soft chuckle escaped from my lips, "It's just a normal crush. Noon lang naman iyon."

"Pero may chance ka, ha! Kung hindi lang kita kilala nang lubusan, baka mapagkamalan kitang kapatid ni Summer!"

"She's prettier than me, Vera..." I smiled.

"You're pretty too! Parehas lang naman kayo!"

Natawa na lang ako nang makita na ayaw nitong magpatalo.

"Well, kung sabagay, arranged naman sina Jupiter at Summer, doon ka na lang kay Sun..."

Agad akong nabulunan sa sinabi niya. My eyes widened at the mention of his name.

"Intsik, mayaman, kaso suplado at hindi namamansin. Pero bawing-bawi naman sa hitsura!"

Vera laughed.

Tears Of Melody (To Love Series # 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora