Special: Greg & Camille

Mulai dari awal
                                    

Nakita ko siyang mapayapang natutulog sa kama niya. Masyadong seryoso ang mukha niya kapag natutulog. Parang galit nga eh. Napansin ko ang mga pasa sa gilid ng labi at sa kanang mata niya na papawala na.

Stupid Guy. Susugod sugod pa kasi sa bahay, na galusan tuloy ang gwapo niyang mukha.

Hindi ko alam kung bakit parang sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. Parang ngayon lang ako napanatag. Seeing his face really does brings out the calmness in me. I could get use to this handsome face for the rest of my life.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at dinampian ng magaang halik ang kanyang labi.

Halos mapatalon ako sa gulat nang gumalaw siya at kumunot ang noo. Shit! Gigising siya! Naestatwa nalang ako doon habang nakatitig sa kanya. Unti unti namang dumilat ang mata niya, nagtaka nga ako kasi hindi man lang siya nagulat. Blangko lang ang ekspresyon niya.

"You can't just barge into my house and kiss me."Paos ang boses niya habang titig na titig sa akin.

May biglang sumagi sa utak ko nang sabihin niya iyon. Iyon din ang sinabi niya sakin nung gabing pinuntahan ko siya at may nangyari samin.

"Isn't it funny? That's exactly what you told me in this room on our first night." Ngiti ko sa kanya.

Nag iwas siya ng tingin sa akin. Hinawakan niya ang noo niya at pumikit.

"What are you doing here, Camille?" Sabi niya ng nakapikit.

"I just want to talk to you." Lumayo ako ng kaunti sa kanya at yumuko.

Parang bigla akong nahiya. Bigla nalang ako sumugod dito sa kanya after ng nangyari weeks ago.

"About what? What, you need me for the night?" Rinig ko ang panunuya sa boses niya.

Galit nga siguro talaga siya.

Malamang, Camille! Sino ba namang hindi magagalit sa ginawa mo? Ipag tabuyan mo ba naman iyong tao at i deny deny sa mukha niya ang feelings mo.

"Can we talk? Please." Hinaplos ko ang braso niya at automatic namab niyang sinundan ng paningin iyon.

Feeling ko talaga napahiya nanaman ako kaya tinanggal ko nalang. Bumuntong hininga lang naman siya at bumangon na. Ang cute niya nga dahil gulo gulo ang buhok niya.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

Napa isip ako dahil kaninang umaga pa pala ang huli kong kain. Ngayong nag banggit na siya ng tungkol sa pagkain ay parang kumalam ang sikmura ko. Gutom na gutom na siguro ang baby namin.

Dahan dahan akong umiling ng di siya tinitingnan.

"Wait here." Bakit ba ang sungit sungit niya sa akin?

Napanguso nalang ako habang pinipigilan ang pag iyak. Mukhang ayaw na din sakin ni Greg? Ang sama ko kasi.

Ilang minuto siyang nawala at pag balik niya ay may dala na siyang tray ng pagkain. Hindi ko alam kung ano ang laman noon pero kumalam kaagad ang sikmura ko nang maamoy ko ang mabangong ulam doon. Nilapag niya ang tray sa harap ko.

"Eat. And then we'll talk." Seryoso pa ding utas niya.

Kinuha ko nalang agad ang kutsarang inabot niya at nagsimulang kainin ang pagkain na adobo pala at kanin. Mayroon ding fresh fruits sa gilid at mango juice na inumin. Wala pa atang fifteen minutes ay naubos ko na ang pagkain. Tinakpan ko agad ang bibig ko nang hindi sinasadya akong mapadighay ng malakas.

Nakasimangot pa rin si Greg pero nahuli ko pa din ang tipid niyang pag ngiti dahol sa dighay ko.

Umupo siya sa gilid ng kama, medyo malayo sa akin. Bakit pa lagi nalang parang napapaso sakin itong lalaking ito? Parang ayaw niyang nadidikit sa akin.

"Talk." Ang sungit talaga!

"I don't know where to start...." Nakayuko lang ako dahil nahihiya ako sa kanya.

"Why did you push me away? Let's start there." Humalukipkip siya at mataman akong tinitigan.

"I'm sorry. I thought I was doing the right thing." Mahina kong sagot.

"Right thing? We both know who your baby's father is. Come on, Camille. Stop lying to yourself."

"Hindi naman ah! Kaya nga ako nandito eh. To embrace the truth. Hayaan mo muna kasi akong magpaliwanag." Tiningnan ko siya ng masama.

Kailangan ba talaga maging harsh siya sa akin?

"Okay. Go ahead." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi ko alam kung pano ako makakalusot. I was afraid. Whether I admit it or not, I also cheated on him. Kaya wala na din akong pinag kaiba sa kanya. It made me feel na, wala akong karapatang magalit sa kanya. But I can't, you know? I was so mad at him." I explained.

"So? What are you doing here? Hindi ba maayos na ang relasyon niyo? Nasapak pa nga ako ng dalawang beses eh." Tinuro niya ang mata niyang medyo nangingitim pa.

"Sorry."

"It's okay. If you're here for closure. Okay. But that bastard should know that I am the father of that baby. Hindi ako papayag na mawalan ng karapatan sa kanya." Pinal ang tono ng boses niya. Ang panga ay nag iigting ngunit parang ayaw niyang ipahalata sa akin iyon dahil nag iwas siya ng tingin.

"Of course, Greg. Kaya nga ako nandito diba? Para ayusin iyong sa atin." I said.

"Atin? Bakit? May tayo ba?" Napalunok ako sa tanong niya.

"W-wala. Pero magkakaron na kasi magkaka baby na nga tayo eh." Parang batang sagot ko.

Ewan ko. Sinasadya na ata ni Greg na i-humiliate ako eh.

"May sasabihin ako. Pero okay lang kung ayaw mo na madinig."

"Ano?"

"Can we try? For the baby?" I asked.

"How can we try? You're already married. Mag wo work lang ito kung mag fa file ka ng annulment." Inirapan niya ako.

Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"There's no need." Ngumiti ako ng malawak sa kanya.

"What do you mean?" Kinunutan naman niya ako ng noo.

"I'm not married."

And I explained every single detail to him. That was the start of another chapter of our lives. Iyong kabanatang puno ng saya at pagmamahal. I am so happy to share my life with Greg. I promised him that we'll try. Hindi ko man masabi sa kanya iyong mismong tatlong salitang iyon, siguro naman magegets niya rin sa tamang panahon?

Tama nga akong arte arte niya lang iyong pagsusungit niya. After all, hindi niya naman ako natitiis. Siya lang ang lalaking nag tyaga sakin ng ganito eh.

Now I'm happy and free to admit how wonderful my baby daddy is. Sana ay mag tuloy tuloy na nga ang naudlot kong love story. I made sure I won't make the same mistakes that I did in the past. It almost felt like a new life, a new beginning. And I'm happy to share that with Greg.

The Second WomanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang