“Good night princess. I’ll see you when I see you,” sabi niya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong ninakawan ng halik sa labi.
“g-g-Good n-night din,’” nauutal-utal kong sabi.
Hinintay niyang makapasok ako sa bahay bago siya nag-drive palayo.
Hay. What a night.
Dumating na ako sa may sala at nakita kong naghihintay sakin ang mga kaibigan ko na may mga ngiting nakakapanloko sa mukha. Tumataas-baba pa yung mga kilay nila eh.
“What?” I said coldly.
“San ka nanggaling ha?” - Lauren
“Alam mo ba kung anong oras na?” – Zoey
“Sinong kasama mo ha?” – Keira
“Aba Denise! Kabata-bata mo pa lang lumalandi ka na ha? Hala sige! Umakyat ka na sa kwarto mo. Grounded kang haliparot ka!” – Kiara.
I glared at them.
“Tsk.” – I clicked my tongue.
“Eto namang si Denise di na mabiro. Joke lang naman yun eh,” sabi ni Kiara.
“Seriously though, sino yung hunk na naghatid sayo?” tanong ni Zoey.
“b-b-Basta. Jan na nga kayo. Aakyat na ako,” pautal-utal kong sinabi at umakyat na ako sa kwarto ko.
I did my evening rituals. Naligo ako, nagbihis, nagpatuyo ng buhok, at humiga na.
I was tossing and turning. Di ako makatulog. Iniisip ko kasi yung mga nangyari ngayong araw na to. Napangiti naman ako at napahawak sa labi ko. Nararamdaman ko parin yung sensation na naramadaman ko dun sa halik ni Seth kanina. Sira-ulong gago yun, ninakawan ako ng halik. Agawin ko kaya ulit sa kanya yung halik na ninakaw niya sakin pag nagkita na kami?
Halaaaa. Hindi pwede. Hindi ako pwedeng ma-attach sa kanya. Ako lang ang masasaktan sa huli. Pero nasabi ko na sa kanya na payag na akong mag-stay lang siya sa tabi ko. Hindi ko na mababawi yun. Should I just act like a heartless bitch around him then? Para ma-turn off siya sakin. Kaso ayoko naman. Di naman siya mukhang masama eh. Pero pano kung maamo lang pala yung mukha niya at demonyo naman pala talaga siya? Hay di ko na alam. Kailangan ko nang itulog to.
*DING*
Biglang nag-light up yung phone ko. Tinignan ko naman kung ano yun. May message.
FROM: SETH LOVES YOU
Good night my princess. Dream of me tonight?
P.S. sinave ko pala number ko sa phone mo at kinuha ko na rin number mo habang natutulog ka kanina. I love you Nise.
+++
Napangiti naman ako. Good night, my sneaky, big bad gangster.
+++****++++****++++****+++++*****++++
A/N: sorry guys kung ang tagal kong di nagparamdam. Pero eto na. bumabawi na ako. Don’t give up on me please :( andito na ulit ako. So whadaya think about this chapter? Feedbacks please. Y’know the drill:
VOTE
COMMENT
ADD-TO-RL
RECOMMEND
AND DON’T EVER GIVE UP ON ME. :D
~WENDS <3
YOU ARE READING
The Only Exception
Teen FictionGangster Royals Series Book 2 Fame, fortune, beauty, intelligence, and a hunk boyfriend. May iba ka pa bang mahihiling? Syempre, di lang ang mga yan ang makakapagpasaya sa mga tao. Not everyone is blessed with such things. Behind all the luxuries...
Song 18: I Won't Give Up
Start from the beginning
