KABANATA 4

2 0 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari sa court umuwi agad kami dahil sa pagod at init ng araw. Siguro mainit ang araw ngayon dahil sa summer na. Hinahanap ko si Lola pero ang sabi ni Tatang Manolo ay umalis daw si Lola magbabakasyon daw muna siya kasama si Lola Presie. Kaya ang resulta ako lang ang nandito sa mansion. Umuwi na kasi si Sam pansamantala lang naman yun dito.

Di pa rin matanggal sa isipan ko ang nangyari sa court nung biyernes. Anak pala ni president si Trevor. Naginit na naman ang pisngi ko sa naisip ko nakakahiya. Siya pa ang nagtali sa sintas ng sapatos ko!

Ano kayang mukha ang ipapakita ko sakanya kung baka sakaling nagkita ulit kami sa eskwelahan. Hayy ano ba itong naiisip ko. Lumabas nalang ako sa bahay at nagpapahangin sa labas

"Nariyan na daw ang may ari ng lupa sa kanilang lote"

"Talaga? Balita ko mayaman raw?"

"Naku nakita ko ang anak ang gwapo! Ipapasunggab ko yun sa anak ko" kaya humagikgik silang tatlo

Napailing nalang ako sa narinig ko. Tama ba yun parang binenta niya nag sarili niyang anak para makaangat lang sa buhay? Sana naisip man lang nila na hindi ganun ang buhay walang simple kailangan mong paghirapan ang isang bagay para makuha mo. Naniniwala naman kasi ako na hindi lahat ng bagay at steady. Pwedeng ngayon ay nasa taas ka pero baka bukas nasa ibabaw ka nalang.

Pero curious din ako kung sino ang may ari ng kabilang lote. Malaki yun mas malaki pa sa lote ni Lola, napakalawak at maroon ang paborito kong lugar. Ang puno ng akasya. Kung ganoon hindi na ako makakapunta sa akasya.

"Aling Martha sino raw ang may ari ng kabilang lote?" Ngiting tanong ko sakanya.

"Ayy ija mga taga Castro raw"

"Ahh ganun ho ba? Salamat ho" ngumiti naman sila at nagpaalam na silang aalis na sila dahil pupunta pa sila sa ciudad para magbenta ng mga gulay.

Ang pamilya Castro raw naikwento sa akin ni Lola ay malaking asset raw sa kanyang farm. Tumutulong raw itong magbigay ng mga tanim at sakanila ang mga machine na ginagamit para sa pag ani ng mga gulay. Pero wala pa akong ideya kung sino ang mga Castro.

Pumasok nalang ako sa bahay at kumaha ng biscuit at juice at dumiretso sa terrace. Dito makikita ng buo at napakalawak na lote ni Lola. Nakikita ko banda rito ang Akasya sa kabilang Lote pero hindi gaano kasilaw talaga.

Napaisip ako pupunta nalang siguro ako sa talon at maliligo di ko na rin tatawagan ang dalawang mag pinsan na yun dahil alam kong busy yun kaya ang ending ako nalang mag isa ang maliligo. Ang sarap sigurong maligo sa talon ngayon dahil sa init ng araw.

Kumuha muna ako ng tuwalya at kakailanganing damit bago dumiretso sa talon. Medyo malayo layo na rin kung lalakarin kung hindi ka sanay rito tiyak na mawawala ka talaga. Nakikita ko na rito ang talon dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko tumakbo agad ako papunta roon at isa isang hinubad ang saplot. Tiyak naman akong walang makikita sa akin rito dahil walang trabaho ang mga farmers ngayon dahil Sunday.

Pagkatapos kung hubarin ang aking saplot tanging black panty at bra nalang ang natitira sa akin. Agad naman akong tumalon sa talon. Ang sarap maligo. Nakakatanggal ng stress at problema sa buhay. Naglalangoy langoy ako papunta doon sa maliit na talon at bumalik ulit doon sa kabila para aahon at uupo sa bato.

"Bakit wala kang saplot?" Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko sa gulat dahil sa matipunong boses na narinig ko. Maririnig mo sa boses na seryoso siya sa pagtatanong.

Dun pa na proseso sa utak ko "ahhhhh" gulat na sigaw ko.

Napahawak siya sa sentido niya. "Bakit wala kang suot? Paano kung may nakakita sayo sa ganyang ayos mo?"

InvadedWhere stories live. Discover now