KABANATA 7

3 0 0
                                    

Hanggang sa dumating na kami sa bahay walang sino ang nagsalita. "Uhh pasok ka muna" ako na ang nagbasag sa katahimikan. Tumingin siya sa akin pagkatapos sa kanyang relo. Ngumiti siya sa akin.

"Hindi na maybe next time mauuna na ako may pupuntahan pa ako" seryoso niyang sabi.

"Sige"

Hinintay ko lang siyang umalis bago pumasok sa bahay. Binuksan naman agad ni Tatang Manolo ang gate para makalabas na ang kotse ni Castro. Hanggang sa di ko na nakita. Pumasok na ako sa bahay. Naka abang sila Kuya Cj at Kuya Jacint. Tiningnan ko sila ng nagatatanong na tingin at tinaasan ko sila ng kilay.

Wala naman siguro silang sasabihin nakatunganga lang sila sa akin. Kaya lalagpasan ko na sana sila.

"Since when did you two are dating?" Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ko si Kuya Jacint na kunot na kunot ang noo at si Kuya Cj naman ay seryosong nakatingin sakin at naghihintay ng sagot ko.

"Where did you get that gossip Kuya?"

"Sam" pangunguna ni Kuya Cj na ngayon ay nagpipigil sa tawa. Tiningnan naman siya ng masama ni Kuya Jacint kaya balik na naman siya sa seryosong mukha.

"Di kami nag de-date Kuya huwag mong itapon ang sarili mo sakin" chill na sabi ko sakanya.

"And what do you mean by that?" Salubong na kilay ngayon ni Kuya Jacint na nakatingin sa akin.

"I saw you earlier Kuya." Tumaas siya ng kilay na sinasabi na tapos? Kaya pinagpatuloy ko ang sasabihin ko "I saw you earlier glancing on Sam, Kuya" napaiwas siya ng tingin sa sinabi ko. Huli ka balbon.

"Di siya ang tinitigan ko."

"Explain that to yourself Kuya whatever" magsasalita pa sana siya ng pumasok sa usapan si Kuya Cj. Minsan lang to kung magseryoso gaya nalang ngayon.

"Kailan pa kayo nagkakilala ni Trevor?" Seryosong tanong niya. Tumikhim ako bago ko sinagot ang tanong niya.

"Uhmmm last week?" Patanong na sagot ko. Bakit ba big deal talaga kung nagkakilala kami ni Castro anong meron?

"Bat di mo sinabi sa amin na may kasama ka pa lang lalake?"

"Di mo tinanong Kuya. Magbibihis na ako" talikod ko sakanya.

"Kaibigan namin si Castro" pagpapatuloy ni Kuya Cj.

Natigilan ako sa sinabi niya pero pinatuloy ko nalang ang pag akyat sa kwarto ko. Kung ganoon siya ang tinutukoy nila Kuya na tumulong sa kanila sa late registration nila? Pakiramdam ko ang liit lang ng mundo na tinatapakan namin ni Castro. Paano sila naging magbarkada nila Kuya?

Bumaba na ako para kumain. "Kuya paano kayo naging magkaibigan ni Castro?"

"Wow surname basis kayo" sarcastic na sagot ni Kuya Cj

"Wow pakihanap ng pake ko" bara ko din sakanya.

"Wow ang layo ng bara ni kapatid" pag sasabat ni Kuya. Nagtawanan silang dalawa na nakakasira na sa ear drums. Si Kuya Cj nakasalampak na sa sahig tapos pa punas punas pa ng luha niya. Si Kuya Jacint naman hawak hawak ang tiyan niya na parang nauubusan na ng hangin.

"Nagtatanong lang ako bwisit" inis na sigaw ko sakanila.

"Wow curious si kapatid" si Kuya Jacint na tawang tawa pa rin.

"Isang wow pa Kuya lalayasan ko na kayo" seryosong saad ko.

"Magkaibigan na kami simula bata" sagot ni Kuya Cj na nakangiti ngayon. "Kung sakali man ok na sa akin si Trevor pasado na para sayo."

"Baliw ka kuya" I feel violated. Parang binebenta ako ng sarili kong kapatid. Hays kapatid ko ba talaga tong mga to?.

"Sus kinikilig ka lang e"

"Aakyat na ako busog na ako"

"Ang pikon mo kapatid. Seryoso boto kami kay Castro para sayo" sigaw ni Kuya Cj. Rinig ko naman ang halakhak ni Kuya Jacint. Kaya pabagsak akong umakyat papuntang kwarto.

Tinawagan naman ako ni Ciara.

"Hello"

"Kwento na" tiling tili na sigaw ni Ciara. Nilayo ko naman sa tenga ko ang cell phone dahil masisira eardrums ko sakanya.

"Nag try out sila kuya sumama ako pati si Sam."

"Seriously?" Parang sinasabi niya na wag mokong gawing tanga girl. Napabuntong ako ng hininga. Napasalampak ako sa kama at pumikit bago sumagot sakanya.

"Nothing really happened. We ate on a fast food resto. Hinatid lang ganun" pagkukwento ko sakanya. Hindi titigil si Ciara pag hindi niya alam kung anong nangyare.

"Kyaaahhhh kinikilig ako sa inyo" Napa roll eyes ako sa sinabi niya.

"Yeah right. I'm gonna hang up na. When will you arrive here?"

"It's a surprise sissy bye"

"K bye love you. Ingat ka"

"Love you too sissy. You too take care." Pinatay niya na ang tawag kaya nilagay ko nalang ang cell phone ko sa ibabaw ng study table ko. Tumayo ako at pumunta sa terrace. Ang sarap ng simoy ng hangin. Tumingin ako sa mga bituin.

Ang ganda ng mga bituin. Ang pinakagusto ko sa mga bituin ay kahit patay na ang iba sakanila. Patuloy pa rin silang umiilaw kahit wala ng buhay. Pinapakita nila na kahit patay na sila ay ituturo pa rin nila sayo ang tamang daan at  magsisilbing ilaw para sa tinatahak mong daan. They know how to hide their true feelings. That's the reason why I fascinated the star's.

Ibang iba kami ng bituin kung sila nakakaya nilang mag pretend na masaya sila na okay lang sila ako hindi. Hindi ko kaya. Kung iniisip ko pa lang ang mga posibleng mangyari ay nahihirapan na ako. What more kung nasa reyalidad na.

Ayokong mag pretend na ayos lang. Kung kinakailangan ipakita ko kung ano ang totoo. Sasabihin ko ang mga nararamdaman ko. Kung mas itago mo ang nararamdaman mo mas masasaktan ka.
Nung time na sinabi ko kay Gab ang nararamdaman ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko parang nabunutan ako ng napakalaking tinik.

Kaya sa mga sitwasyon na nahihirapan akong harapin iniisip ko ang mga bituin. Kung sila kinaya nila ng mabuhay kahit patay na ako pa kaya na buhay na buhay. Ito ang naging inspirasyon ko na life must go on. Everything's happen for a reason. Lahat ng problema ay nasusulusyonan.

Tumunog ang phone ko. Tunog ito na may mensahe. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang nag text. It's Sam! It's a copy paste message.

Twitter
Itsmeetrevorrr:

    I am fascinated with her beauty.......

May sunod pang text

"Girl 1500 likes 880 comments. Ate finollow ka ni Trevor hihihihi."

Nanlaki ang mata ko sa message ni Sam. Dali dali kong kinuha ang loptop at nag log in sa Twitter. May nagpop up sa notification ko.

Twitter
Itsmeetrevorrr followed you on Twitter.

Finollow back ko nalang siya nakakahiya naman baka sabihin kung sinong maganda.

Nakita ko nga ang tweet niya. Ganun nalang ang gulat ko. Ayoko naman na mag assume na ako ang tinutukoy niya. Wala naman siyang sinabi sa tweet niya sa kung sino ang tinutukoy niya kaya hindi talaga ako mag aassume.

Nag scroll down ako sa comment section sa tweet niya may nag mention pa sa akin na sinasabi na

"siya ang mysterious girl ni Trevor. Not bad maganda naman"

Sam totoo lang medyo makapal ang mukha niya sa paglagay ng ganun sa comment. May nagreply sa comment niya sinasabi na

"Siya nga siguro. Siya lang naman ang finollow ni Trevor na bago lang"

Dumagsa pa ng napakaraming comments at marami ng nag like sa tweet niya at marami ng curious kung sino ang tinutukoy niya. May nag shout pa Kay Trevor at nagtanong kung sino ang tinutukoy niya. Nagreply naman si Trevor ng "ayokong imention siya magagalit yun sakin panigurado :)" ganyan ang reply niya.

Napagod ako sa pagbasa ng comment kaya nakapagdesisyon akong mag log out na sa Twitter at nag log in sa Facebook. Inaccept ko lang si Trevor at nag log out agad di ko na binuksan ang mga mensahe dahil pagod na ako. Pinikit ko na lang ang mata ko at nakatulog na.

InvadedWhere stories live. Discover now