"Hija! Ikaw na ba yan?"

Anito sa akin at niyakap ako at hinaplos ang aking mukha.

"Magandang araw,tita."

"Naku. Ang laki mo na! Noon ako pa nagbabantay sayo. Teka lang,pasok muna. Gutom kaba? May hinanda akong pagkain."

Ngumiti ako sa kanya dahil welcome na welcome ako dito sa bahay niya. Kahit sa loob ay fresh ang hangin.

Ang bahay na ito pala ay nasa tuktok ng burol kaya kita ko kanina ang nagliliitang kabayanan sa ibaba kung saan ako galing kanina.

Sa loob ay may tatlong katulong akong nakita na naglilinis at bumati ng pumasok kami. Agad namang pinasok ng mga security ang aking bagahe.

"Upo hija! Hay nako. Eto' lang naluto ko kasi galing akong hacienda at nag tipon tipon dahil naghahanap ako ng dagdag na haciendero."

Ngumiti ako ng sandokan ako nito ng kanin at nilagang baboy. May nilagay din syang saging sa aking pinggan.

"Walang anuman tita ako nga dapat ang mahiya kasi storbo ako sa trabaho mo."

Humalakhak ito at umupo sa silya katapat ko.

"Ano kaba. Ang tagal ko ng nag iisa dito no kaya kailangan ko rin ng kasama. Ang boring kaya dito. Boring din kasi walang lovelife."

Napanganga ako sa mangha dahil madaldal pala siya at masiyahin.

"Salamat talaga ho."

"Okay lang yan. Pabor sa akin na nandito ka. Balita ko buntis ka daw, tayming dahil marami kaming ani na prutas."

"Talaga ho? Puwede ho akong tumulong tita. Hindi naman po siguro mahirap."

"Pwedeng pwede hija.Basta yung mga magaan ang pitasin mo. Kung gusto mong magpatulong may mga haciendero at haciendera tayo diyan."

"Nagtatrabaho ho sila sainyo?" tanong ko.

"Oo at may libre silang tinutuluyan diyan sa likod ng mga manggahan ay kanilang tirahan na pinatayo ko. Napamahal na kasi sila sa akin."

"Ang bait niyo naman tita."

Hindi pa akong naiisang araw dito ay nag eenjoy na ako. Pagkatapos naming kumain ay niyagak niya ako sa aking magiging kwarto.

"Dito ang kwarto mo. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako ha? Wa'g kang mahiya." sabi ni tita Magda kaya ko siya niyakap. Natuod ito. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit pero parang nasabik ako sa kalinga ng isang ina.

"Salamat ho talaga tita.Hindi ko alam ang gagawin kung wala kayo ni papa." naluluha kong sambit. Hinagod nito ang aking likod.

"Tahan na. Noon ko pa sinasabi sa ama mo dito ka muna sa akin pero ayaw nito dahil mas gusto mo raw sa Manila."

Hindi ako nakasalita dahil sa iyak.

"Oh sige na. Magpahinga kna para mamayang hapon ay makapasyal ka sa hacienda! Maraming bulaklak doon."

Naexcite ako sa sinabi niya dahil busog naman ako at nakaramdam na ng antok.
Inayos ko ang aking mga damit at nilagay sa aparador. Nag shower din ako at nagbihis.

Huni ng ibon na nagsasabayan at mabining hampas ng hangin ang aking naririnig. Sobrang tahimik dito at iyon lang ang naririnig ko. Meron ding ingay ng truck at mga tao na dumaraan.

Bigla akong nalungkot at hinaplos ang tyan ko.

"Kaya natin to baby." sambit ko dito. Napapikit ako ng maalala ko na naman si Clinton at sabik na sabik akong maamoy siyang muli.

May parte sa akin na lumambot para sa kanya. May parte rin sa akin na nagmamatigas. Pero alam na alam ko kung gaano ko sya ka mahal pero nalalamangan ng pride.

Lumipas ang isang linggo na nasanay na ako dito. Maaga silang gumigising. Minsan tumutulong ako sa kanila mag pitas ng bulaklak na binebenta.

Araw araw rin akong nakakatikim ng preskang prutas. Alagang alaga ako ni tita Magda. Sabi nga nya namumula na ang pisngi ko at nagkakalaman na ang katawan ko.

Ipapa check up niya daw ako sa syudad kapag tapos na syang maghanap ng dagdag na haciendero dito dahil nagkukulangan na dahil ang dating taohan niya dito ay matanda na pala.

Hapon na at bagong gising ako. Mugto pa ang mata ko dahil sa kakaiyak at tinignan ang picture ni Clinton at pag iimagine ng amoy niya.

Nagbihis ako na kulay mustard na romper at hinahayaang lumugay ang mahaba kong buhok. Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. Pinkish ang pisngi ko at kumintab ang aking balat mukhang hiyang ako dito.

Bumaba ako at tulad ng nakagawian ay kumuha ako ng basket at nilakad papuntang hacienda. Hindi naman kasi kalayuan ito. Nasa harap lang ng bahay ni tita.

Sa malayo palang ay nakita ko na ang mga dalagang haciendera na namamahinga sa lilim ng punong mangga. Kumakain ito ng mga prutas at may tinitingnan. Nagtutulakan pa ang mga ito at namumulang impit na tumitili.

Bale lima sila. Minsan ko na silang nakikita dito pero hindi ko sila nakakausap.Lumapit ako sa kanila bitbit ang basket na may konting bulaklak na rosas na.

"Grabe ang guwapo ng bagong haciendero natin. Dinig ko manila boy daw yan."

"Ang abs oh! Grabe ang tigas niyan! May pawis pa!"

"Pero ang sungit! Inisnob ako kanina".

"E kasi ako ang type!"

"Ambisyosa nito."

Nangunot ang noo ko dahil ngayon lang sila nagka interes sa bagohang haciendero.
Lumapit ako at nilapag ang basket sa mesa.

"Anong meron?"

Agad silang nagsiayos at tumikhim.

"W-Wala ho s-senyora.May bago lang kasing haciendero." nauutal na sabi ng isa.

I poutednand nodded.

"Nasaan?" sige nga tignan ko kung guwapo. Grabe sila makakilig e.

"Ayon po senyora." sabi ng isa sakin kaya nilingon ko ang likod ko.

Dahan dahan akong lumingon.

Lalaking pawis na pawis na nag kakarga ng mga basket na mangga sa truck. Bawat karga niya sa basket na malaki ay nag iigtingan ang muscles niya at gumagalaw ang abs. Naiinitan ito ng araw at tumutulo ang pawis nito mula sa buhok papuntang leeg nito.

Pinunasan nito ang pawis sa noo sa pamamagitan ng braso at nahinto at tumingin sa akin na kanina pa nakanganga at hindi makapaniwala.

Those serious face.Those eight pack of abs na minsan ko nang nahaplos at ang suplado niyang mukha.

Anong ginagawa niya dito at bakit siya nag apply na haciendero ng tita ko?!

"Clinton . . ." mahinang sambit ko sa kawalan habang nakatitig sa lalaking ama ng anak ko.

Napatitig ako mula sa guwapong mukha niya papunta sa adams apple niya at pababa sa malabatong abs nito at makisig na balikat. Napakagat labi nalang ako.

Tiningnan niya ako ng seryoso at hindi ko masabi ang hiwatig ng mga mata niya.

"Oh di'ba senyora? Napakaguwapo di'ba? Crush na crush ko yan!"

"Oi. Anong ikaw? Ako ang unang nakikita sa kanya no!"

"Ambisyosa niyo ako ang type niyan."

Napatigil sila sa marahas na paglingon ko sa kanila at pinukol ng masamang tingin.

Tinaas ako ang isang kilay sa kanila.
" He's my boyfriend! Back to work! Bago ko kayo isisante!" Sigaw ko sa kanila agad naman silang nagsitayuan at umalis sa paningin ko.

Narinig ko pa ang halakhak ni Clinton hindi kalayuan.

Just LustWhere stories live. Discover now