Chapter 25

20 0 0
                                    

Dedicated to: ---

~*~

Kimberly's POV●

"Bwisit kang lalake ka! Nakakadalawa ka na!" Sigaw kong pabulong kay Loki pagkatapos ng speech ni wizard Hagrin.

Ngumisi lang siya. "Ginusto mo naman," binato ko siya ng tissue pero nailagan niya. Lintek. May pagka-hokage din to eh.

Nasa harap ko na siya ngayon dahil pagkatapos niya akong nakawan ng halik, tumakbo agad siya sa bakanteng upuan sa harapan ko para makaiwas sa pananakit ko. Agh. Yari talaga sakin tong kupal na to pagkatapos ng ball! Sisiguraduhin kong siya ang unang makakalaban ko sa grand games.

Inirapan ko siya at hindi pinansin hanggang kainan na. Nang malapag sa mesa yung mga pagkain namin, biglang nawala yung pagkainis ko at muntik nang malaway.

"Are you drooling?" Sinamaan ko siya ng tingin at kumuha na lang ng chopsticks at nilagyan ng sushi yung pinggan ko.

"Sungit. Matakaw. Amazona. Pero, maganda." Problema nito at bumabanat na lang bigla?

Hindi ko siya pinansin at kumuha ulit ng pagkain pero hindi ko maabot. Nasa kabila kasi ito ng table kaya malayo yun sakin.

Tatayo na sana ako para abutin kaso may umabot na sakin sa plato ko nun. Tumingala ako.

"Evening, Beautiful." Kindat niya sa akin at umikot para tabihan ako.

"Flix? Bakit hindi ka sumana kanina samin?"

"I have my reasons," nakingiti niyang sagot. Yaman talaga ng ngiti nito. Pero, bigla kong naalala yung binulong niya nung last day namin sa Daeju.

"Makukuha din kita. Maghintay ka lang."

"Hey," tinapik niya yung balikat ko.

"Ha?"

Bigla siyang sumimangot, "Hindi ka pala nakikinig eh." Nag-pout siya bigla. Natawa naman ako. Ang cute kasi niya pagnag-pout.

Pinisil ko yung magkabilang pisngi niya, "A-Aray! M-Mashak-Ket! Sandali, A-Aray..." binitawan ko siya. Siguro masyadong na kong naaliw sa pisngi niya. Hihi.

"Sorry," nag-peace sign ako sakanya at inubos na ang pagkain ko.

Hindi na siya ulit nagsalita dahil alam naman niyang guluhin niya yung bagong gising, wag ang gutom.

Flix' POV

Sinadya kong umupo sa tabi ni Kim kahit alam kong nasa harap namin yung manliligaw niya. Sa tingin niya papatalo ako? Wala ata sa bukabolaryo ko yun. Tss.

Good boy ako, oo. Kaibigan ko rin ang gunggong na to pero kapag ang isang good boy ay magmahal, lahat isusugal pati pagkakaibigan. Ganyan ako ka-seryoso rito. Ayokong hindi makuha ang taong gusto ko.

"Huy, tulala ka--" halos mapatalon siya sa gulat nang may naghampas ng lamesa ng sobrang lakas.

Napatingin ako sa gawi ni Loki at napangisi. He really looks pissed. Tutal sa akin ngayon ang tsamba, sagarin ko na.

Mas lumapit ako kay Kim at sinubuan siya ng isang rolyo ng carbonara. Nagulat siya sa ginawa ko pero kinain rin naman yung tinapat ko sa bibig niya.

Sinulyapan ko si Loki at napangisi ulit. Mukha siyang galit na galit at parang handa na para makapatay. If looks can kill, malamang kanina pa ko pinaglalamayan dito. But I'm not scared at all. Bakit ba? Kaya ko siyang pantayan at lagpasan pa nga. Isa lang siyang malaking EPAL na dumating.

Napansin siguro ni Kim na nagkasamaan kami ng tingin kaya tumikhim siya, "Ahm.." tumayo siya at lumipat sa gitna nang inuupuan namin ni Loki. Bale, magkaharap kami ng asungot at nasa gitna namin ang pinakamagandang babae na nandidito.

When The Four Academies Collide [ON- GOING]Where stories live. Discover now