KABANATA 5

1 0 0
                                    

Kinaumagahan nagising ako sa pagtulak sa akin sa kama na .naging dahilan sa pag hulog ko sa kama. Sapo sapo ko ang baywang ko dahil sa sakit na pagkahulog ko. Tiningnan ko ng masama ang dalawang kapatid ko na ngayon ay ngising ngisi na tumitingin sakin. Bahagya pa nilang ginulo ang buhok kong magulo na.

"Try out namin remember" sabi ni Kuya Jacint at umalis na sinundan naman agad ni Kuya Cj.

"Arghhhh" dumiretso nalang ako sa cr at naligo nalang. E kung manonood ako mamaya edi wala akong kasama. Napangisi ako sa naisip ko tatawagan ko si Sam at Ciara para may kasama ako sa pagnood ko ng try out nila Kuya. Ano kayang reaksyon ni Sam pag nalaman niya na andito na si Kuya Jacint? Naririnig ko na talaga anong sasabihin ni Sam sakin.

Pagkabihis ko ay agad ko silang tinawagan agad at sinabi ko sakanila na mag ta-try out na sila kuya. Inis naman si Sam sakin que bakit daw ngayon ko lang sinabi sakanya na andito na daw pala ang kapatid ko. Hagikhik lang ang sagot ko sakanya. Si Ciara naman ay hindi daw siya makakapunta nasa tagaytay paraw siya kasama ang bwisit niyang pinsan sabi niya. Kaya sa huli si Sam lang ang kasama ko sa pag nood ng try out nila Kuya.

Nauna na sila kuya pumunta sa eskwelahan sinabi ko nalang sakanila na susunod nalang kami ni Sam. Inis na inis naman si Kuya Jacint kung bakit daw inimbitahan ko pa si Sam sa pagnood ng try out. Sinabi ko sakanya na kapag di sasama si Sam ay di nalang ako pupunta. Guess who? Kung sinong nanalo siyempre ako.

Nandito na kami sa bleachers ni Sam at hinihintay nalang ang pag start ng basketball. Kapit naman ng kapit itong si Sam sakin.
"Zari ok lang ba talaga OOTD ko ngayon? Tingin mo mapapansin na ako ng kapatid mo?" Tawang tawa naman ako sa natataeng reaksyon niya

"Ewan ko sayo Sam puro ka kalokohan" tawa tawa kong sabi. Sinimangutan niya naman ako at binasa niya ang kanyang labi.

"Bakit ang harsh mo sa future sister in law mo?" Sabay hampas niya sakin. Tumawa lang ako sakanya. Nag start na ang game nalalamangan ang kabilang team ng ilang puntos. Nakita kong sumulyap si Kuya Jacint kay Sam. Di napansin ni Sam na sumulyap si Kuya sakanya. I smell something tae.

Naka tatlong puntos si Kuya Jacint at Kuya Cj kaya isang puntos nalang ang kulang para lamang sila. Nakita ko siniko ng kabilang grupo ang kateam nila Kuya kaya natumba ang kateammates nila Kuya. Sabi ng coach kailangan ng isang miyembro para pumalit sa injured na kamiyembro nila Kuya kung hindi tapos na ang game. Nagulat kami ng may sumulpot

"Ako na ang papalit" ang hilig sumulpot nitong si Castro. Napasimangot nalang ako sa naisip ko. Bigla akong siniko ni Sam at tipong parang kilig na kilig "papa mo Zari" tawa ng tawa pa siya sakin. Napairap ako sa kalokohan niya "tseh" pagtataray ko sakanya.

"Uuyyyy may fafa na siya" sinisindot sindot pa ang tagiliran ko. Kaya bahagya akong napausog sa kabilang upuan dahil sa kiliti. May humawak sa baywang ko kaya agad akong napatingin kung sino ang humahawak sa akin. Si Castro! Tumikhim ako at bahagyang lumayo sakanya.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya na sa seryosong tinig.
Ngiting ngiti pa siya sa akin.

"Ahh a-ano iiwanan ko lang muna sayo itong bag ko" sabi niya sabay lagay sa binti ko ang bag niya. Tumakbo na siya pabalik sa court na hanggang ngayon ay ngiting ngiti sa court. Tulala pa rin ako sa nangyari di pa na proseso sa isipan ko.

"Ayy si fafa dumadamoves ineng" halakhak na tawa ni Sam na humahawak pa sa tiyan niya. Umiiyak na siya sa kakatawa niya. "Ibang klase si fafa T. Ano kinilig kaba Zari?" Tawa pa rin siya ng tawa. Hinagilap ko si Kuya Jacint kasama niya si Castro. Nakatingin si Kuya Jacint kay Sam. Ano bang meron sa dalawang ito? Pero kung titingin si Sam sakanya parang hindi niya tinitingnan si Sam.

"Nakatingin sayo si Kuya Jacint, Sam" napatigil siya katatawa at napatingin sa gawi kung nasaan si Kuya Jacint. Napasimangot siya sa sinabi ko.

"Hindi naman e! Pinapaasa mo ako Zarina" parang bipolar din itong si Sam pag dating kay Kuya tatawa mamaya lulungkot mamaya tutulala balik na naman sa tatawa. Parang cycle lang.

"Nakatingin siya sayo kanina Sam" ngumiti siya ng malungkot sa akin.

"Bakit naman niya ako titigan? Ni pansinin nga lang ako ni isang beses wala e. Aasa pa ba ako?" Dinaan niya lang sa tawa ang hinanakit niya. Magulo. Magulo silang masyadong dalawa ayokong makisali. Baka isa sakanila ang masasaktan.

"Seryoso ka masyado Sam kalma lang" nagbiruan nalang ulit kami para iwasan ang hinanakit niya sa Kuya ko sabi niya. Sinindot ako ni Sam. Lumingon ako sakanya ng nagtataka

"Bakit?"

"Si fafa T nakatingin sayo" hagikhik na sabi niya sabay takip ng kanyang bibig na kinikilig. Napatingin naman ako kay Castro. Anong problema nito. Kinindatan niya na naman ako bago ni ishinoot ang bola. Hiyawan at tilian na naman ang nangyari dahil sa puntos ni Castro pati nila Kuya.

"Go Mayor brothers"

"Trevor anakan mo ako" napasimangot ako sa narinig ko ang landi ng kababaihan ngayon. Sinindot na naman ako ni Sam

"Selos ka Zari?" Tukso ni Sam sakin. Inirapan ko na naman siya. Naging habbit ko na ang pagirap sakanya.

"Jacint buntis ako ikaw ang ama" si Sam naman ngayon ang napasimangot sa narinig. Narinig ko pa ang sinabi niyang "bwisit" daw. Kaya ako na naman ang nangiinis sakanya.

Natapos na ang game at pasok na si Kuya Jacint at Kuya Cj sa team. Bakit naman hindi? Ang galing ng mga kapatid ko. Sumenyas sakin sila kuya na pupunta muna silang cr para magbihis. Nakita kong bahagyang kumunot ang noo ni Castro sa nakita niyang pagsenyas nila kuya sakin. Sumunod naman si Sam kay Kuya kaya ako nalang ang naiwan sa bleachers.

Napatingin ako sa binti ko dahil nandito pa rin ang bag ni Castro. Lumapit naman si Castro sakin para kunin sana ang bag niya pero bahagya kong iniwas ang bag niya sakanya. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko. Ewan ko kung ano ang sumapi sakin at binuksan ko ang bag niya para kunin ang towel at tubig niya. Binigyan ko siya ng tubig. "O inumin mo" takang taka siya sa akin.

"Upo ka dito patalikod sakin" kunot noo pa rin siya habang umiinom ng tubig pero sumunod naman siya at umupo siya sa tabi ko na nakatalikod.

"Basang basa ang likod mo ng pawis" pinunasan ko ang pawis niya sa likod. Pero kahit pawisan na mabango pa rin to walang kupas. "Palitan mo T-shirt mo" sabay abot ko sakanya. Kinuha niya lang sa kamay ko ang T-shirt niya at ngiting ngiti. Harap harapan niyang hinubad ang pawisan niyang T-shirt sakin kaya umiwas ako ng tingin sakanya.

Nang pakiramdam kong nakabihis na siya kinuha ko sa bag ko ang pulbo ko at nilagay ko kamay ko at ako mismo ang naglagay sa likod niya ng pulbo. Napasinghap siya sa ginawa ko. Pero wala akong pakialam ang buong atensyon ko ay sa paglagay ng pulbo sa likod niya. Tinapik ko siya sa likod kaya humarap siya sakin.

Di pa rin matanggal ang ngiti niya sa labi niya. "Thank you for taking care of me" ngumiti ako sakanya at bahagya ko ring pinisil ang pisngi niya na katulad ng ginawa niya sakin.  "Cute" panggaya ko sakanya. Bahagyang pumula ang tenga niya. Tumawa ako sa reaksyon niya. Nagulat ako sa sunod niya ako.

Hinalikan niya ako! Hinalikan niya ako sa pisngi!

Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Siya naman ang pumisil sa pisngi ko "Cute mo talaga Ms Mayor. Di mo lang alam kung paano ako pumipigil" sabay pakita niya sakin ng perpekto niyang ngiti.

What does he mean by that?

InvadedWhere stories live. Discover now