Chapter 4 - Sanctions?

74 4 0
                                    


Isiah

     Alas-kwatro palang ng umaga pero nagaalmusal na ako agad. Mas maaga ng dalawang oras sa nakagawian ko.

     Hindi ko rin naman nakakain ang ginawa kong cereal, iniikot-ikot ko lang ang kutsara dito.

     Hindi rin ako nakatulog ng maayos. Gusto na ng katawan kong magpahinga pero gumagana parin ang utak ko.

     Kinuha ko ang celfone kong nakalapag sa mesa katabi ng mangkok na pinaglalagyan ng cereal. May hinanap akong numero at tinawagan ko ito.

     Sa unang tawag ko ay walang sumasagot. Baka tulog pa pero sinubukan ko ulit. Ibaba ko na sana ang tawag ng marinig kong may nagsalita sa kabilang linya.

     "Ano na naman? Ang aga-aga!" bakas ang irita sa boses niya at bagong gising pa.

     "Pasensya na. Baka naman pwede mo akong daanan dito mamaya?"

     "Ano? Ginising mo ako dahil dyan? Diba susunduin ka naman ni Kurt?"

     "Ayun na nga. May nangyari kaya kung pwede lang naman sana Bjorn. Pero kung may gagawin ka, ok lang naman." sabi ko sa kanya. Baka nga naman nakakaabala pa ako.

     "Oo na. Sige na. Wala rin naman akong kasabay. Lakad lang tayo bakla. Walang pa-kotse si mayor." napangiti naman ako sa sinabi niya sakin.

     "Salamat talaga. Agahan mo na ng makapagalmusal ka dito." bilang pasasalamat ko sa kaibigan ko.

     "Sure. Babalik na ako sa beauty rest ko bakla." at narinig ko ng tinapos na niya ang tawag.

      Tumayo na ako sa upuan at nilisan ang mesa habang hawak-hawak ko parin ang celfone ko.

     Pumunta ako sa sala at naupo sa sofa namin. Humiga ako doon at pumikit ako.

     "-nak. Gising na." naramdaman kong may tumatapik sa braso ko.

     Binuksan ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang sikat ng araw kaya agad akong ulit na napapikit. Nakatulog pala ako.

     "Maligo ka na ng makakain ka na." binuksan ko ulit ang mga mata ko at nakita ko naman ang mukha ni mama.

     Ngumiti ako sa kanya, "Goodmorning, 'ma." napangiti siya sa pagbati ko. "Goodmorning rin. Oh siya, umakyat ka na ng makaligo ka na."

     Sinunod ko naman ang sinabi ni mama at umakyat na ako sa kwarto ko.

     Pagkatapos kong maligo. Pababa pa lang ako ng hagdanan pero naririnig ko na ang boses ni Bjorn at ang mga tawa ni mama.

BessyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin