chapter two

5.2K 147 8
                                    

Brett

"Hatid ulit kita mamaya." Sabi nito saka nagpaalam na. Inirapan ko lang kahit hindi naman nya nakikita.

Mula ng magkakilala na kami, hindi na nya ako nilubayan. Nakakainis yung kakulitan nya. Lahat ng gusto nya nasusunod. Kahit ayaw kong pahatid, sinabayan parin nya ako kaya minsan napilitan akong sumakay sa kotse nya.

Mayaman naman sya. Ewan ko ba kung bakit sa public school lang pumasok. May sariling driver pa. Ang nakasiste, timing namang single ako ngayon kaya wala akong mairarason dito para makaiwas. Minsan bigla pa itong susulpot sa bahay na may dalang ano-ano. Mapabulaklak o pagkain.

Pero wala namang nabanggit kung para saan. Aaminin kong minsan kinikilig ako dito. Sino ba namang hindi? Kung tatratuhin nya ako, para akong prinsesa. Katulad ngayon, pinagbuksan pa ako ng pinto ng kotse nya.

Dumiretso ako sa classroom namin. Naabutan kong may pinagchismisan na naman ang dalawa kong bespren. Ano na naman kaya? Bigla kasing lumayo sa isa't isa pagdating ko.

"Huhulaan ko, nililigawan ka ni Carly ano?" Pabulong na tanong ni Kristel.

"Huhulaan ko, pinagpustaan nyo na naman ako ano?" Balik-tanong ko dito. Kala nito!

"Ha?! Hihihi.. hindi yun ang pinagpustahan namin," sumulyap ito kay Mayra.

Sirauloh!

"Eh ano?" Naiinis na talaga ako sa mga to!

"Naku wag mo nang alamin. Ibigay mo na lang para manalo ako." Sabay ngiti nitong nakakaloko.

"Anong ibigay? Buwisit ka."

Hindi pa man ito nakasagot, dumating na ang teacher namin. Gaya ng nakasanayan, natapos ang klase na wala akong naintindihan sa lessons namin. Ito kasing isip ko kung saan-saan naglakbay.

"...mukhang di ka ulit makakasabay samin," yun lang ang naintindihan ko sa sinabi ni Mayra sabay siko sa gilid ko.

Kunot-noong tiningnan ko ito. Pero sinagot ang tanong ko ng dumating sa harap namin si Carly. Nakangiti pa ang bruha.

"Hi."

Di ko sya pinansin. "Tayo na, mga sis. Gutom na me!" Tapos nauna ng  naglakad.

Takang napalingon ako dahil mukhang wala namang nakasunod sakin. Kaya pala, ibang daan ang tinahak ng dalawa at si Carly naman papalapit sakin.

Wala akong magawa kundi nakapamewang na hinintay itong makalapit. May pangiti-ngiti pa. Humanda ka sakin!

Tsup!

"Let's go, baby."

Nanlalake ang mga mata ko habang hila-hila ako nito samantalang balewala lang sa kanya ang panghahalik nya sakin.

"Aaarggg! Ang first kiss ko!" Hinampas ko ang braso nyang nakahawak sakin dahilan para mabitiwan nya ako.

"Don't act like you don't like it--- aray! What's wrong with you?!" Hinampas ko ulit sya ng mas malakas.

"Una, sabi ko wag na wag mo akong englisin! Pangalawa, first kiss ko yun kaya wag kang umasta na parang wala kang kasalanan!" Singhal ko sa kanya sabay duro sa mukha nya.

Pero sa halip na magalit ito, ngumiti lang ito ng matamis sakin. "I'm glad I'm your first." Saka hinila na ako nito papuntang kalsada.

"Hoy! Bitiwan mo nga ako! Saan mo ba ako dadalhin, ha?"

"Tahimik ka lang, please. Akala ko ba nagugutom ka na?" Nakatayo lang kami sa gilid ng kalsada.

"Oo, nagugutom ako. At hindi ako mabubusog kung tatayo lang tayo rito!" Sarap batukan nito..hmp!

First Love Vs True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon