I scoffed "Hindi mo alam baka may una palang iiyak. Baka hindi ako. Hindi sila Loriel. Hindi natin alam baka sa future meron-"

"I'd rather focus on the present" balik nito sa kanyang hawak na libro.

"Ok, sabi ko nga" binaling ko yung atensyon ko sa hawak kong phone.

It's been months, huh. Ilang buwan ko ng na pansin. Masyadong sensitibo si Quartz when talking about future.

When were 8, he likes talking about future endeavors. Hindi ko alam yung rason bakit siya ganyan ngayon. Hindi rin naman ata dahil kila tita. They're supportive on him. Siguro lilipas din ito. May panahon talaga na may ganitong pangyayari na darating sa atin.

May tiwala ako kay Quartz. Napakunot yung noo ko ng mag salita si Quartz. "Gusto mo lipat tayo?"

"Oh bakit naman? Akala ko ba gusto mo dito? Huwag na tayo lumipat. Ramdam ko na rin na laging matatawag yung naka upo sa bandang likod" honestly, naka move on na ako. I'm satisfied of where we are sitting.

"Ayaw mo tumabi tayo kila Celestien?" hindi ko mapigilan yung sarkastikong tawa.

"Bakit? Sa tingin mo ba maitapos natin itong semester na ito ng payapa? Sigurado akong suki tayo sa magiging prof natin kapag nag tabi pa tayo sa kanila. Kasi alam mo dami nilang kwento. Syempre mabait naman tayo kaya napapakwento rin tayo. Yun nga lang suki talaga tayo ng prof kung ganun. Diba gusto mo ma eh ahon yung sem ng payapa. Pero pwede rin naman"

"Ang dami mong sinabi tapos sa huli um-oo pala. Hindi ko alam mahilig ka na pala mag explain."

"Alam mo Quartz ang sama talaga ng ugali mo? Pero ayun nga, pwede naman pero it's given that we'll be having a messy semester." hindi naman ako manhid. I can sense na he's really looking forward spending the entire sem with Loriel and the twins. Sino ba kasing hindi. We're good old friends then he suddenly flew to another country.

"That's one of the best experience. The things you didn't expect. Yung darating, yung nangyari na. Then you reminisce it. Anyway let's just ask them later" binalik na niya ang kanyang atensyon sa libro.

Fuck. I don't know what to do. All I have is my guts. It's telling me that every storm has a settling day. And I think this belongs to one.

Hindi naman siguro magiging gago si Quartz diba?

Henlien

"Kaya nga nakakainis diba"

"Shhh, hinay hinay alam mo naman na laging andiyan yung kambal nun at yung bestfriend nila"

"Rinig ko nga na magkaibigan daw sila Quartz"

"Matagal na, saang lupalop ka ba? Sobrang late mo naman. Nung elementary pa mga yan"

"Aba malay ko? Last year lang ako dito tanga"

"Hoy, bilisan niyo"

Naka bukas parin yung gripo at kanina ko pa hinuhugasan yung kamay ko. I don't want to be nosy but when I heard Celestien's name, I decided to listen. Eavesdropping is bad pero they talk as if sila lang yung tao. 

Dahan dahan kong sinara yung gripo at hinablot yung toilet paper. Never thought I would be feeling this. Maybe because I experienced the same treatment pero hindi kami magkaparehas ni Celestien. She's way better.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OrologioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon