Chapter 4

37 3 0
                                    

Nanlaki ang mata ko dahil nakita ko ang ultimate crush ko sa dati kong school!

Naku, nakalalaglag panti talaga ang ka gwapohan niya!

Hindi ko ini expect na dito rin siya mapadpad. Na expelled din kasi siya don.

"Wow! Ikaw ba yan panget? Ang ganda mo pala. Tama pala ako na naka disguise ka lang." Sabi niya na parang inlove ang mga mata. 0_0 no no no! Wag kiligin!

"Auh.... thanks." Utal kong sabi. Bakit ako nauutal? Kalma bes, kalma.

"Dito ka rin pala napadpad ano? Haha. Destined nga tayo." Binulong niya ang last part kaya hindi ko narinig.

"Ok, saan ka pupunta?" Walang hiyang tanong ko.

"Wala, na lilinga linga lang. Ikaw?" Siya.

"Auh... same." Ako.

"Hmmm.... do you know me?" Tanong niya naman.

"Hindi." Kahit crush ko siya, wala pa rin sa bukabularyo ko ang salitang 'stalk'.

He chuckled, "I'm Flix Woods. And you are?" Luhh? Hindi niya alam kung sino ako? Ouch ha.

"Kimberly Anne Sanchez." Malamig kong sabi.

"Ang cold mo parin." Huh? He knowed me back then?

How?

When?
--

Flix' POV

"Ang cold mo parin." Sh*t! Nadulas ko. Pesteng bunganga naman to. Walang filter.

"Auh...." pautal utal kong sabi, "Ah, ang alam ko kasi cold ka sa Aron's University. Dahil nerd ka d-don." Putek lusot na sana eh. Kaso umutal pa ako.

Kumunot nman ang noo niya, "Ahh, ok. Pero bakit ka ba nauutal?" O ayon na. This is gonna be my dead end. Lagot na!

-

Kim's POV

Bat kaya siya nauutal?

Ay ewan bahala na nga, "Ah, sige. Nice meeting you pala. Una na ako ha." Paalam ko at linagpasan siya.

Pumunta ako sa room at humiga na. Hay life, parang buhay!

(A/N: Pareho lang yan oy!)

Tss. Wag niyong pansinin si author. Papansin yan.

Natulog na lang ako dahil wala naman akong ibang magawa.

-

Third Person

Habang natutulog ang isang dalaga, may nag mamasid sa kanya ng hindi niya nalalaman.

"Yan ba ang dalaga?" Naniniguradong tanong ng isang diwata na nagngangalang Pirena.

"Oo, siya na ang hinihintay natin." Sagot naman ng isa pang diwata na kasama ni Pirena at humalakhak.

--
Kim's POV

"Kimberly, lika sumama ka samin." Pag aaya ng isang diwata sa akin.

Pinilit kong mag salita pero hindi ko kaya. Bakit kaya?

"Sumama ka samin Kimberly." Paulit ulit ito na nag eechoe sa isip ko.

When The Four Academies Collide [ON- GOING]Where stories live. Discover now