chapter one

11.8K 193 39
                                    

Brett

"Bretty! "

Napabalikwas ako sa lakas ng tawag ng mama ko sabay pokpok ng pintuan ng kwarto ko.

"Yes, ma!" Mabilis kong sagot at tumayo na. Ulit-ulitin na naman nito ang maganda kong pangalan na bagay na bagay sa akin. Sya lang ang tumawag sakin ng ganyan.

"Aba't mag-aalas otso na! Papasok ka pa ba?" Sigaw parin nito mula sa labas ng kwarto ko.

"Naman. Maliligo na ako," Sagot ko at lumabas ng kwarto. Wala kasi akong sariling banyo. Hawak nito ang uniform ko na katatapos lang nitong plantsahin.

Sinadya ko lang male-late ng mga thirty minutes bago pupunta ng school. Huwebes kasi at siguradong school garden na naman ang unang aasikasohin namin bago magstart ang first period.

Ito yung ayaw ko sa public school eh. Bakit may pagarden-garden pa? At sa ganda kong to, pinagdidilig ako ng halaman?! Syempre, buong kaklase ko ang nasa garden but I don't care!

Ako lang naman kasi ang maganda sa section namin.

Wala nga akong trabaho dito sa bahay, sa school pa? Dzuh!

Alam kong inis na inis na ang mga kaklase ko sakin dahil kahit anong panakot ng adviser namin, hindi parin ako sumisipot sa garden namin kuno.

"Ilagay nyo na lang yan dun," tukoy ko sa uniform ko at nginitian ito saka dumiretso na sa banyo.

"Nagluto na ako ng itlog para sa agahan mo. Tapos na kami ng papa mo. Alam mo na, kailangang maaga dahil ayaw ng boss nila ng late." Narinig kong sabi nito.

Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa tubig habang pinupuno pa ang baldi. Pa-extra-extra lang si papa sa construction. Si mama naman nasa isang salon. Wala kasing natapos ang mga magulang ko kaya ganito lang ang buhay namin. Pero nabubuhay naman kami kahit ganyan lang ang trabaho nila.

Pero mas inuna nila ang pagpaganda ng bahay. Maliit lang ang bahay namin pero malinis na malinis at may mga appliances din kami. Kaya hindi ako mahihiyang magdadala ng kaibigan o boyfriend dito.

Di na ako nag-agahan pa. Dumiretso na ako ng school. Ten minutes pa akong late kaya may twenty minutes pa ako para kumain.

Nagpunta muna ako ng canteen para makakain. Hindi ko type kumain ng kanin kaya spaghetti na lang ang kinain ko. May iba din akong kasabay pero wala akong kakilala kaya humanap ako ng bakanting mesa.

Tahimik lang akong kumain ng may bottled water na biglang inilapag sa harap ko. Napatingin ako sa may gawa na naupo na pala sa tabi ko.

"Hi. I think it's not nice to eat when you don't have something to drink so I bought you this," tinuro nito ang tubig na bigay nya. "Hope you don't mind." Tapos ngumiti ito.

Mabilis kong nilunok ang kinain ko bago pa ito lalabas sa bibig ko. Nakanganga kasi ako ng hindi ko namalayan. Paano'y ang ganda-ganda nito. Ba't ngayon ko lang ito nakita? Transferee siguro to.

Imposible kasing sa ganda kong to, este sa ganda nya, ngayon ko lang sya napansin. Madali kasi akong makapansin ng mga kalahi ko..hihi.
Mukha talaga itong foreigner. Kailangan kong maghanda ng maraming tissue.

"Hey!"

"H-ha?" Bigla akong nailang dahil nakangisi sya ngayon. Napatitig kasi ako ng matagal-tagal sa mukha nya.

"I'm asking for your name, miss but you're zooning out. Are you okay?" Pinagalaw nya ang dalawang kilay at may nanunuksong ngiti parin sa labi.

Hmm! Mahangin din pala ang babaeng to kaya napalitan na ngayon ng pagkainis ang pagkahiya ko. At ano namang gagawin nya sa pangalan ko? Hindi kaya ako basta-basta na lang nagbibigay ng pangalan. Kahit mga kalahi ko pa yan!

First Love Vs True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon